Chapter 2

16K 306 4
                                    

Chapter 2

Lumipas ang maghapon ng linggo nang nakahiga lang kami sa kanya kanyang kwarto namin, walang nagtangkang manood ng tv at lumabas ng kwarto. Natulog lang ako maghapon, lumabas lang ako para magluto ng tanghalian at kumain kami ng kapatid ko, pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Alas singko na ng hapon at tamad na tamad parin akong lumabas ng kwarto. Sinilip ko muna ang cellphone ko na maghapon ko ding hindi nahawakan. May text doon ni mommy na kinakamusta kami, mga kagroup ko sa isang project ay nagtext na kailangan na naming umpisahan ang project dahil malapit na ang finals. May mga message din na hindi ko na binuksan dahil tinatamad ako.

Lumabas ako ng kwarto para magluto. Nagbungkal ako ng pwedeng lutuin pero wala akong maisip. Kinatok ko ang kapatid ko at agad naman binuksan ang pintuan, mukhang kakagising lang din ng kapatid ko.

"bakit ate?" tanong ng kapatid ko habang kinukusot ang kaliwang mata. Sino ba naman ang hindi masasarapan sa pagtulog eh maghapon din ang buhos ng ulan. Nakakatamad bumangon kapag umuulan, parang ang sarap sarap nalang humiga maghapon.

"labas tayo, tinatamad akong magluto" sabi ko sa kapatid ko na nagpalaki sa kanyang mata. "anong itsura yan? hoy tigilan mo ako, kkb tayo" hindi pa man nya nasasabi ang salitang libre ay alam kona na yun ang sasabihin nya dahil sa itsura nya.

"Ikaw nalang ate, magtitiis nalang ako ng gutom" with paawa-effect pa 'itong kapatid ko. At dahil hindi ko matitiis ang kapatid ko ay ililibre ko na sya. Napaka kuripot talaga ng kapatid kong 'ito.

"sige na nga libre ko na, matitiis ko ba ang baby natnat ko na magutom?" biglang sumilay ang ngiti sa labi ng kapatid ko. Pero napalitan din ng pagkapoker face dahil tinawag ko nanaman syang baby natnat.

"okay na sana ate eh, nilagyan mo pa ng baby natnat." natatawa talaga ako sa itsura ng kapatid ko kapag tinatawag ko sya ng baby natnat.

"sya maliligo lang ako, maligo ka ang baho mo" tinalikuran ko ang kapatid ko at pumasok sa kwarto. Naligo lang ako saglit at lumabas na din.

Nadatnan ko ang kapatid ko na nakaupo sa sofa at hinihintay ako. Sumakay kami ng elevator at sumulyap ako saglit sa cellphone ko dahil tumunog iyon.

Chanel:

LJ !!! bakit hindi ka nagpaparamdam? ayos ka lang ba?

Nagreply muna ako kay chanel bago kami sumakay ng taxi ng kapatid ko. Marunong akong mag drive at may kotse din ako, kaso ay nasa Laguna, iniwan ko muna doon dahil tinamad akong magdrive noon pabalik ng manila.

Nakarating kami sa isang mall ng kapatid ko at pumunta muna ako sa isang ATM machine upang tignan kung may allowance na kami ng kapatid ko. Since hindi kami nakauwi ng kapatid ko ng laguna ay maghuhulog nalang daw si daddy ng pera sa account ko. Si kuya naman minsan naghuhulog din sya sa account ko nang hindi alam nila mommy. Nagulat ako nang nasa thirty thousand ang laman ng ATM ko, sa pagkakaalam ko ay five thousand lang ang naiwan ko, napakalaki naman ng allowance namin ng kapatid ko para sa isang linggo. Nagtataka parin ako sa laki ng pera sa ATM ko kaya tinext ko si daddy.

Me:

Hi daddy, kamusta kayo nila mommy? tanong ko lang kung nakapag hulog ka na sa account ko?

Nagpunta kami ng kapatid ko sa isang fastfood chain. Sya na ang pinagorder ko dahil hinihintay ko ang text ni daddy. Maya maya lang ay tumunog na ang cellphone ko hudyat na may nagtext na dito.

Daddy:

Okay naman kami dito, kayo ng kapatid mo? kamusta kayo? Oo nak 10K yan, yung 2K ipang grocery mo, yung 8K paghatian nyo ni nathan.

Nireplyan mo si daddy at nag thank you, pero di parin ako mapalagay dahil ten thousand lang ang bigay ni daddy tas five ang natira ko, dapat ay fifteen thousand lang ang laman ng ATM ko, saan galing yung fifteen?

Bumalik ang kapatid ko nang dala ang inorder nya, kumain kami ng tahimik at nang matapos ay niyaya ko muna sya maglakad lakad sya mall.

Nasa kala gitnaan kami ng paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko.

kuya justin calling..

"hi baby" bati ni kuya sa kabilang linya.

"hello kuya just! napatawag ka?" Lagi kaming nagpeface time ni kuya, kaso ngayon ay hindi facetime, gamit nya ang roaming dahil di ko naman dala ang pocket wifi ko kaya siguro di nya ako macontact.

"ah, naghulog ako sa account mo, pang gastos mo." Si kuya pala ang naghulog sa account ko kaya ang laki ng pera ko doon. kala ko may nagkamali na ng hulog eh.

"ikaw pala naghulog noon kuya, ang laki naman ata masyado non?" pero sa loob loob ko ay sobrang saya ko.

"oo ako, teka nahihiya ka sakin? himala yan ah, wag mo sabihin kila nathan yung bigay ko sayo. Nagpadala ako kay mommy para dun sa dalawa, kaya sayo lang yan. osige na bukas nalang tayo magusap. ingat kayo dyan ha love you baby"

"okay bye kuya, love you too." binaba na ni kuya ang tawag at napansin ko naman ang kapatid ko na hinintay ako.

Hindi naman nagtanong ang kapatid ko kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makaramdam kami ng pagod ay umuwi rin kami.

Dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga. Inopen ko ang facebook kong isang buwan nang naka deactivate, one month na din kasi ang nakalipas nang mag break kami ni seth. Simula nung nagbreak kami ay hindi na ako naging active sa mga social networking sites, sa skype lang ako active dahil dun ako minsan kinocontact ni kuya justin.

Namiss ko kahit papaano ang facebook ko, may mga notification ako pero hindi ko na pinansin. Nag type ako saglit ng status at pinost ito.

"Official member of "walang forever clan""

Maya maya ay may dumating na notification. Nabasa ko na nagcomment sa status ko si chanel.

Chanel Santos: Welcome.

Mabilis na nagcomment ang mga kaibigan ko, nagulat ako at pare-parehas silang online ngayon.

Stella Reyes: I'm glad you're back.

Kyle Agoncillo: You're so bitter babe.

Sophia Forbes: what the? you are one of them na? oh no!

Bago pa ako mag log out ay may nagmessage sa akin. Laking gulat ko nang mabasa kung sino ang nag message, the man who broke my heart. Ang lalaking nagpasaya sa akin at nangakong mayroong forever para sa amin na sya ding nagpawi ng saya ko at ang dahilan kung bakit isa na ako sa mga taong hindi na naniniwala sa forever.

Andrei Marquez: louisse babe, can we talk? please i know i'm such a jerk, nagsisi na ako. Please give me a chance babe. I love you, hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko na kayang sa malayo lang kita nakikita. please patawarin mo na ako.

Nainis lang ako sa nabasa ko kaya nag logout nalang ako. Hindi na ako magpapakatanga pa, oo mapapatawad ko sya pero hindi na maibabalik pa yung dati, nakakasawa na maging tanga, nakakasawa nang umasa sa happy ending, at mas lalong nakakasawa nang masaktan. Hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na masaktan pang muli, hindi ko na kaya nakakasawa na.

Lahat tayo makakaranas masaktan pero paano kung paulit ulit nalang, paano kung sa susunod di mo na kayanin yung sakit? kasi tao lang din naman tayo nasasaktan at sumusuko din, hindi naman tayo isang bagay na debaterya na hindi nasasaktan, at kung sumuko man ay pwedeng palitan ng battery. Tao tayo na nasasaktan at kahit anong oras ay pwedeng sumuko. At ako, ayoko na. Ayoko nang masaktan ulit, hindi ko na hahayaan pa na masaktan ulit ako.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon