Chapter 3

15K 314 5
                                    

Chapter 3

Dumaan ang lunes nang hindi ko nakita ang mga kaibigan ko. Mga irregular kasi sila at hindi ko sila kaklase sa ibang subject.

Naglalakad ako sa hallway ng school nang makita ko si kuya kenjie. Ang kuya ni Kyle. Tapos na sya sa kursong Business Management at mayroon na syang isang bar sa eatwood. Alumni sya ng school namin kaya siguro sya nandito ngayon.

"Louisse!" tawag sakin ni kuya kenjie nang makita nya ako. Medyo nakakausap ko din si kuya kenjie lalo na pag nasa bahay nila kami nakatambay, nakikijoin din sya sa'min

"kuya kenjie, napadalaw ka sa school?" tanong ko kay kuya kenjie. May kasama sya pero hindi ko kakilala.

"Ah, napadaan lang. Sya nga pala di mo ba kasama si kyle?" Panganay si kuya kenjie at may kapatid pa isang babae yung bunso nila.

"hindi kuya eh, bukas ko pa sya magiging classmate, alam mo naman yung kapatid mo kuya, minamaster ang isang subject kaya binabalikan." Bumagsak kasi si kyle sa isang major namin. Matalino naman sya kaya lang nabroken hearted ayun bumagsak.

"i know i know" shocks! bakit ba ganito kagwapo si kuya kenjie? Gwapo si kuya kenjie, as in wow kung wow! Hindi alam ni kyle na may crush ako sa kuya nya.

"by the way, punta ka sa opening ng bar ko sa the fort ah, sama mo mga kaibigan mo, sila stella" Nakangiting sabi ni kuya kenjie. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya, grabe talaga si kuya kenjie ang gwapo nya lalo na pag nalitaw yung dimple nya sa kanang pisngi nya.

"sige kuya kailan ba 'yon?" tanong ko.

"3 weeks from now, punta kayo ah, asahan ko yan. Sige na una na ko, hahanapin ko pa yung magaling kong kapatid"

Nagpa alam na rin ako kay kuya kenjie at naglakad na palabas ng school. Nakakastress kasi yung magkasunod na surprised quiz na yun. Hindi pa naman ako nag aral.

Dumaan muna ako sa malapit nafastfood chain sa school at nag text ako kay nathan na huwag na syang mag saing. Tinatamad akong magluto ngayon kaya bibili nalang ako sa isang fastfood chain.

Pagkapasok ko sa isang fastfood chain ay may nakita akong couple sa di kalayuang table, masyadong PDA ang dalawa kaya agaw pansin. Mahaba ang pila sa counter kaya nakatingin lang ako sa dalawa nakatalikod ang pwesto nila sa 'kin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nila.

Hindi ko alam pero parang may nag tutulak sa akin na tignan ang dalawa. Maya-maya pa'y lumingon ang lalaki, at para bang nahalata na may nakatingin sa kanila. Nagtama ang aming mga mata namin nung lalaki, at laking gulat ko dahil namumukhaan ko ang lalaki.

Bumalik lahat ng ala ala nung nakaraang gabi nang makita ko ang mukha nung lalaki. Muli kong sinulyapan ang lalaki at nagtama ulit ang aming mga mata, nakangiti sya na para bang may alam sya at kakilala nya ako.

Malamang namumukhaan ka nya, sya lang naman ang lalaking nakabinyag sayo gaga ka.

"mam can i take your order?" Hindi ko na namalayan na ako na pala ang oorder. Sinabi ko lang sa babae ang aking order at buti nalang ay mabilis din na naibigay ang aking order. Mabilis akong lumabas ng fastfood chain.

Nang makarating ako sa condo ay kinatok ko lang ang kapatid ko sa kwarto nya at kumain kami. Pumasok agad ako sa kwarto ko nang matapos akong kumain. Nagshower lang ako saglit at humiga sa kama ko kahit hindi pa ako inaantok, nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko.

Bakit ganon ang mga lalaki, may girlfriend na pala sila pero nakikipag one night stand parin? ang gago lang, ano bang akala nila sa mga babae? ice candy na iba iba ang flavor at titikman nila isa isa? Bakit ba puro bugso ng puson ang lagi nilang iniisip?

Biglang pumasok sa isip ko si Andrei na nakikipag sex sa bestfriend nya. Ang sakit, sobrang sakit. Ang sakit kasi hindi ko akalain na ang lalaking akala ko na hindi ako sasaktan ay sinaktan ako, not physically but emotionally. Sana nga sinaktan nya nalang ako physical, para mabilis mawala ang sakit.

Paano nalang kung nakita kami ng girlfriend nung lalaki na may ginagawa kaming milagro? Ano nalang ang iisipin ng ibang tao sakin? Ano nalang ang iisipin ng mga kaibigan ko sa akin? Na isa akong bayarang babae, Na isa akong babae na pumapatol sa hindi ko kakilala, na isa akong babae na pumapatol sa lalaking may girlfriend, baka nga ang masama pa nito ay may asawa na ang lalaking yun. At ako? ano ako? A mistress? the other woman? oh fuck NO! Walang babae ang pinangarap na maging isang kabit lang.

NAGISING ako sa lakas ng tunig ng aking cellphone, tinignan ko kaagad ang kung sino ang tumatawag.

Kuya justin calling...

"hello kuya" medyo paos kong bati kay kuya.

"Hi LJ nagising ba kita?" Tanong kuya sa kabilang linya. Napatingin ako sa wallclock sa aking kwarto. 6:50 palang ng umaga, midnight ngayon kila kuya, ano kaya meron bakit sya tumawag.

"okay lang kuya, bakit ka napatawag?" Usually kasi natawag si kuya gabi dito sa Pilipinas kasi umaga sa kanila.

"louisse, may dumating na letter sa akin dito nakapangalan sayo, baka dumating na yung result dun sa entrance exam mo" Oo nga pala, nagexam ako sa isang university sa London na ang expertise ay fashion design. Actually hindi alam nila mommy to, kami lang ni kuya ang may alam, nag exam ako through online.

"kuya, hindi ko sure kung itutuloy ko pa yan. Alam mo naman na ayaw ni daddy, tatapusin ko muna siguro yung course ko dito." Gusto kasi ni daddy ay business, para daw pag katapos ko ako na ang hahawak ng business namin. Hawak ni kuya ang ibang business namin noon, pero mas gusto ni kuya na gumawa ng sariling business nya, kaya sya nasa london ngayon dahil may ilang bar and restaurant sya sa London. Nung una ayaw ni daddy pero pinayagan na din sya, kaya sabi ni daddy sa akin nalang daw nya ipapaubaya ang business namin pagkatapos ko ng college.

"eh ikaw? gusto mo ba ang gusto ni daddy?" Alam ni kuya ang hilig ko. Gusto ko maging fashion designer, bata palang ako ay mahilig na ako gumawa ng mga dress ng barbie ko. Mahilig din akong mag sketch ng gowns and dresses. Nung highschool ako, nakitaan na ako ng talento sa pag guhit. Nasabi din dati noon ng teacher ko sa T.L.E na bagay daw akong kumuha ng program na may kinalaman sa pagdedesign kaya naman ang first choice ko noon ay kumuha ng Bachelor's Degree in Fashion Design pero nung nalaman ni daddy ay agad nya itong tinutulan.

"kuya alam mo naman ang gusto ko diba? pero hindi pwede. Susundin ko muna kung ano ang gusto ni daddy ngayon pero pagkatapos nun ay kukuha na ako ng program in fashion designing"

"ok, pero pag nagbago isip mo sabihin mo lang sa akin, ako na bahala kila daddy" huminga ako ng malalim. Alam kong susuportahan ako ni kuya, pero hindi ko kayang hindi sundin si daddy sa gusto nya, hindi ko kayang madisappoint ko si daddy.

"thank you kuya, tabi mo nalang yung result ha. sige na kuya matulog ka na, maliligo na ako." Nagpaalam na din si kuya sa akin.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon