Reiden Arlo Acosta sent you a friend request
Abala ako sa pag so-scroll sa facebook nang biglang may lumabas sa notification ko. Tinignan ko lang sandali ang profile picture nito dahil hindi ako basta basta nag a-accept ng hindi ko kakilala.
Nakatalikod ang lalaki sa profile picture niya at nakatingin lang siya sa mga matataas na puno. Hindi na ako nag-abala pang i-check ang iba niyang posts dahil wala rin naman kaming mutual friends.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko nang bigla na naman tumunog ang notification ng facebook ko.
Reiden Arlo Acosta sent you a friend request
three mutual friendsPinindot ko ang profile niya at nakita kong friend niya na ang mga kaibigan ko. Wala pa 'yon kanina, ah?
Kung hindi ko lang nakita na friends niya ang mga kaibigan ko ay hindi ko talaga siya i-a-accept.
Confirm
In-accept ko ang friend request niya at doon ko lang nalaman na siya pala yung lalaking tinatawag na 'kuya' ng mga kaklase at kaibigan ko.
Tinignan ko ang mga posts niya at halos lahat iyon ay shared posts lang. May tungkol sa mga pag luluto, plating, mga cute na aso, at halos karamihan ay bible verses.
Pagtapos kong makita ang mga posts niya ay umalis na 'ko sa profile niya dahil baka mapindot ko pa ang 'like' at isipin niya pang inii-stalk ko siya.
Tumunog naman ngayon ang notification ko sa messenger at laking gulat ko nang makita ko na siya ang nag-message sa akin.
Reiden Arlo replied to your story
Heart reaction lang naman iyon sa selfie ko kanina. Wala naman siyang ibang sinabi maliban sa reaction niya sa picture ko pero mayroon akong kakaibang naramdaman.
Pakiramdam ko ay maiilang ako kapag nagkita ulit kami.
seen
Hindi na ako nag-reply ng kahit ano dahil hindi rin naman kami close.
Pagtapos no'n ay pinatay ko na ang cellphone ko at pinilit na makatulog kahit hindi pa talaga ako inaantok dahil baka antukin pa ako sa klase bukas.
"Haven!" sigaw ni mama "4:30 na!"
Napabangon agad ako dahil sa sigaw ni mama galing sa baba.
"Pababa na" sagot ko kay mama
Ininda ko ang sakit ng ulo ko sa biglaang pag-bangon at tinignan ko ang oras sa cellphone ko at late nga ako ng thirty minutes.
Dali dali akong nag-asikaso dahil ilang minuto na lang ay kailangan ko nang umalis.
Mabilis ang naging kilos ko dahil parang may kung anong sumasanib sa akin kapag may hinahabol na oras. Nagiging times two ang kilos ko at may halo pa 'yang kaba.
Nasa bus na ako at nakaupo ulit ako ngayon. Inilibas ko ang liptint ko at naglagay ng ka-onti sa aking pisnge at labi para magkaroon ng kulay ang mukha ko.
Ka-papasok ko pa lang sa gate ng school ay naabutan ko si Reiden na nagpapa-check ng bag.
Nakasunod naman ako sa likod niya at nang matapos ma-check bag namin at nagpatuloy na kami sa paglalakad sa hallway, napatigil siya sa aming chapel na unang madadaanan bago ang mga classroom.
Nakahawak na siya sa pintuan nang bigla siyang mapatingin sa akin.
Nakita kong nagulat siya at biglang pa-simpleng inayos ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Chapters of Us
JugendliteraturHaven and Reiden How long does it take you to believe to true love exists? Started: October 5, 2024 Status: On-going Book cover: credits to littlePB's artwork (pinterest)