Tyler's POV:
Si Anton ang nakausap ko sa phone. Ang malapit kong kaibigan na ka-member ko mismo sa Red Gang
Kung naaalala niyo pa, siya ang tumulong sa akin noon na gawin ang effort para kay Shamyka sa field.
And he said, nagkaroon ng problema ang grupo namin.
Kaya bumaba ako para makausap siya ng personal sa second floor.
"Ano ba talaga ang problema? Bakit kailangan mo pa ako papuntahin dito?", inis kong turan.
I don't know his reason.
Pero yung mata, alam kong may nangyari ngang mali sa gang.
"f**k! Don't look at me like that. Ang gusto ko, sabihin mo agad ang totoo.",
"--Masyado ka ng nakakaistorbo sa moment namin ni Shamyka.", bigkas ko ulit na may galit sa pananalita.
"Boss, kalma.", sambit niya para alisin ang pagka-badtrip ko.
"Wala akong oras para makipagbiruan ng ganito, Anton. Kung wala kang sasabihin, babalik na ako sa taas.", saad ko sa kanya.
Akma na sana akong tatalikod para umalis, pero bigla s'yang nagsalita.
"Ano ba talaga ang totoo mong relasyon kay shamyka?", he asked me.
Sa tanong niya palang, kakaibang Anton ang narinig ko.
Kaya muli ko s'yang hinarap, at tinitigan ng matalim.
"What kind of question is that?!", madiin kong turan.
"Narinig ko kasi sa Demon Gang, balak nilang sabihin kay Shamyka na ginagamit mo lang siya para kamahin. Kaya tinatanong kita, kung totoo na ba ang relasyon niyo.", seryoso n'yang wika.
Ito yata ang pinunta niya.
s**t! Sinasabi na nga ba, may balak si Steven na sirain kami ng dalaga.
"Hindi ko na ginagamit si Shamyka. I love her. My feelings for her is real.", tugon ko para matahimik na ito.
"Pero akala ko ba, trip mo lang siya? Hindi ba, sabi mo sa akin noon, hindi mo siya gusto?", saad niya dahilan para magsalubong ang kilay ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Alam nating lahat na hindi ko gusto si Shamyka.", sambit ko na rito.
Masyado na akong naiirita kaya ito ang lumabas sa bibig ko.
"So taste of the month mo talaga siya?", tanong nito na animo'y, hindi pa rin maintindihan ang sinasabi ko.
"Oo. She's my taste of the month. At 'yon ang pakay ko simula sa umpisa palang.", iritable kong sagot.
Nasilayan ko naman ang ngisi sa labi niya na tila hindi na siya ang Anton na kaibigan ko.
"TSk. Ginugulo mo ang utak ko. Mabuti pang umlis ka na lang, Besides, hindi na 'yan ang pakay ko ngayon. Nagbago na ako. Mahal ko na si Shamyka. And next week, ikakasal na kami. Kaya pwede ba, 'wag ka ng magtanong.", inis kong litanya.
I was about to leave the room, pero may isa pa akong salita na nakalimutan.
"And one more thíng, kung iniisip mong pinaglalaruan ko pa rin si Shamyka. Nagkakamali ka. Because I'm not playing around anymore." huling saad ko at lumabas ng room.
Bumalik ako sa rooftop para sana ituloy namin ang party ng dalaga.
Kaya bumaba muli ako para tanungin si Dad kung nakita niya si
Shamyka, but he just answered 'no'.
Nagkaroon tuloy ng kaba ang dibdib ko, dahil baka kung ano na ang nangyari sa babae.
"Baka umuwi na, son. Medyo gabi na rin kasi. At sigurado akong napagod na 'yon.', turan ni Dad na agad akong napatango.
Tama, baka nga, nasa bahay na si Shamyka. At hindi na ako nagsayang pa ng oras, dahil agad akong nagdrive patungo roon.
Kaso ang pinagtataka ko, bakit nandito ang kotse ni Steven?
"Babe?", tawag ko sa dalaga nang makapasok ako sa bahay nila.
Nanginginig ang kamay niya habang naka-upo sa sofa at umiiyak.
"Shamyka, a-are you okay?",
"-A-ano bang nangyari sayo?", tanong ko na may pag-aalala sa boses.
Lumuhod na rin ako para kahit papano, maging kapantay ko siya.
Pero isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa babaeng mahal ko
"Ang kapal ngmukha mo, para tanungin ako ng ganyan!", giit n'yang sambit na aking ikinagulat.
"shamyka?", nagtatakang bigkas ko.
Umalis ka na! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo!", pagsisigaw nito.
Nalilito ako.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para magalit siya ng ganito.
"Teka anak, ano bang nangyayari? Bakit ka ba galit kay Tyler? Is there something wrong?", saad ng dad ni Shamyka.
I don't have choice kundi ang pakinggan ang rason niya.
Kaya napatingin ako sa gawi nito, na katabi ang kapatid ko.
"Total nandito na rin siya, panahon na siguro para malaman niyo ang kahayupan na ginawa ni Tyler sa akin.", she said as she look at me directly to my eyes.
"What are you talking about, hija? Binastos ka ba ng taong 'to?",tanong ni tita sa dalaga.
"Hindi lang niya ako binastos, mom. Pinakidnap niya ako para babuyin ng mga lalaki.", pahayag ni Shamyka na hindi pa rin maalis ang galit sa mukha.
"Shamyka, ano bang pinagsasabi mo?",
"-Hindi ko magagawa 'yan sa'yo.", turan ko sa babae
Gulong-gulo na rin ako sa mga kaganapan ngayon
"Hindi mo magagawa?",
--Pwede bang tumigil ka na, Tyler! Tigilan mo na ako! Huling -huli na kita!", bulyaw niya at tumayo bigla.
"Babe, iniwan kita sa rooftop at nang bumalik ako do'n, wala ka na." wika ko rito.
"Oo! Wala na nga ako! Wala na ako dahil dinukot ako ng mga tauhan mo!", she shouted again.
Tauhan ko?
Imposible, mababait sila. At hindi nila magagawa na saktan at dukutin ang babaeng gusto ko.
"Shamyka, nagkakamali ka yata ng binibintang", kalmado kong tugon.
"Paano ako magkakamali? Kung mismong sila ang narinig ko!", muli n'yang sambit.
Sa oras na 'to, bumagsak ulit ang luha sa mata niya.
"I trusted you, Tyier. Buong akala ko, nagbago ka. Pero hindi pala totoo ang pinakita mo sa akin!",
"-Noon pa man, binalak mong kamahin ako at ibigay sa mga peste mong kaibigan! And I'm so stupid for trusting you!",
--Ang sama mong tao! Ang sama -sama mo!", saad niya habang pinagsusuntok ang dibdib ko.
Hinayaan ko lang siya na suntukin ako, dahil yung isipan ko, tumatakbo na rin para mahanap ang dahilan.
"Shamyka, W-wala akong alam sa sinasabi mo.
please, maniwala ka naman.", tanging litanya ko.
"After of what you've done, sa tingin mo ba, maniniwala pa ako sayo?", inis n'yang tugon.
Muling nagtama ang paningin naming dalawa. Tingin, na sobrang lamig at nakakapanibago.
"--Kinasusuklaman kita, Tyler. Nandidiri akong minahal kita.", she said.
"Shamyka.",
"Kaya 'wag ka ng umasa na matutuloy pa ang kasal. Dahil simula sa araw na 'to, tinatakwil na kita sa buhay ko.", huli nitong sabi bago ako tinalikuran.
Ano ba talaga ang nangyari?
Masaya palang kami kanina, pero ngayon, sobrang kalungkutan ang pumalit bigla.
BINABASA MO ANG
My Gangster Boyfriend [COMPLETED]
RomantizmCertified babaero at basagulero ang binatang si Tyler. Hindi na sa kanya bago ang magkaroon ng maraming babae sa isang araw. Pero yung pagiging charming niya, hindi ito tumalab kay Shamyka. Shamyka is a brat girl. Halos ilang beses na rin siyang na...