SHAMYKA POV:
Natapos ang usapan na puno ng tawanan at harutan ang pamilya namin ni Tyler.
Masaya akong nakikita ang ngiti sa mga bibig ng magulang ko.
This is the first time na lumapit ang puso ko sa kanila.
Buong akala ko kasi binenta nila ako para ma-save ang kompanya. Pero hindi eh, hindi ko 'yon naramdaman sa araw na 'to. Sa halip, pasasalamat ang nabibigkas ng aking isip.
Siguro kung hindi dahil kila mom, baka sa ibang babae na pinakasal ang mokong na katabi ko.
"So pa'no balae, next month na natin gawin ang kasal nila. Gusto ko na talagang magkaroon ng apo. Alam mo na, nag- eedad na rin tayong tatlo kaya panahon na siguro para maging lolo't lola na tayo. Diba
Shamyka?", saad ng papa ni Tyler habang nakabaling ang mata sa akin
"Ho? Naku po, hindi pa ako handang manganak tito, I mean-- dad." pagsasambit ko bilang sagot sa winika niya.
"Do'n din naman ang paroroonan ng kasalan eh. Bakit 'di n'yo pa gawin?", mapagbirong turan nito.
TEKA! Ba't parang hindi sila makamove-on sa pag gawa ng bata?
Anong akala nila, madaling umere?
Hello, ayoko pang malosyang!
"Dad, there's a right time for that. At habang hindi pa kami kinakasal, gusto narning narnnamin ang pagigingmagkasintahan. Pero once na kinasal na kami, alam niyo na. Hindi lang isang apo ang ibibigay ko sainyo.",
Isa pa 'tong si Tyler, pinapalala ang sitwasyon.
Mag-ama talaga sila! My gosh!
"Hahaha that's my son! Tama 'yang sinabi mo! Ang tamis pakinggan!" natatawang bigkas ng papa niya at nag- apir pa talaga sila.
Napailing na lamang ako kasabay ng pag -inom ko ng tubig.
Susskoo po!
Mukhang gabi-gabi yatang yayanig ang kama kapag nasa iisang bahay na kami.
"Celebrating without me dad? How nice! Ba't hindi yata ako na -infom na may magaganap na ganito?, litanya ng isang lalaki sa bandang likuran ko.
Sumulpot ito sa kalagitnaan ng pag-eenjoy namin.
Unti-unti naman akong napatingin sa pintuan kung saan nando'n si Steven.
Yes, ang kapatid ni Tyler.
"Because you 're not invited. Hindi ba halata?", turan ng taong mahal ko.
Medyo maangas ang pagkakasalita niya dahilan para mapangisi ang binatang nakatayo.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko, si dad.", he said.
"Anak kumalma ka nga, hindi na kita nagawang sabihan dahil napaganda ang usapan namin ng pamilya ni Shamyka.", pagpapaliwanag niya.
"'So bakit s'ya nandito dad? Para sa'n ba ang lahat ng to?", muling tanong nito nang ituro niya ako.
Akma sanang sasagot ang ama nila, kaso si Tyler na ang tumayo para ipaintindi ito sa kapatid.
"Sa kasal namín. Ikakasal na kami ní Shamyka.", kalmadong wika niya.
Umiba ang reaksyon nito na tila lumaglag ang panga sa gulat.
"--Magiging asawa ko na siya. And supposedly, ako ang pinili ni dad para pakasalan ang dalaga.", patuloy na sabi ni Tyler.
Ramdam ko sa boses niya ang pagpapa-inggit kay Steven.
Kaya ayon, halos sinabugan ng bulkan ang mukha ng bináta.
"Are you serious with it, dad? si Tyler ang pínili niyo?", sakrastikong sambit ng lalaki.
Hindi pa rin nito matanggap ang sinabi ng kapatid niya kaya ganito na lamang ang naging akto ni Steven.
"Hindi ka naman siguro bobo at tanga para hindi 'yon maintindihan. Alam kong pagdating sa kompanya, talo mo ako, and I admit that.".
"But this time, ako na ang panalo. Because Shamyka and I we're getting married.", litanya ng taong mahal ko.
Minsan talaga ang hilig nitong mang pikon eh. Kaya ayan, mas lalong uminit ang sitwasyon.
Lumapit si Steven at tila papatay na sa galit ang mata niya.
Bigla namang pumagitna ang dad nila dahilan para mawala ang sukatan na titignila isat-isa
"Ano ba nanan kayo, nakakahiya sa magulang ng babae kung ganyan ang kilos niyo."
"--At ikaw Steven, mabuti pang umuwi ka muna. Sa bahay na lang tayo mag- usap.", wika niya sa anak.
"No, thanks dad. Nawalan na ako ng ganang makipag-usap pa. Hayaan niyo at simuła ngayon, hindi na ako nakikialam pa. Sana hindi ka magsisi sa pinili mo.", huling saad nito bago tuluyang lumabas.
Nakahinga naman ako ng malalim dahil kahit papano, naalis ang takot sa dibdib ko.
Sa tuwing nagkikita kasi ang magkapatid, laging gulo ang nangyayari.
And s**t! Ang ganda ko masyado para pag-awayan lang.
"Pagpasensyahan n'yo na ang isa kong anak, balae. Badtrip lang 'yon kaya ibang ugali ang pinakita.", hinging paumanhin ng papa ni Tyler.
"Ayos lang balae. Nakakatuwa nga dahil parang pinag- aagawan ang unica hija ko.", hagikhik na sambit ni mom.
Potah! Maluwag yata ang turnilyo sa utak ng magulang ko eh.
Kung ano-ano na lang ang sinasabi.
"Hahaha kahit sino naman kasi magkakagusto kay Shamyka. Tingnan mo naman, bukod sa maganda, talagang ideal girl siya ng kalalakihan." pagwiwika nito.
Nagulat inaman ako nang biglang kinuha ni Tyler ang kamay ko, kasabay ng pagharap nito kila dad.
"Hindi ko na siya papakawalan tito. No matter what happen, hindi ko bibitawan ang nag-iisa n'yong anak.
Marami akong karibal pagdating sa kanya, kaya ngayon palang, uunahin na namin ang honeymoon. Excuse us.", pahayag niya at kaagad akong hinila palabas.
Paulit-ulit namang nag-echo sa tenga ko ang sinabi nito dahilan para tumindig ang aking balbon
Tangina! Seseryosohin n'ya ba talaga?
BINABASA MO ANG
My Gangster Boyfriend [COMPLETED]
RomanceCertified babaero at basagulero ang binatang si Tyler. Hindi na sa kanya bago ang magkaroon ng maraming babae sa isang araw. Pero yung pagiging charming niya, hindi ito tumalab kay Shamyka. Shamyka is a brat girl. Halos ilang beses na rin siyang na...