Kabanata 12

35 3 3
                                    

"Ah, madali lang naman pala, Kuya... si Haven naman" singit ni Lina nang mapansin na nakakarami ng gawa si Reiden.

Tinignan ko lang siya ng masama dahil nang-aasar na naman siya.

"Ay, sorry, ang dami na pala nito" sagot ni Reiden at nilinis ang chopping board na pag-gagawan ko.

Tumingin siya sa akin at bago pa siya mag-salita ay ako na ang kusang lumapit sa kanya.

"Aray!" sigaw ni Jessa habang hinahawakan ang braso niyang hinampas ni Lina.

Imbes na mainis ay napangiti ako dahil sa itsura ni Jessa, halatang nasaktan siya ng sobra.

"Haven.." bulong ni Reiden sa gilid ko. "Ito, oh.. dito mo lang hawakan sa dulo masyadong matalim 'to, baka masugatan ka" sabi niya sabay abot ng kutsilyo.

Kinuha ko iyon at sinunod ang sinabi niya.

"Ay... ulit" sabi ko dahil hindi pantay ang una kong nahiwa.

"Pwede pa 'yon, ganto pakita ko sayo" sabi ni Reiden at akmang kukunin ang kutsilyo na hawak ko pagkatapos niyang kuhain ang maliit na piraso ng cucumber na hiniwa ko.

Tama naman siya na pwede pa iyon pero gusto ko lang talaga na pantay ang magawa ko.

"Hindi, wag na, uulitin ko na lang" sagot ko sa kanya at  seryosong nagsimula sa paghihiwa ng cucumber.

"Cute mo" nakangiting bulong niya sa gilid ko.

Bahagya akong napatigil sa ginagawa ko at gusto ko pa sanang tignan ang reaksyon ng mga kaibigan ko kung narinig ba nila iyon pero pinilit kong ituloy ang ginagawa ko at mag-kunwaring wala lang iyon sa akin.

"Reiden" tawag ni Ma'am kay Reiden.

"Sandali lang" sabi niya bago siya umalis.

Laking pasasalamat ko dahil hindi ko ata kakayanin ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya sa harap pa ng mga ka-grupo ko.

Tinapos ko pang garnish at sinimulan naman ni Analaine ang paglalagay nito sa gilid ng sushi.

"Para kayong mag-jowang naglalandian sa harap namin, saya niyo panuorin" sabi ni Lina nang matapos na kami.

"Para kayong sira! ipapahamak niyo talaga ako, 'no?" sabi ko sa kanila.

Sina Janine at Analaine ay nasa ibang grupo at nakikitikim ng mga gawa nila dahil napansin nilang medyo marami iyon.

"Isa lang eh!" narinig ko pang sigaw ni Janine habang natatawa sa pang-aasar niya sa isang grupo.

"Hindi ah! si Kuya Reiden sisihin mo, halatang patay na patay sayo" sabi ni Jessa.

"Yung tingin niya sayo habang gumagawa ka ng pang-garnish, parang naiisip niya na yung future niyo-" dugtong pa ni Chelsea.

Nakakunot ang noo ko kaya hindi niya natuloy ang kwento niya.

"Ang lala ng imagination ah?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Ewan ko sayo, wala ka talagang ka-kilig kilig sa katawan, basta yun ang nakita namin, diba?" sabi niya sabay tingin kay Lina at Jessa.

Nakangiti naman ang dalawa habang nakatingin lang sa akin.

"Tapos na kayo? Sorry, ang dami pa kasing nagpatulong doon sa kabilang grupo eh" sabi ni Reiden sa gilid ko at tinignan ang gawa namin.

Kaya naman pala naka-ngiti ang mga kaibigan ko at wala nang sinabi dahil nakita nila na palapit dito si Reiden.

"Ang ganda, galing niyo" dugtong niya nang makita ang gawa namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon