Chapter 19

13.9K 343 13
                                    

Chapter 19

"Talaga?" Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko nang sinabi ko ang tungkol sa kasal.

Nandito kami ngayon sa isang bar somewhere in BGC. Ayaw kasi nila sa bar ni kuya Kenj dahil nagsasawa na sila, para naman daw maiba. Gusto ko sana doon dahil ilang taon din noong huling punta ko sa bar ni kuya Kenj, kaso ay mapilit ang mga kaibigan ko.

Hindi rin namin kasama si kuya Kenj dahil para daw magkaroon kami ng time na magbabarkada. Ewan ko pero parang hindi naman ganoon ang tunay na dahilan dahil mukhang parang semana santa ang mukha ni Stella.

"So anong nangyari sa pamamanhikan.?" Tanong ni Soph na parang bang excited na malaman ang nangyari. Minsan lang maging ganito si Soph. Kapag gusto nya ang topic sya talaga ang gumagawa ng way para hindi maiba ang topic.

"Ayun napag kasunduan nga na beach wedding, kahit ayaw ko." Sobrang mapilit yung mommy ni Tyler kaya wala akong nagawa. At isa pa ay gusto din ni mommy ang gusto ng mommy ni Tyler, nagkasundo sila dahil pareho ang mga gusto nila for wedding.

"For sure, wedding of the century ang mangyayari nito." Si Chanel iyon. Ito ang ayaw ko, ang pag usapan ng marami ang kasal namin. Hindi naman to kasal talaga ng dalawang taong nagmamahalan. No love. Kaya nga ang gusto ko ay sa huwest lamang dahil ayaw ko humarap sa pari ng nagsisinungaling ako.

"Eh di ba sabi mo ayaw mo ng malaki at magarbong kasal?" Tanong ni Raf bago nya ininom ang hawak nyang whiskey.

"Eh Raf, alam mo naman na kilalang tao ang mga Buenavista kaya hindi pwede ang maliit at simpleng kasalan." Si Jossen naman iyong sumagot.

Napansin kong tahimik lang si Stella sa kinauupuan nya. Busy sya kakatipa sa kanyang cellphone at konti nalang ay mabasag ang screen ng kanyang phone.

"Sabagay, Buenavist-- Oh my god!" naputol ang dapat na sasabihin ni Chanel at biglang napasigaw. Pati kami ay nagulat at napatingin kay Stella ay sa kanyang cellphone na ngayon ay nasa lapag na at basag ang screen.

"Anong nangyari Stel? Bat mo tinapon phone mo?" Tanong ni Kyle na nagulat din sa biglaang pag tapon ni Stella sa kanyang cellphone.

Napapikit lamang si Stella at huminga ng malalim.

"Wala, bibili kasi ako ng bago kaya binato ko na. Tara sayaw tayo." Ininom na muna ni Stella ang kanyang whiskey bago nakigulo sa mga taong nasa dance floor.

"Anong nangyari don." Tanong ni Soph. Marami rami na rin ang nainom namin, past 10pm na. Kaya medyo tipsy narin. Lalo na si Stella na maya't maya ang inom bago magtatype ulit sa kanyang cellphone. Siguro ay may away ang dalawa kaya ganito ngayon si Stella.

"I think kailangan natin hanapin si Stella." Sabi ko sa mga kaibigan kong natulala sa ginawa ni Stella.

"Yeah, besides nasakin narin ang balakang ko kakaupo natin." Sabay tawa ni Chanel kaya nagpasya kaming pumunta sa dance floor.

Pagkarating namin ay halos mahilo ako dahil sa biglang ingay dahil nagpalit na ng DJ. Isang sikat na DJ na ngayon ang nasa unahan, kaya lalong umingay ang mga tao.

"Mukha namang hindi natin mahahanap si Stel, let's dance nalang." Si Chanel na mukhang nageenjoy sa malakas ng music at mga taong sumasayaw.

"Namiss ko to." Sinimulan ko na din ang sumayaw at sumunog sa ingay ng music.

Nagbabar din naman ako noong nasa London ako. Kaso kaming dalawa lang ni Andy dahil ang gusto nya ay, kapag kaming dalawa lang ang lalabas kami lang, kaya hindi nya sinasama ang ibang kaibigan nya. Kaya namiss ko itong ganito, bar with my friends. Namiss ko din mag sayaw. Kapag kasi kaming dalawa ni Andy ang nagbar, nakaupo lang kami, ayaw nya kasi na sumayaw ako alam nya daw kasi ang ugali ng mga tao doon. Pero mababait naman ang mga tao doon, kaya lang ay iba parin kapag may alak na. Iba na ang isip.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon