Chapter 24

12K 339 37
                                    

Chapter 24

My Mom, Tyler's mom and I were too busy dahil isang buwan na lamang ay kasal na namin ni Tyler. Yes, I can't believe na matutuloy nga ito.

Sa ilang buwan na nakalipas, naging maganda ang relasyon namin ni Tyler, even if I don't know what label are we basta ayos kami.

He's always there for me and for Zev. Dumaan ang birthday ni Zev at binigyan nya ito ng malaking party, pinakilala na nya rin si Zev sa mga kamag-anak nya at sa mga kaibigan nya.

Masaya ako dahil kahit hindi ko alam kung ano kami ni Tyler ngayon ay lagi syang nandyan para sa amin.

Minsan mas gugustuhin nalang natin na huwag nalang lagyan ng label, dahil minsan nakakasira pa ng kung ano ang meron kayo kung lalagyan nyo pa. Misan masaya nalang ganito nalang, hindi kayo pero alam nyong may something sa inyong dalawa. Pero minsan, mahirap din pala, katulad nalang ngayon, He's with his friend sa isang bar, hindi ko alam. Nalaman ko nalang when Stella phoned me and she said, Kuya Kenj's with Tyler sa isang bar, despedida raw ng kaibigan nila.

Hindi sya nagpapaalam kapag may lakad sya, kasi wala naman karapatan para sa isa't isa. Wala syang karapatan sabihin sakin lahat ng gagawin nya at ako naman ay walang karapatan tanungin kung nasaan sya at kung sino ang kasama nya. Iyan ang mahirap kapag walang label. Kahit na isang buwan na lamang ay kasal na namin, hindi parin namin matukoy ang nararamdaman namin.

Alas tres ng madaling araw nang magising ako sa tunog na nanggaling sa aking cellphone, kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni Tyler ang natawag at agad ko naman itong sinagot.

"Hello" pag sagot ko. Tahimik ang kabilang linya kaya nagsalita ulit ako.

"Hello Tyler, are you there?" Narinig ko ang hininga nya kaya nalaman ko na nasa kabilang linya pa sya.

"Yeah, uhm.. can I talk to you for a while?" Salita nya sa kabilang linya, pinaghalong pagod at anyok na ang kanyang boses. Naisip ko na baka kakauwi lang nya galing sa kung saan.

"Tyler, it's already 3am. Hindi ba pwedeng mamaya nalang? Matulog ka na muna." Hindi sya nagsalita sa kabilang linya kaya nang magsasalita na sana ako ay sya naman itong pagsasalita nya.

"I just wanna talk to you..." mahinang sagot nito.

"Fine, what is it?" Tanong ko rito, is that really important na kahit alas tres ng madaling araw ay tatawag sya para kausapin ako.

"I... i uhm.. shit" rinig kong sinabi nya sa kabilang linya.

"Is there any problem?" Tanong ko rito.

"No..no uh about sa atin." Anong meron sa amin? Alam kong hanggang ngayon may oart pa rin kay Tyler na napipilitan sya sa kasal. Okay lang naman kung hindi matuloy as long as gagampanan pa rin nya ang pagiging ama kay Zev. Pero may part sa akin na nasasaktan ako.

"Look Tyler, pwede naman natin iurong ang kasal kung iyan ang gumugulo sa isip mo ngayon..." dudugtungan ko pa sana ng magsalita sya.

"What? No! Itutuloy natin ang kasal." Sagot nito.

"Eh, ano bang gusto mong pag usapan natin?" medyo napalakas ang boses ko mabuti nalang at nasa veranda ako ng kwarto namin ni Tyler.

"Tayo, ano bang meron tayo ngayon? Naguguluhan kasi ako, hindi ko alam kung ano tayo." Natahimik ako sa sinabi nya, ang akala ko ay ako lang ang naguguluhuan kung ano ang meron sa amin.

"Sa tingin mo ba?" Tanong ko rito.

"I don't know... mahalaga kayo sa akin ni Zev. Ayaw kong mawala kayo sakin, ayaw kong may ibang lalapit sayo..." sagot nito. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa mga naririnig ko galing kay Tyler.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon