Kabanata 4

106 13 0
                                    

"Ikaw na lang ang magdala ng magiging lagayan natin ng mga ingredients, yung storage box na clear lang tapos kailangan may handle" sabi ng leader ng grupo namin na si Analaine.

"Tapos kayong magto-tropa ang mamimili ng ingredients natin sa unang laboratory natin, okay lang ba 'yon?" tanong naman niya sa amin nila Jessa.

"Okay lang naman" tipid na sagot ni Lina, sabay tingin sa amin.

Pagkatapos ng prelim namin ay naghahanda na kami para sa aming midterm. Dahil TVL ang strand namin ay magkakaroon kami ng dalawang kitchen laboratory, isang cookery at bread and pastry naman sa finals.

Binigyan kami ng oras ng aming professor na mag-meeting para sa aming laboratory na mangyayari bukas, gusto ni Ma'am na organize ang mga gamit namin sa taas o penthouse kung nasaan ang kitchen namin, kaya ni-required niya kaming mag-provide ng storage box para sa mga ingredients namin.

Dahil malaya kaming mamili ng aming ka-grupo ay hindi na kami naghi-hiwalay ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos namin mag meeting para sa aming cookery subject, ay nag meeting naman kami para sa business plan na gagawin namin para sa midterm. Kailangan namin mag-isip ng isang event na kami ang mag o-organize, dito nakasalalay ang grades naming lahat kaya mahalagang may ambag ang bawat isa.

Ang president sa klase namin ang nag-assign sa mga kaklase ko na mangongolekta ng sampung piso kada araw para magkaroon kami ng budget sa event na gagawin namin.

Napag-desisyunan ng buong klase na magkaroon ng buffet na may cherry blossom na theme. Sa susunod pa namin pag-uusapan kung magkano ang buffet at kung anong mga pagkain ang ihahanda namin.

Wala kami gaanong discussions ngayong midterm dahil lahat naman ng magiging examination namin ay mang-gagaling sa mga practical na gagawin namin.

Nag usap usap din kami ng mga kaibigan ko na sabay kaming mamimili ng aming chef's uniform dahil maaga naman ang dismissal namin ngayon kaya mayroon pa kaming oras mamili.

Bago kami mamili ay sumaglit muna kami sa isang mamang nagbebenta ng fishball at kwek-kwek. Hilig namin ang ganitong bonding pagkatapos ng klase.

Pagkatapos noon ay pumunta muna kami sa hypermarket para mamili ng mga ingredients na ka-kailanganin namin. Si Chelsea ang mag bibitbit no'n dahil siya ang may pinaka malapit na bahay.

"Ate, patingin po ng chef's uniform niyo, bale isang small, isang medium, at dalawang large po" sabi namin sa tindera, dito namin napiling bumili dahil sabi ng mga kaklase naming nakabili na ng uniform nila ay dito raw ang may pinakamura.

Isa isa naming sinukat ang chef's uniform at mukhang sakto naman ito sa amin. Maganda pa ang tela.

"Ate, magkano po dito?" tanong ni Jessa sa tindera.

"280 pesos ang isa, pero dahil apat naman kayo, sige 250 pesos na lang" sabi ni ateng tindera na nakangiti sa amin.

Binayaran na namin 'yon at naghiwa-hiwalay na nang nasa tapat na kami ng sakayan, magkakaiba naman kasi kami ng daan.

"Ingat kayo ah" sabi ko kay Lina at Chelsea dahil pareho sila ng jeep na sasakyan.

"Kayo rin, ingat kayo" sagot naman ni Chelsea.

Ilang minuto lang kami naghintay ng jeep, at masaya ako dahil ang nasakyan namin ay ang sa tabi ng driver, ito ang paborito kong pwesto sa jeep.

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon