Chapter 29

17.2K 489 299
                                    

Chapter 29

We really don't know what will happen next to us. Kahit na planuhin mong maigi ang lahat para sa future ay hindi mo pa rin kontrolado ang lahat. That is why some people do not set a plan for their future, because of fear. Fear of not meeting their expectations.

Nung nalaman ko noon na buntis ako kay Zev ay hindi ko yun inaasahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa susunod pang mga araw, all I do is to pray. Binibigay ni God ang isang problema not because galit sya sa atin kundi dahil alam nyang kaya natin lagpasan ito and to learned a lesson.

God gave me 2 little kids Zev and Zavrina, they are my life. Hindi madali maging isang magulang. You just need to be strong for them.

Two years ago dumating ang isang trahedya sa buhay namin. Tyler got into car accident on the way to our wedding. Sobrang sakit na makita mong comatose ang pinakamamahal mo. He's lying on the hospital bed with bruises. Almost one month namin syang hindi nakausap. Nawawalan na ako ng pag asa noon pero inisip ko si Zev at ang nasa tiyan ko noon.

Nagising si Tyler from his coma, but his brain damaged. Nagkaron sya ng mild amnesia. Sobrang sakit na hindi kami maalala ni Tyler.

"Wala akong maalala na may anak ako." That's exactly what he said nung dinala ko si Zev sa kanya. Halos maiyak ako noon pero inintindi ko nalang.

Umuwi si Tyler sa bahay nila at halos araw araw kaming dumadalaw doon ni Zev. And everytime na tatawagin syang dada ni Zev ay lumalayo sya. Naaawa ako kay Zev dahil minsan ay nagigising nalang syang umiiyak at hinahanap ang daddy nya. Hindi ako nawalan ng pag asa hanggang sa bumalik sa normal si Tyler. Yes he survived from his amnesia. Bumalik sa normal ang lahat. Tyler knows about our new baby. But shit happens!

Habang kumakain kami ng breakfast noon tinawag ako ni manang dahil may naghahanap daw kay Tyler na isang babae. Nagkatinginan kami ni Tyler at sinabi kay manang na papasukin ang nasabing babae.

Pagpunta namin ni Tyler sa sala ay may isang babae at isang batang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang ni Zev. Lumingon ang babae at siyang gulat ni Tyler.

"Alex! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tyler sa babaeng tinawag nyang Alex.

Ngumiti ang babae at tumayo sa kinauupuan nya. Kinalong ang batang lalaki at laking gulat ko na may hawog ito kay Zev. Nagkatinginan kami ni Tyler ng parang may tanong sa isa't isa.

"Hindi ko alam." Yun lang ang nasabi ni Tyler sa akin bago sya lumingon ulit sa babae.

"Alex anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni Tyler sa babae.

"I'm here for your son." Sabi ng babae kay Tyler. Naguguluhan ako sa nangyayari. Tinitigan ko ang babae at doon ko lang naalala ang kanyan itsura. Siya iyong babae na kasama nya sa isang fastfood chain noon.

"What?" Tanong ni Tyler na kahit sya ay naguguluhan din.

"Tyler may anak tayo. Si Axel." Turo nya sa kalong nyang bata. Hindi ko na napigilan at napaiyak nalang ako at tumako sa kwarto. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Iniisip ko si Tyler na may anak sa iba ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa sarili ko para kay Zev at sa batang nasa tiyan ko. Nasasaktan ako kay Tyler at nasasaktan ako sa batang walang kamalay malay.

Isang oras akong iyak ng iyak sa kwarto. Kumatok si Tyler at pumasok sa kwarto na halata ang pagod sa kanyang mga mata.

"Lj" tawag nya sa akin ng may pagkapaos ang kanyang boses. Hindi ako kumikibo at hinahayaan ko lang sya na makalapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at agad ko rin itong inalis.

"I'm so sorry Lj, hindi ko din alam." Sabi ni Tyler pero hindi ko pa din ito pinapansin.

"Alex is my bestfriend. Inaamin ko, nagkaron kami ng relasyon noon more than bestfriend." Kwento nito. Hindi konpa din sya tinitignan dahil once na tumingin ako sa kanya ay bibigay lang ako. That's the biggest weakness ng mga babae, ang pagkamaawain.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon