Chapter 31

46 11 0
                                    

shamyka POV.

Hindi pa rin makamove-on si Tyler sa ginawa kong paghaplos sa alaga nito.

So I don't have choice kundi ang tadyakan siya para matigil na ito sa pang-aasar.

"oh ano, gusto mo pa ha? Gusto mo pa?", sacrastic kong sambit.

"Hays. Masyado ka namang mapanakit, babe. Siguro kapag asawa na kita, hindi ako makaka-score sa gabi.", malungkot na saad niya.

"Talagang hindi!", taas-kilay kong tugon at tinalikuran siya.

Tinungo ko naman ang damitan at binuksan ito para hanapin ang paborito kong dress.

"Meron ka bang dalaw, Shamyka? Mukhang ang sungit-sungit mo sa akin.'"

"--Sa pagkakaalala ko, ikaw ang may ginawang mali sa katawan ko." litanya nito mula sa aking likod.

Kaya dahan- dahan ko s'yang nilingon at hindi pa rin naalis ang katarayan sa makha ko.

"Alam mo ikaw, daig mo pa ang isang babae sa sobrang daldal.",

"--Pwede bang kiputin mo 'yang bibig mo?!", madiin kong sambit sa binata.

"Fine. Eto na, ikikipot ko na.", tugon niya at talagang zinipper pa talaga ang labi gamit ang kamay.

"Good. Madali ka palang kausap eh.", kalmado kong saad.

Tinuloy ko na ang paghahalungkat ng damit sa drawer at nang makita ko ang pulang dress, ay bigla akong napangiwi.

Actually, I have a plan to do.

At alam kong masisiyahan si Tyler sa mangyayari mamaya.

"Charan!!",

"--Wear this, babe.", ngiting saad ko nang harapin siya.

Pero ang reaksyon nito ay halos hindi na maipinta.

"What? Ayaw mo?", I asked again.

But still, no response.

"Bingi ka ba? O sadyang mahina ang utak mo, pagdating sa ganito?" pahayag ko na may kainisan sa tono.

Bigla nitong tinuro ang labi na tila pinaparating na sarado ang bibig niya.

"Ghad!" tanging bigkas ko at napahilot na lamang ako sa sintido.

"Can you please act, normal. Hindi ka naman yata kulang sa bakuna, diba?", pagsasabi ko sa lalaki.

"Sinusunod ko lang ang utos mo, mahal na reyna." wika nito dahilan para masiyahan ako.

"Then nice! 'Yon naman pala. So here, wear this red dress.", muli kong sambit.

"What?",

"oh, aarte pa?", masungit kong saad.

"Pero--", Tyler, aalis tayo ngayon. Pupunta tayo sa sikat na designer." pagpapaliwanag ko para pumayag siya.

"Huh?",

"Ulyanin ka talaga. Bukas na ang masquerade party, remember? Kaya kailangan natin ng bonggang masusuot.", I said again to explain it clearly.

"Kung gano'n, ba't ko pa 'yan susuotin? Baka isipin pa ng mga tao, bakla ako.", turan nito na halatang ayaw  gawin ang gusto ko.

"Nagsuot lang na dress, bakla agad? Come on, 2024 na! Another year, so another challenge.",

"'But Shamyka--",

"Sige ganito na lang, ako na lang ang magdadamit sa'yo, para ganahan kang suotin 'to." pacute kong sabi, with matching kindat pa.

Ikaw ha? Gusto mo lang mahawakan ulit ang matigas at mahaba kong talong. May pachalleng-challenge ka pang nalalaman" mapang akit na turan niya.

"Seriously? Talagang inisip mo pa 'yan ha?!",

"--Tsk. Kung ayaw mong suotin, edi 'wag!",

"--Basta bukas, 'wag kang magseselos kapag sinayaw ako ni Steven!" irap kong sigaw at saka lumabas ng kwarto.

Tangina!

Napaka-killjoy naman ng taong 'to!

Magbabarbie challenge lang, ayaw pa!

Sa sala ako dumiretso para do'n ilabas ang kainisan ko kay Tyler.

Hindi siya marunong sumunod sa mapapangasawa niya! Like ghad!

Gusto ko lang naman ipagdamot siya dahil alam kong pagpipyestahan ng mga bakla ang kagwapuhan niya pagpunta namin do'n sa sikat na designer.

Tsk.

binalibag ko ang remote nang mabuksan ko ang TV. Mas pinili kong manood muna para pakalmahin ang sarili ko.

Kaso ilang minuto palang ang lumipas, may narinig ayad ako na yapak ng sandal na nagmumula sa hagdan

Tiningnan ko naman kung sino 'yon, at laking gulat ko nang masilayan ko si Tyler.

Yes! Si Tyler nga!

He's now wearing a red dress na talagang fit na fit sa kanya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what?

Kasi para s'yang si Hulk na labas ang makisig na braso niya.

"Im doing this because I love you."

"--I'm doing this so that your attention is only mine. So don't let Steven touch you, tomorrow. Arasso?", bigkas ito na talagang may korean word pa sa hulihan.

"Oo naman. Hindi na. Pero teka, bakit ka pala sumuot ng sandal? Wala naman sa usapan natin 'yan.",

"Cinareer ko na eh. Para hindi ko na magtampo. And infairness, kasya sa akin ang sandal mo.", wika niya na nagboses babae pa.

Natawa ako do'n sa part na bigla s'yang pumiyok! HAHAHA. Wala lang, trying hard kasi ang gangster na 'to.

l just can't believe na yung leader ng Red Gang, barbie na ngayon.

Iba talaga ang karismang dala ko at napapaamo ko siya.

My Gangster Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon