Chapter 7

14.8K 321 4
                                    

Chapter 7

"Zev stop playing the flour, look at your hands?" Tinignan naman nya ang kamay nya na puno ng harina. Binuhat ko sya para mahugasan ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang high chair.

"Stay there baby okay?" Tinignan ko sya habang nag pout. Ang hirap pagalitan kapag ganito ka cute ang kaharap mo.

"Zeeeev" bungad ni kuya na kapapasok lang ng kitchen, kasama nya si ate sham, ang fiancé nya.

"Hay na ko kuya buti dumating kana, ang kulit kulit nyang bata na yan, pinaglalaruan yung harina" sumbong ko kay kuya. Si kuya ang palagi kong nakakasama pati si ate sham, bihira lang kasi pumunta dito sila mommy dahil nasa Pilipinas ang business namin, pati nagaaral pa ang dalawa kong kapatid, tuwing christmas lang sila napunta dito, pero lagi parin naman kami nagkakausap sa skype nila mommy.

Kinuha ni kuya si Zev at dinala sa sala, para laruin. Naiwan si ate sham sa may kitchen para tulungan ako, sinabi ko na nga na okay lang naman ako dito at dun na sya kila kuya eh nagpumilit padin. Mabait si ate sham lagi din sya nandyan pag nagkakaproblema ako, minsan nagiging yaya ni zev kapag day off ng katulong.

Naghahanda ako ngayon para sa dinner mamaya, every sunday kasi dito nag didinner sila kuya habang kaskype namin sila mommy. Ganun na ang nakasanayan namin.

2 years na ang nakaraan, ang laki na ng pinagbago. Sa dalawang taon na yun ay hindi naging madali.

Pagkadating ko dito ay wala akong plano, basta ang nasa isip ko lang ay buhayin ko ang baby nasa sinapupunan ko. Nalaman na din nila mommy na buntis ako nung nasa Pilipinas pa ako, sinabi ko sa kanila ang totoo, at sinabi ko na gusto kong pumunta kay kuya para doon magbuntis. Pumayag naman sila sa gusto ko kahit na may pag aalinlangan si mommy. Ang gusto kasi ni mommy ay nasa tabi nya ako hanggang sa makapanganak ako, pero dahil pinilit ko at sinabing sa last semester ng pagbubuntis ko nalang sya sumunod sa akin.

Sumunod nga si mommy nung nasa 7 months na ang baby sa tiyan ko. Tinutulungan nya ako sa pagpunta sa OB ko para magpacheck up. Hanggang sa manganak ako ay nandun si mommy. Umuwi nalang sya noong naka one month na yung baby ko.

"Lj where's Zev's towel?" bungad ni kuya pag pasok nya ng kitchen at karga karga si zev.

Sasagot na sana ako ng makita ko ang itsura ng aking anak. Punong puno ng chocolate ang kanya mukha. Nakangiti lang si kuya at parang walang pakialam naman ang itsura ng anak ko.

"Kuya pinakain mo nanaman ng chocolate si Zev, kakakain lang nya kanina" sermon ko kay kuya na ngayon ay hinuhugasan ang mukha ng aking anak. Si kuya ang palaging kakampi ni Zev, lagi nyang sinusunod ang gusto ni zev. Ayaw ko naman sanayin si zev na ibigay sa kanya ang gusto nya, pero nandyan naman si kuya para suwayin ang gusto ko. Ayaw kong maging spoiled ang anak ko.

"Hayaan mo na minsan lang eh" sagot ni kuya ng matapos nyang hilamusan ang anak ko.

"Ewan ko sa inyong magtito, akin na yan si Zev at bibihisan ko na, handa na yung pagkain, call mommy on skype na"

Pumanhik kami ni zev sa kwarto para mapalitan ko na sya ng damit. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at hindi maitatanggi na kamukhang kamukha nya ang kanyang ama. Ang daya nga eh, ako ang nagdala ng 9 months tapos walang nakuha ni isa sa akin, halos lahat ay sa ama nya.

Napatitig ako ng matagal sa mukha ng anak ko, naaawa ako sa kanya dahil hindi ko sya mabibigyan ng ama, ng isang buong pamilya. Alam ko na darating yung araw na maghahanap sya ng daddy at hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari iyon. Nagulat ako ng may maliit na kamay na pumahid sa mukha, hindi ko napansin na may luha na pala sa aking mukha. Tinignan ko aking anak na nakatingin sa akin ng diretso.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon