Chapter 3
Shamyka POV:
Mabilis na tumakbo ang oras.
Kaya sa pagsapit ng bagong umaga, agad akong bumangon sa higaan at dumiretso na sa banyo.
Hindi na rin ako nag-almusal pa dahil wala akong ganang kumain kapag nakikita ko ang mukha nila mom.
Ewan ko ba at nakasanayan ko ng gawin 'to every morning.
Matapos kong suotin ang uniporme, sumakay na ako sa aking motor.
Nakalimutan ko kasing dalhin ito kahapon dahil sa pagmamadali.
Pero ngayon na may atraso ako sa manyakis na 'yon, kailangan lagi ko 'tong dala.
Kaagad kong pinaharurot ang motor patungong campus.
Kung titingnan, halos kulay itim lagi ang sinusuot kong damit. Ang astig kasi masyado kapag ganito ang postura ko.
Ilang minuto lang ang tinagal at natunton ko na ang Universtiy. Kaso sa mga oras na 'to, ibang-iba ang awra ng mga estudyante lalo na ang mga babae. Ang talim kasi ng tingin nila sa akin na tila gusto akong sakalin.
Napailing na lamang akong bumaba ng motor at pinili kong 'wag sila pansinin.
I know na masasayang lang ang ganda ko kapag pinatulan ko ang mga 'yon.
Dinukot ko sa aking bulsa ang isang bubble gum at nginuya ito sa loobng bibig.
Maangas akong naglakad sa hallway na animo'y walang nangyari kahapon.
I don't fuckin care kung makita o makasalubong ko pa ang may-ari ng University na 'to.
Wala na sa ugali ko ang tumakbo noh? And besides, pinaghandaan ko na ang aking sarili na harapin muli siya..
"Malandi ka!", sigaw ng isang dalaga kasabay ng pagsampal sa aking pisngi. Nagawa niya akong harangin sa daan at umeskandalo pa.
"Sa pagkakaalam ko, baguhan ka palang dito! Pero ang kapal din ng mukha mo para landiin agad ng ganon si Tyler! Ano bang pinakain mo sa kanya at nagawa mong kunin ang loob niya?!", galit na bulyaw nito.
Inayos ko naman ang aking buhok at saka ako tumingin ng diretsa sa mata niya. "You know what, hindí ako pumapatol sa mga low class. Pero dahil sa ginawa mo, mukhang madudungisan yata ang kamay ko.", bigkas ko at kaagad ko siyang sinampal ng malakas.
Dahil sa ginawa ko, nagulat ang mga taong nakakita sa amin.
At kahit narinig ko ang mga bulungan nila, mas tinuon ko ang aking atensyon sa babaeng kaharap ko.
"Hindi ko na kasalanan kung nakuha ko agad ang loob ni Tyler. Sisihin mo 'yang sarili mo dahil panget ka.'", malditang wika ko sa kanya.
"Wow lang ha? Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Hindi mo yata alam kung sino ako sa campus na 'to!",
mayabang na saad niya.
"I am the only Queen here. Sinasamba ako ng lahat ng estudyante rito. Kaya matuto kang gumalang kung gusto mong makalabas ng buhay." patuloy nito na may pagbabanta sa boses.
Tinatakot mo ba ako Ms.Queen? Kasi kung oo, hindi na 'yan sa akin umeepekto. Dahil ang takot na mismo ang natatakot sa akin. Kaya kung inaakala mong sasambahin kita, malamang hindi ko 'yon gagawin." palaban na sambit ko na may ngisi sa aking labi.
"Tandaan mo 'to, reyna ka lang, demonyo ako.", taas-kilay kong sabi ulit.
Hindi ko na hinintay pa na nagreact siya dahil ako na mismo ang umalis.
BINABASA MO ANG
My Gangster Boyfriend [COMPLETED]
RomantikCertified babaero at basagulero ang binatang si Tyler. Hindi na sa kanya bago ang magkaroon ng maraming babae sa isang araw. Pero yung pagiging charming niya, hindi ito tumalab kay Shamyka. Shamyka is a brat girl. Halos ilang beses na rin siyang na...