Chapter 20

13.4K 289 6
                                    

Chapter 20

Isang linggo na ang nakalipas simula noong may binugbog si Tyler sa bar. Isang linggo na din kaming hindi nagkikita. Hindi sya napunta sa bahay para dalawin ang anak namin. Sina mommy naman at ang mommy ni Tyler ay busy sa pagprepare ng kasal namin.

Naipakita ko na din sa mommy ni Tyler ang disenyo ng gown na kanyang susuotin, may dalawa akong ginawa para sa kanya para naman may pagpilian sya pero pareho nyang nagustuhan kaya ang sabi nya ay dalawa ang ipagawa.

Busy sila kahit na 6 months pa ang bibilangin bago ang kasal. Napagkasunduan kasi namin na  unahin muna ang birthday ni Zev bago ang kasal namin at mangyayari iyon pagkauwi namin galing sa London.

Next week ang lipad namin patungong London pero hindi parin nagpapakita si Tyler sa amin. Isang linggo lang ang leave ni Tyler kaya mauuna syang umuwi ng Pilipinas, habang kami naman ni Zev ay tatlong linggo doon. Marami akong aayusin doon, tatapusin ko muna ang project na naiwan ko doon. Ipinaalam ko din naman agad sa may-ari ng clothing line ang gusto kong mangyari, tuwang tuwa pa nga ito dahil magkakaroon na raw ng ama si Zev. Mabait talaga si Mrs. Bautista, sya iyong mentor ko noong nagaaral pa lamang ako at sya na din ang kumuha sa akin para maging designer sa hindi nya kalakihang clothing line.

Naging busy rin ang mga kaibigan ko ngayon kaya hindi kami gaano nagkikita kita. Paminsan minsan ay gumagala kami ni Zev sa mall at kung minsan naman ay kasama namin si Nathan.

Magtatanghalian na pero nasa kwarto parin kami ni Zev. Wala akong plano ngayong araw kaya tamad na tamad ako. Bumaba lamang ako para kuhaan ng pagkain si Zev. Si Zev naman ay busy sa kanyang mga bagong laruan na bigay ng mommy ni Tyler. Nagiging malapit din si Zev sa mommy at daddy ni Tyler.

Nang mag monday ay hindi na ako mapakali dahil hindi parin nagpapakita si Tyler. Mahigit dalawang linggo na syang hindi nagpapakita, hinahanap na rin sya nina mommy.

"LJ nakapagempake ka na ba?" Tanong iyon ni mommy habang naghahapunan kami. Bukas na ang alis namin pabalik na London at hindi pa nagpaparamdam si Tyler.

"Yes mom, kahapon ko pa naiayos." Sagot ko kay mommy, wala ang kapatid kong lalaki dahil sa championship daw ngayon ng basketball sabi ng kapatid kong babae.

"Si Tyler? Nakausap ko na ba sya?" Si daddy naman iyon. Noong nakaraan ay tinatanong nila ako kung bakit hindi nagpapakita si Tyler at ang sagot ko lang ay baka busy sa trabaho.

"Hindi pa po." Maikling sagot ko kay daddy habang isinusubo ko ang pagkain kay Zev.

"Aba, bukas na ang flight nyo pero hindi parin kayo nakakapag usap?" Kahit naman ako ay hindi ko alam kung nasaang lupalop si Tyler kaya wala akog maisagot sa mga magulang ko kundi "Baka po busy sa trabaho".

Nang matapos kaming magdinner namin ay umakyat na kami ni Zev sa kwarto para makapagpahinga na, 10:45am ang flight namin bukas. Kung hindi man makakasama si Tyler ay ayos lang nasa akin naman ang ticket namin ni Zev, aalis kami kahit wala sya.

Kinabukasan ay maaga kong ginising si Zev, mabuti nalang ay hindi sya tinoyo dahil bitin ang tulog. Tinignan ko ang cellphone ko at may nakita akong text doon galing kay Tyler.

Tyler: Magkita nalang tayo sa airport. Can't pick you and Zev up. Traffic sorry.

Nireplyan ko lang sya at binihisan ko na si Zev. Maya maya lang ay narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ready? Where's Tyler?" Si daddy iyon, pumasok na sya sa loob para kuhain ang bagahe namin ni Zev.

"Yup, uh sa airport na lang daw kami magkita, traffic daw." Sagot ko kay daddy na naging dahilan ng paglingon nya.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon