Chapter 25

10.5K 287 22
                                    

Chapter 25

Nagising ako dahil sa pangangasim ng akin sikmura kaya halos tumakbo ako banyo ng aking kwarto. Ilang minuto rin akong dumuwal doon.

Damn! Nasobrahan ata ako sa avocado shake kahapon. Naubos ko ang dalawang large size ng avocado shake at hindi pa ako kumain ng kahit ano.

Naghilamos at nagmumog lang ako at saka lumabas ng banyo. Tulog pa si Zev kaya naisipan ko na munang bumaba sa kitchen.

Naghahalungkat ako sa ref ng may maamoy akong hindi kaaya aya. Tinignan ko ang niluluto ni manang. Bacon lamang iyon pero parang ang baho baho, kaya tinanong ko si manang kung maayos pa ang bacon dahil mabaho na.

"Kabibili lang kahapon ng bacon, papaanong masisira ito at nailagay naman agad sa ref." Sagot ni manang. Umalis na lamang ako roon at nawalan na ako ng gana kumain.

Bumalik ako sa kwarto at tulog pa rin si Zev kaya nahiga na lamang ulit ako sa tabi nya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako, naramdaman ko nalang na mat nagtatawanan sa tabi ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko at naaninag ko ang mag ama na naglalaro.

"Good morning." Bati ni Tyler sa akin nang makita nyang gising na ako.

"Mommy." Sigaw ni Zev ng kilitiin sya ni Tyler. Napangiti naman ako sa nakikita ako.

Ang akala ko noon ay hindi ko na makikitang may daddy si Zev, dahil akala ko ay ayos lang kung kaming dalawa lang. Pero hindi pala, mas okay kung kumpleto. Maging masaya lamang si Zev ay masaya na rin ako. Lahat gagawin ko para sa anak ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.

"Why are you crying?" Tanong ni Tyler nang lumapit sila sa akin ni Zev.

"Nothing, masaya lang ako." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Binigyan ko lang sya ng ngiti to assure him na okay lang ako.

Nginitian lang ako ni Tyler at nagpatuloy sila sa paglalaro ni Zev.

Dumaan ang mga araw at nalalapit na ang kasal namin ni Tyler. Dalawang araw mula ngayon ay uuwi na sila Kuya. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Kinakabahan ako at the same time ay naeexcite ako. Siguro lahat ng taong ikinasal ay ganito ang nararamdaman kapag nalalapit na ang kasal.

Kinakabahan ako dahil baka hindi ako siputin ni Tyler, na baka nagbago na ang isip nya at ayaw na nyang matali sa akin. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

Sa sumunod na araw ay busy sina mommy sa hindi ko malaman na dahilan, si Zev naman ay isinama nila Tita na mamasyal sa mall. Ako lang ang natira mag isa sa bahay. Wala rin naman ako sa mood lumbas ng bahay kanina kaya hinayaan ko lang na isama ni Tita si Zev sa lakad nila. At isa pa, para masanay si Zev na sumama kila Tita dahil kung hindi ako ay si Mommy ang kasama nya, baka masanay sya na kami lang ang samahan kaya ipinaubaya ko na muna sya kila Tita.

Nang makaramdam ako ng pagkainip ay naligo ako at nag bihis. Lumabas ako ng kwarto at naisipan kong sumunod nalang sa mall. Hindi ko kayang mag-isa, feeling ko ay maloloko ako. Nasanay na siguro ako na laging may kasama.

Nagtaxi lang ako papunta sa mall dahil gamit lahat ng sasakyan namin. Hindi ko na naitext si Tita at hahanapin ko na lamang sila.

Naglalakad lakad ako at patingin tingin sa paligid dahil para hanapin sila Tita. Pero hindi ko sila mahanap. Kaya't nag punta na lamang ako sa department store. Ang tagal na din ng huli akong mag shopping. Tumingin tingin ako ng mga damit pero wala akong magustuhan kaya nagpunta nalang ako sa Kids section.

Hinanapan ko nalang ng damit si Zev. Ang daming magaganda na pang babae. Bigla akong may nakitang isang dress na super ang cute. Kaya lang ay naisip ko na aanhin ko naman iyon, pero binili ko pa rin kasabay ng mga binili ko para kay Zev. Bahala na, baka may makita akong cute na baby girl sa mga pinsan ko o pamangkin ko, doon ko nalang ibibigay.

Lumabas ako ng department store at naglakad lakad muli pero hindi ko pa rin mahabao sila Tita.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang lalaki na likod pa lamang ay pamilyar na pamilyar na sa akin. Lalapitan ko na sana nang may lumapit sa kanyang babae.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong isinukbit ng babae ang kanyang kamay sa braso ng lalaki. Maganda ang babae, sexy at sa tindig pa lamang nya ay alam mong desenteng babae.

Naglakad ang dalawa at sinundan ko lamang ng tingin. Nang medyo malayo layo na ay saka ako naglakad para sundan ang dalawa. Hindi ko hinayaan na mapalapit ako kina Tyler at sa kasama nyang babae. Kahit na nasa parking lot ay nag tatago pa rin ako. Umalis ang sasakyan ni Tyler at wala akong nagawa kundi ang panoorin iyon.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Tyler iyon. At sino yung kasama nya? Kapatid? For pete's sake wala syang kapatid. Solong anak lamang si Tyler papaanong magkakaroon sya ng kapatid na babae, nag ampon ba sila tita kahapon? At bakit ganun nalang kabilis na maging close sila ni Tyler.

Agad ko kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Tyler. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman siguro ako lolokohin ni Tyler, for fuck's sake ikakasal na kami sa susunod na linggo at may anak na kami. Pati anong plano nya? Maghiganti sakin dahil tinago ko sa kanya ang anak namin? Ang akala ko ba ay ayos na? Akala ko ba ay kapag pinakasalan ko sya ay ayos na. Okay na kami diba? At para saan ang pagiging sweet nya sa akin nitong mga nakaraang araw. Sumisikip ang dibdib ko sa mga naiisip ko.

Hindi sinasagot ni Tyler ang tawag ko kaya bumalik ako sa loob ng mall para makabili ng tubig dahil nahihirapan na akong himinga.

Umuwi ako ng iniisip ang kung sino ang kasama ni Tyler kanina sa mall. Wala pa rin sina Tita sa bahay kaya nagpahinga na muna ako sa kwarto. Pag upo ko sa kama ay parang nandilim ang paningin ko kaya pumikit na muna ako. Pero hindi iyon nawala agad, nakaramdam naman ako ng pangangasim sa sikmura kaya tumakbo ako sa banyo, pero duwal lang ako ng duwal.

Napansin ko nitong mga nakaraang araw na palagi akong nagsusuka at nahihilo, iniisip ko nalang na baka nai-stress ako sa nalalapit na kasal. Pero normal pa ba iyon?

Kinuha ko ang cellphone ko ang chineck ang planner, mayroon na dapat ako last week pa pero hindi ako dinatnan. Delayed na ako ng isang linggo.

May namuo sa pagiisip ko at binilang ko ang araw, posible kayang... kinuha ko agad ang bag ko at pumunta sa pinakamalapit na drugstore at bumili ako ng pregnancy test. Iba ibang brand ang binili ko para sure.

Pag kadating sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto upang subukan. Hindi na bago sa akin ang pregnancy test kaya gamay ko na ito.

Nag hintay ako ng ilang minuto para sa isang test at nanlaki ang mata ko ng dalawang linya ang lumabas doon. Hindi pa rin ako makapaniwala kaya't sinubukan ko ang isang brand. Positive pa rin ang lumabas.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko, hindi ko lang mawari kung dahil ba sa tuwa o ano. I should be happy right? Another blessing. Pero bakit may konting lungkot akong naramdaman.

Kailangan itong malaman ni Tyler kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Tyler. Ilang ring ang nagdaan at sa wakas ay may simagot din, pero hindi boses ni Tyler ang sumagot, boses ng isang babae.

"Hello?" Sagot ko nang medyo nanginginig ang aking boses.

"Hello? Sorry miss may ginagawa yung boyfriend ko, sino to?" Sabi ng babae sa kabilang linya. Unti unti na namang nagbabagsakan ang mga luha ko. Hindi ako makapag salita kaya naman nagsalita ulit ang babae sa kabilang linya.

"Hello miss? Nandyan ka pa ba? May kailangan ka ba sa boyfriend ko? Tawag ka nalang... Stephanie sino yang.." Biglang naputol ang tawag. Pero narinig ko pa ang lalaking nagsalita bago maputol ang linya.

Kilala ko ang huling nagsalita. Boses palang ay alam ko nang si Tyler iyon.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon