This chapter is dedicated to my online friends and tiktok live viewers. Special shout out to Elgen and Loraine. Thank you for supporting me.
****
Habang pababa kami ay masayang kinukwento ni Analaine ang mga napag-usapan nila kanina at kami naman ay nakikinig lang sa kanya.
"Alam niyo ba ang bait ni Kuya, kasi hindi dapat tayo makakapag laboratory ngayon kasi wala si Ma'am tapos wala silang pasok pero pumunta siya rito sa school para lang sa laboratory natin" kwento niya sa amin.
"Graduating student na rin siya, hinihintay na lang niya na tumawag yung hotel na pinag-applyan nila para makapag-start na siya sa OJT niya" tuloy pa rin niyang kwento sa amin.
"Magaling nga rin siya sa pagba-bake at pagluluto. Pinapili ko nga siya ng isa lang pero hindi raw talaga siya makapili" singit na kwento naman ni Lina.
"Ako naman, na-share ko sa kanya na gusto kong matuto mag-bake, sabi niya siya daw ang tutulong saatin kapag magba-bake na tayo" natutuwang kwento naman ni Chelsea.
"Sa akin personal life ang tinanong ko sa kanya. 21 years old pa ngalang daw siya eh, tapos wala rin siyang girlfriend kasi bawal daw yun dito" singit naman ni Jessa.
"Balak ko pa naman sana mag-aral dito sa college para hindi na 'ko mahirapan maghanap ng school pero sobrang higpit pala dito pag naging scholar ka" patuloy na kwento ni Jessa.
"Sabi niya kung gusto raw natin mag-aral dito, i-maintain daw natin na mataas yung grades natin, tapos mag du-duty tayo rito ng three hours per day, at ang pinaka-challenging para sa akin yung bawal magkaroon ng boyfriend hanggang maka-graduate" natawa siya sa huli niyang sinabi.
"Pero graduating na rin naman siya kaya baka pwede na 'yon" singit ni Analaine.
"Excited na tuloy ako sa susunod natin na laboratory, ang saya niya kasing kausap, ang gaan lang" sabi ni Analaine bago kami makapasok sa aming silid.
Pagpasok namin ay nadatnan namin ang aming mga kaklase na nag u-usap usap para sa business plan na gagawin namin.
Mukhang hindi na nga talaga kami magkakaroon ng discussion sa subject ni Sir, dahil nasa harap lang siya at nanonood sa amin habang kami ay busy sa pinag-uusapan namin.
Napagdesisyunan ng lahat na sa isang student lounge namin gaganapin ang buffet, at ipu-pwesto ang buffet area sa stage at hindi na rin kami mahihirapan dahil maraming upuan at lamesa ang pwedeng hiramin doon.
"100 pieces lang ang magiging number of pax natin dahil yun lang ang ka-kasya sa student lounge" anunsiyo ng aming president.
"Sila Celine na ang in-assign namin sa layout ng ticket at invitation cards natin para sa mga teachers at kay Dean" patuloy na anunsiyo niya saamin.
Dahil sa midterm pa naman gaganapin ang buffet ay hindi na muna kami nag-usap usap tungkol sa mga pagkain.
Ang bali-balita rin ay mukhang ang ang Food and Beverage subject kung saan mayroon kaming business plan at Cookery subject namin ay parehong magbabase ng grades namin sa buffet na mangyayari sa midterm.
Kaya naman ang mga lulutuin namin sa kitchen laboratory namin every week ang posibleng ihanda namin na pagkain sa buffet.

BINABASA MO ANG
Chapters of Us
Teen FictionHaven and Reiden How long does it take you to believe to true love exists? Started: October 5, 2024 Status: On-going Book cover: credits to littlePB's artwork (pinterest)