Tyler's POV:
"Im very disappointed, Tyler."
--Pinagkatiwalaan pa naman kita para sa anak ko.", mahinahon na saad ng papa ni Shamyka.
Kaming apat na lamang ang naiwan sa sala dahil pumasok na ang dalaga sa kanyang kwarto.
At sa oras na 'to, nakatayo na rin si Steven habang hawak-hawak ang coat na pinasuot niya sa babae.
"Tito, Wala ho akong alam sa sinasabi ni Shamyka. Magkasama palang kami kanina tapos bigla siyang nawala. l also tried to asked my dad, pero ang tanging sabi niya, baka umuwi na siya. So here, mabilis akong
pumunta dito para hindi ako mag-alala.", wika ko para maging malinaw sa magulang ng dalaga ang totoo.
"I'm sorry. But for now, ang anak ko muna ang paniniwalaan ko."
"--Kita mo naman, takot na takot siya, kaya sa tingin ko, tama ang sinusumbong niya. ", kalmado niyang bigkas.
"Pero--", akma sana akong magsasalita ulit, kaso matalim n'ya akong tinitigan dahilan para matahimik ako.
"Tyler, Shamyka is my daughter. She's also my unica hija. Kaya hindi ko na mapapalampas 'to. Buhay n'ya ang naapektuhan at naging delikado nang dahil sa'yo. So don't you dare, touch her again.", pahayag ni Tito na may pagbabanta sa boses.
"--Mabuti pang umalis ka na sa pamamahay ko, hangga't natitimpi ko pa ang aking sarili.", turan nito.
Malalim akong napahinga at napatitig muna sa kwarto ng dalaga bago lumabas ng bahay.
Rinig ko ang yapak at pagpaalam ni Steven na aalis na rin siya.
At dahil dito, nakasunod siya sa likuran ko, kaya mapwersa ko agad s'yang kinwelyuhan habang nangingitngit sa galit.
"ANONG GINAWA M0?! NILASON MO BA ANG UTAK NIYA, HA?!" bulyaw ko sa pagmumukha niya.
Pero tumawa lang ito ng nakaka -insulto, dahilan para suntukin ko siya ng malakas.
Hindi man siya makasalita, malakas ang kutob ko na isa ito sa kanyang mga plano.
"I told you, Tyler. H'wag na 'wag mong iwanan si Shamyka. So look what happened? She's been kidnapped by your own members.", ngising saad niya kasabay ng pagpunas ng dugo sa labi.
"Hindi. Hindi 'yon, magagawa ng mga ka-grupo ko.", pag-iling na sambit ko.
I know the Red Gang, very well.
Hindi sila gagawa ng ikasasama ko.
" Talaga? HAHAHA. Pero huli ka na! Dahil ako na ngayon, ang mabait sa mata ng babaeng mahal mo.'", tagumpay na bigkas niya.
I was about to punch him again, kaso muli s'yang nagsalita. ko.
"Sige, suntukin mo ulit ako.",
"--Kasi hindi ako magdadalawang-isip na isumbong sa dalaga ang ginawa mo sa akin. And I guess, she will believe me.", he said at tinapik ang balikat ko.
Tila dumikit ang paa ko sa kalsada dahil hindi ko ito ma-igalaw.
I don't know the whole story.
Ang tanging alam ko lang, kinausap ako ni Anton at nagtanong-tanong siya tungkol sa amin ni Shamyka.
Hindi kaya, sinet-up ako ni Anton?
But s**t! He's my bestfriend. Kaya imposibleng tatraydurin niya ako.
Dahil sa naisip ko, sumakay ako ng kotse at pinaharurot ito patungo sa mismong lugar namin ng Red Gang.
Pagkarating ko do'n, nagkakasiyahan silang lahat.
And f**k! It makes me more irritated!
Lalo pa't nag- iinuman at kumakanta sila sa videoke
Kaya nagtataka ako, kung para saan ba ang kasiyahan nila?
"T*NGINA! STOP IT!", sigaw ko sa kanila at sinipa ko ng malakas ang isang mesa.
Napatigil sila sa pag-iinuman at sabay-sabay na tumayo.
"'Boss, a-ayos ka lang ba?", kinakabahan na tanong ng isa.
"Bakit kayo nagkakasiyahan?", bigkas ko na may kadiinan sa pananalita.
"Tyler, birthday ni Gian. Nakalimutan mo na ba?", Sagot ni Fred.
Napatingin ako sa gawi ni Gian na ngayon ay naging malungkot ang mukha.
Nasira ko yata ang celebrasyon ng kaarawan niya,
"Si Anton? Nasa'n si Anton?", tanong ko rito.
"Boss, wala na sa grupo natin si Anton.", muling Sagot nito.
what?", tanging sambit ko.
"Lumipat na siya sa Demon Gang.",
-Matagal na s'yang nagtatraydor sa atin, Tyler.", patuloy niya dahilan para mapakunot-noo ako.
"Bakit 'di niyo agad sinabi sa akin?", galit kong turan.
"Tyler, bestfriend mo si Anton. Kaya naghahanap kami ng tamang tiyempo para sabihin 'yon sa'yo. Kaso, masyado kang naging busy kay Shamyka.'", saad nito sa akin.
Bumalik sa ala-ala ko, ang mga nangyari kanina.
Tama ang hinala ko! Naset-up ako ng magaling kong kaibigan at demonyo kong kapatid!
Pinagka-isahan nila ako na walang kamalay-malay.
"Bakit Boss? May problema ba?", usisang tanong ulit ní Gian.
Hindi na ako sumagot pa, sa halip, binigyan ko sila ng sign na humanda.
"Lulusob tayo. Kukunin natin si Anton ng buhay para maamin niya kay Shamyka ang totoo.", huling sabi ko na kaagad nilang sinunod.
Tatapusin ko ang gabing ito sa madugong paraan.
Hindi ko hahayaan na makuha ni Steven ang babaeng pakakasalan ko.
BINABASA MO ANG
My Gangster Boyfriend [COMPLETED]
RomanceCertified babaero at basagulero ang binatang si Tyler. Hindi na sa kanya bago ang magkaroon ng maraming babae sa isang araw. Pero yung pagiging charming niya, hindi ito tumalab kay Shamyka. Shamyka is a brat girl. Halos ilang beses na rin siyang na...