Shamyka's POV:
We're on the way to Manila.
Plano na naming ayusin at ilagay sa tama ang baluktot na pangyayari.
Oo, kakasuhan ko si Steven dahil sa ginawa nito sa akin.
Kahit may pangamba sa pagitan naming dalawa ni Tyler, we continue to think positive.
Hindi dapat kami magpatalo sa kaba, lalo pa at nagiging komplikado ang sitwasyon namin.
"Malapit na ba tayo, babe?", saad ko sa binata na ngayon ay naka-concentrate pagmamaneho.
"I guess, isang oras na lang, makakarating na tayo sa Manila.", he just replied.
Halata ko ang pagkaseryoso nito dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela.
"Tyler, calm down yourself. Magiging okay din ang lahat. Trust me."., bigkas ko muli para palakasin ang loob niya.
Ngayon ko lang yata nakita ang pagiging ganito niya.
And shit! Hindi ako sanay.
"Babe naman, kung ano man ang nasa isip mo, hindi 'yan mangyayari. Makakarating tayo ng ligtas sa Manila at magiging matagumpay tayo.", saad ko ulit sa binata.
Kahit hindi man sabihin, nababasa ko ang tumatakbo sa utak at mata niya.
"Sana nga Shamyka. Sana nga makarating tayo ng ligtas.", mahinahon na sabi niya.
"--Pero kung magkataon na may mangyari sa akin, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. And I will do everything, just to make sure that you are safe.", pagpapatuloy na wika nito.
Bigla namang kumabog ang puso ko dahil sa binitawan nitong kataga.
Gustuhin ko man na maging positibo, pero mismong si Tyler ang napanghihinaan.
"Alam mo babe, wala tayo sa pelikula para magsabi ka ng ganyan. Mag-drive ka na nga lang.", tanging turan ko at dinaan ko na lamang ito sa biro.
Minabuti kong ituon na rin ang atensyon sa daan na tinatahak namin. Kaya naging tahimik kami sa loob ng kotse.
Hanggang sa, biglang nahinto ang sasakyan at muntikan pa akong mauntog.
"W-what happened?", I asked him.
"Tsk. Flat. Na-flat yata ang gulong. Dito ka lang at titingnan ko.", pagsasaad nito.
Bumaba na nga ito at pumunta sa unahan para i-check ang gulong.
Kaso laking gulat ko na lamang na may dalawang lalaki ang tumutok ng baril sa ulo ni Tyler.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at bumaba na rin ako ng kotse.
"P-please, ibaba mo ang baril.", pakikiusap ko sa mga tao.
Nagawa kong lumapit sa binata at niyakap siya.
"Shamyka, diba sabi ko sayo, 'wag kang bababa?", turan ni Tyler sa akin.
"P-pero, ayokong may mangyari na masama sa'yo.", tugon ko naman.
Medyo naiiyak na ako dahil sa kaganapan ngayon.
Ang daya ni Tadhana, kung kailan, ayos na ang relasyon naming dalawa, eto pa ang magiging kapalit.
"Bravo! I love the scene. Crying for each other? Wow!", malakas na sambit ng lalaki mula sa aming likuran.
His voice was so familiar. Hindi nga kami nagkamali ni Tyler dahil may demonyong balak nga ang kapatid niya.
Yes, si Steven.
Nandito si Steven habang nakangisi ang bibig niya.
"A-ano bang gusto mo ha? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa mo sa akin? Niloko mo na ako. Pinaikot mo pa ang isip ko. Kaya ano pa ba ang gusto mo?!", matapang na bigkas ko.
"Alam mo kung ano ang gusto ko Shamyka. And that is you. Gusto ko lang naman na ikasal tayo, pero masyadong hadlang si Tyler sa atin. Kung hindi ka niya kinidnap, edi sana, mag-asawa na tayo. At sa tingin ko, Oras-oras tayong nasa kama at naglalaro na walang saplot sa katawan. Gano'n sana tayo ngayon, pero dahil sa putanginang 'yan, naudlot ang lahat!", pagsisigaw nito at dinukot ang baril sa likod ng pantalon niya.
"Steven, NO! Please, NO! H'wag mong sasaktan si Tyler. "Wag mo s'yang sasaktan.", naluluhang pakiusap ko habang hinaharangan ko ang katawan ng lalaking mahal ko.
"Madali akong kausap Shamyka, kapag sumama ka sa akin, walang mangyayari na masama sa kanya. Pero kung pipiliin mo na magmatigas, wala na akong choice kundi ang patayin ka na rin, kasama siya.", wika nito na tila wala ng katinuan sa pag-isip.
Mas bumibilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa aking takot na umaapaw sa damdamin ko.
"Hindi ka patas kung lumaban Steven. Masyado kang duwag. Kung sa palagay mo, makukuha mo si Shamyka sa akin, 'wag ka ng umasa.", matapang na turan ni Tyler.
Napapikit na lamang ako ng mata dahil alam ko na magiging mainit lalo ang dugo ni Steven.
"Wala akong pakialam. Ang mahalaga, nasa akin ang huling halakhak. Kaya kung ako sayo, lumuhod ka na at magdasal ka.", bigkas niya at tumawa na parang İsang baliw.
"S-sasama na ako Steven! Sasama na ako sayo. So please, hayaan mo na si Tyler. Hayaan na natin siya.", mahinang sabi ko.
Unti-unti na rin akong kumawala sa kamay ni Tyler para lapitan ang kapatid niya.
"Shamyka, 'wag mong gagawin 'yan.", rinig kong sambit ng binata. Pero hindi ko siya pinakinggan at patuloy ako sa paglapit kay Steven.
Nasilayan ko naman ang pag-ngiti ng lalaki na animo'y, nagtagumpay muli siya.
Kaso nang tuluyan na akong nakalapit, bigla nitong sinenyasan ang dalawang tao na may hawak na baril.
Ang senyas na 'yon ang naghudyat para barilin si Tyler.
"HWAG!", pagsisigaw ko.
But I was too late, dahil narinig ko ang malakas na putok. Hindi lang ito isang putok, kundi dalawang bala ang tumama sa binata.
Hindi pa nakontento si Steven at muli sana nitong babarilin si Tyler, kaso mapwersa ko s'yang pinigilan.
Kaya ang kinalabasan, ako ang tinamaan.
Dahan-dahan kong hinawakan ang aking t'yan na ngayon ay duguan.
Sa huling pagkakataon, pareho kaming napahiga ni Tyler sa kalsada.
Wala ng malay ang lalaki dahil na tila wala na itong buhay.
"I-love-y-you.", utal na sambit ko habang ang nakatingin pa rin ako kay Tyler.
Isang patak na luha ang lumabas sa mata ko, bago ako tuluyan na nawalan din ng malay.
BINABASA MO ANG
My Gangster Boyfriend [COMPLETED]
RomanceCertified babaero at basagulero ang binatang si Tyler. Hindi na sa kanya bago ang magkaroon ng maraming babae sa isang araw. Pero yung pagiging charming niya, hindi ito tumalab kay Shamyka. Shamyka is a brat girl. Halos ilang beses na rin siyang na...