Kabanata 3

99 11 3
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm ko. Ala-siyete na pala ng gabi at kailangan ko pang mag review dahil bukas na ang last day ng examination namin. Gustong gusto kong bumangon pero parang hinihila ako ng kama.

Pinagbigyan ko ang sarili kong mahiga ng ilang minuto bago napagdesisyunan na bumangon at maghapunan.

"Haven, dahil alam kong stress ka sa exam niyo, niluto ko ang paborito mong ulam" bungad ni papa pagbaba ko sa hagdanan.

Palaging ganyan si papa, siya kasi ang nasa bahay at ang mama ko ang nagta-trabaho. Maaga kasing nag-sara ang kompanyang pinapasukan ni papa, at nahirapan na rin siyang maghanap ng permanenteng trabaho, pero minsan naman ay nagkakaroon siya ng sideline sa mga events.

Kahit ganyan si papa ay masasabi kong ibang iba siya. Napaka-responsable niya sa mga gawaing bahay, hindi mabisyo, mapagmahal na asawa, at suportado niya ang lahat ng ginagawa namin. Napakaswerte ko sa papa ko.

Pagbaba ko ay naamoy ko na agad ang ulam na ihihanda ni papa, nasa lamesa ito katabi ng plato at basong hinanda niya rin. Mukhang hinintay niya talaga akong bumaba para sabay kaming kumain.

"Sinigang na hipon yan, tapos sabi mo kasi gusto mo sobrang asim, tikman mo nga" sabi ni papa nang maupo kami sa hapag-kainan. Halatang proud na proud sa niluto niya.

"Ito! ganito yung sinasabi kong asim na gusto ko" sabi ko kay papa pagkatapos kong tikman ang sabaw. Nagpatuloy na kami sa pagkain at nagkwentuhan na rin ng mga nangyari sa school.

Ganito ang nangyayari saamin araw-araw sa bahay, kinukwento ko sa kanila ang nangyari sa araw ko, at minsan kapag sobrang haba ng gusto kong i-kwento ay kailangan ko pang hintayin na dumating si mama para isahang kwento na lang.

Sa amin kasing tatlong magkakapatid ako ang pinaka madaldal, ang ate ko ay busy sa kanyang trabaho kaya pagka-uwi niya ay diretso pahinga na samantala naman ang bunso namin ay mahilig maglaro ng computer games, kaya lagi rin nagkukulong sa kwarto.

Pagtapos namin kumain ay nag skin care na 'ko at mabilisang naglinis ng aking katawan para magkulong sa kwarto at mag-aral hanggang alas dose ng madaling araw.

Inubos ko ang apat na oras mahigit sa pagbabasa at pag hi-highlight ng mga importanteng topic sa reviewer ko. Sobrang hina ko sa memorization kaya naman lagi lang akong nag fa-familiarize sa mga inaaral ko, mas okay 'yon dahil kapag nagme-memorize lang ako ay hindi ko naiintindihan ang mismong topic.

Pagtapos kong basahin ng paulit-ulit ang mga reviewer ko ay nagpahinga na 'ko dahil maaga pa akong gigising.

Mabilisan akong nag-asikaso at naglagay ng ka-onting liptint sa aking pisnge at labi para magkaroon ng kulay ang maputla kong mukha. Hindi naman ako mahilig mag make up, pero dahil sa aming personal development na subject, ay nahikayat kaming mag-ayos dahil parte raw 'yon ng aming strand.

Hindi ako masyadong nagmamadali ngayon dahil maaga akong nakaalis sa bahay. Kaya naman nang dumating ako sa sakayan ay naka-tyempo ako ng bus na maluwag at makakaupo ako. Habang nasa byahe ay nag-suot ako ng earphones at dito na ako nagbasa ng reviewer ko para relax ang utak ko mamaya sa school at hindi magka-halo-halo ang inaral ko.

Mabilis ang naging byahe ko kaya naman sakto lang ang dating ko sa eskwelahan. Gaya kahapon ay ganun pa rin ang nadatnan ko sa klase, mga kaklase kong busy sa pagbabasa ng kani-kanilang reviewer.

Mabilis na natapos ang dalawang exam namin, at masasabi kong sumakit talaga ang ulo ko dahil puro enumeration ang type ng exam namin. May mga numero akong hindi nasagutan dahil nilagpasan ko 'yon dahil baka maubusan ako ng oras at 'di ko masagutan ang iba.

Dahil mukhang matagal pa naman ang last subject namin, ay pumunta muna kami sa cafeteria para bumili ng snacks, pare-pareho kaming bumili ng frozen na choc-o at biscuit at naupo sa paborito naming spot.

Habang nagku-kwentuhan ay napansin ko na naman ang lalaking nakasalubong namin kahapon, hindi siya naka-uniporme ngayon, naka-t-shirt lang siyang puti at naka-apron. Mukhang sa cafeteria ang duty niya ngayon.

Nagtatawanan sila ng mga servers at dishwasher sa loob. Rinig na rinig ang tawanan nila dahil hindi naman malayo ang lamesa namin sa kanila. Nakakatuwa lang silang tignan dahil kahit pagod ay hindi mo mahahalata sa kanilang mga itsura. Napa-sobra ata ang panonood ko sakanila at bigla na lang akong natauhan nang magtama ang tingin namin ng lalaking nakita ko kahapon.

Mabilis kong nilihis ang tingin ko, at niyaya na ang mga kaibigan kong bumalik na sa klase dahil baka ma-late pa kami sa huli naming exam.

Pagbalik namin ay sunod naman na dumating si Ma'am Agnes, dala dala ang mga test papers, nang makakuha na kami ng kanya kanya naming papel ay nagsimula na rin kami sa pag sagot.

Multiple choice ang type ng exam kaya rito ko masisigurong papasa ako. Isang oras ang exam pero natapos namin ito bago mag alas dose.

Pagtapos namin maipasa ang mga test papers namin ay makikita mo ang mga ngiti sa mukha ng mga kaklase ko dahil sa wakas tapos na ang prelim exam namin, makakabawi na rin ako ng tulog. Oo, tulog lang talaga ang pahingang gusto ko.

Bago kami tuluyang makalabas ay tumunog ang Angelus Prayer namin, kaya naman hinintay muna namin itong matapos.

Pagtapos no'n, lumabas na kami at kung minamalas ka nga naman, ang taong iniiwasan kong makita kasama ang mga tropa niya ay makakasalubong pa talaga namin.

"Oh, dito ka lang, kakain na tayo, diba?" pang asar ni Chelsea habang hawak hawak ang braso ko.

Babalik na sana ako sa classroom dahil kapag ganitong kumpleto ang mga tropa ko ay alam kong mapapahamak ako.

"Wag niyo sana masyadong ipahalata na inaasar niyo ko sa kanya, 'no?" sarkastiko kong sabi, dahil kung makahigit sila sa akin ay parang itutulak nila ako sa kanya.

At nagtawanan na naman sila. Naasar na talaga ako. Bakit ba kasi may mga kaibigan tayong pag sinabihan nating wag maingay, o 'di kaya wag ipagkalat na crush natin yung isang tao, eh, sila pa 'tong mang-aasar sayo. Kung dati okay lang, eh, ngayon kasi gusto ko nang iwasan yan.

Nagtagumpay nga ang mga kaibigan ko, dahil nakita kong sabay sabay na tumingin ang mga tropa ng ex crush ko sa banda namin at nag bulungan pa. Yumuko na lang ako at nagpanggap na may tinitignan sa cellphone ko.

Nang makahanap kami ng pwesto sa gazebo ay mabilis akong umupo sa bandang dulo kung saan patalikod ang upuan kaya naman hindi ko na makakaharap ang table ng ex crush ko, hindi ako maka-kakain ng maayos kapag nagtawanan na naman 'tong mga kaibigan ko.

"Pero alam mo, pansin ko lang, kung kailan alam na niya or nahahalata niyang crush mo siya doon siya pana'y sulpot sa harap natin. Hindi naman kasi siya ganyan dati" sabi ni Lina pagkatapos niyang inumin ang juice na nasa tumbler niya.

"Syempre, ganyan naman yung mga lalaki. Pag alam nilang gusto na sila ng babae magpapapansin na" walang gana kong sagot, habang nag sco-scroll
sa cellphone ko.

Sa dami ng nanakit sa akin na lalaki parang kabisado ko na yung mga ugali at gawain nila, kaya nga siguro takot na takot ako mag commit kasi pakiramdam ko wala namang seryosong lalaki. Walang seseryoso sa akin.

"Try mo nga lumingon, nakatingin sila rito eh" pabulong na sabi ni Jessa.

"Hayaan niyo na yan, ubusin niyo na yung pagkain niyo para makauwi na rin tayo at pahingang pahinga na 'ko" sabi ko ulit dahil puro tingin sila sa kabilang table. Ako na nahihiya sa ginagawa nila.

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon