Chapter 27

11.8K 347 22
                                    

Chapter 27

Hanggang ngayon ay hindi ako makatingin ng ayos kay Tyler. Isa lang ang naiisip ko, nahihiya ako dahil sa nangyari, napagkamalan kong babae ni Tyler ang pinsan nya.

Kinuwento ni Tyler sa akin kung gaano sila kaclose ng pinsan nyang si Stephanie, matanda si Tyler kay Steph, pero sila ang nagkasundo. Sabi ni Tyler ay si Stephanie daw talaga ang nagiging dahilan kung bakit nalayo sa kanya ang mga babae, dahil pinagkakamalan talaga silang lovers. Aniya'y kapag hindi daw gusto ni Steph ang kasama nyang babae ay inaaway nya ito at sinasabing sya ang girlfriend.

Nasa garden ang mga kamag anak ni Tyler, kami naman ay nandito sa loob ng kwarto ni Tyler dahil hinihintay namin magising si Zev. Nakahiga ang mag ama at ako naman ay umiikot ikot dito sa loob ng kwarto ni Tyler. Malinis ito at mukha atang hindi ito nadadapuan ng kahit anong dumi, malinis sa kwarto si Tyler. Nasa tamang lagayan lahat. Pati ang mga CDs and books ay maayos na nakasalansan.

Inisa isa ko ang mga title ng CD at libro nya, hanggang sa mapunta ako sa mga photo albums. Kinuha ko ang mga ito at tinignan.

Nandoon ang 1st birthday nya, mga pictures noong gradeschool hanggang sa magcollege sya. Inisa isa kong tignan ito hanggang sa mapatigil ako sa isang picture. Nasa section ito ng pictures nya noong nasa gradeschool pa sya. Isang lalaki at babae ang nandoon, tila ba hindi alam ng dalawa na kinukunan na sila ng picture dahil nakatalikod sila.

Sa paglipat ko sa isa oage page ay nakatingin na ang dalawang bata. At doon ko napagtanto kung sino ang dalawang bata na nasa picture.

Si Tyler yung batang inaabangan ko palagi sa school noon. Oh my god! Sya yung batang nagbigay sa akin ng necklace.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sya yung bata na nagpatahan sa akin noon dahil hinahanap ko si daddy. Hindi ako makapaniwala na si Tyler pala iyon. Agad kong kinuha ang necklace sa bag ko. Lagi kaso iyon dala, ewan ko pero tuwing nakikita ko ang necklace na iyon ay parang nararamdaman kong nay kasama ako palagi.

Ginising ko si Tyler at nagulat naman sya nang makita nyang umiiyak ako.

"Bakit ka umiiyak?" Gukat na tanong ni Tyler sa akin. Nginitian ko lamang sya at ipinakita ang picture ng dalawang bata.

"Si batang iyakin." Aniya ng makita ang picture. "Parang ikaw yan eh, iyakin." Dugtong ni Tyler. Hindi ako makapag salita dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Iniwan kasi sya ng daddy nya, ayaw tumahan non kaya nilapitan ko sya." Sabi ni Tyler habang nakatingin sa picture.

"Kaya lang yan na din yung una't huling kita ko sa kanya." Halata ang lungkot sa mga mata ni Tyler nang sinasabi nya iyon.

"B-bakit?" Tanong ko, napatingin naman si Tyler sa akin.

"Kasi nung araw na din na yan ay yung araw na lumipat kami sa Cebu at doon ako nagaral ng ilang taon." Sagot nito.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

"Alam mo bang hinintay ka nung bata na yan?" Tanong ko kay Tyler ng nakangiti at nagkibit balikat lang sya.

"At alam mo bang hindi hindi na sya umiyak kapag hinahatid sya ng daddy at iniiwan sya, kasi may nagsabi sa bata na yan na napangit sya kapag naiyak sya, sayang daw dahil cute pa naman sya." Napakunot noo naman si Tyler habang nagsasalita ako.

"Lagi kang inaantay ng batang yan, kasi di sya nakapag thank you dun sa binigay mo." Pagpapatuloy. Tila naguguluhan na si Tyler sa mga sinasabi ko base sa itsura nya ngayon.

"K-kilala mo yung batang babae?" Tanong ni Tyler sa akin. Tumango naman ako at nginitian si Tyler.

"S-sino sy? Pati nasan sya?" Sunod sunod na tanong Tyler sa akin. Kibit balikat lamang ang sagot ko kay Tyler at ipinikita sa kanya ang necklace.

Sa gulat ni Tyler ay nagulat na lamang ako nang yakapin nya ako ng mahigpit.

"Oh my god! Ikaw yung bata. Ikaw si batang iyakin." Sabi nya habang nakayakap sa akin, sunod sunod naman ang pagpatak ng mga luha ko.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Tyler at nakita ko sa mukha nya ang labis na kasiyahan.

"Sobrang saya ko, nagkita na ulit tayo." Sabi nya sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago, iyakin ka pa rin." Sabi nito sabay tawa.

"Ako rin Tyler, sobrang saya ko. Akala ko, hindi na ko makakapagthank you sayo dahil sa binigay mong necklace sa akin." Sobrang saya ko ngayon.

Si Tyler ang at ang necklace nya ang isa sa mga halagang nangyari sa akin nung bata ako. Dun kasi ako natuto mapagisa, maging independent. Dahil feeling ko kapag dala yung necklace ay may kasama ako. Si Tyler ang nagpalakas ng loob ko. Sobrang haba ng panahon, hindi ko akalain na magkikita ulit kami at nagkaroon pa kaming ng isang Zev, at ngayon ay may isa pa sa sinapupunan ko.

Hindi pa man ako nag papacheck up pero ramdam ko, nay may munting buhay sa aking tiyan.

Nagising si Zev at ibinaba na muna ni Tyler sa mga kamag anak nya, at ako naman ay nanatili na muna sa kwarto nya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na si Tyler yung lalaking dahilan kung bakit late ako minsan sa klas kasi inaantay ko sya kung saan kami una at huling nagkita.

Maya maya ay pumasok na si Tyler, iniwan na nya muna daw si Zev sa mommy nya.

Niyakap ako ny Tyler habang nakahiga ako sa kama nya.

"Sobrang saya ko talaga." Sabi nya. Medyo nakiliti pa nga ako dahil naramdaman ko ang hininga nya sa aking leeg.

"Ako rin. Sobrang saya ko." Humarap ako sa kanya dahil nakikiliti talaga ako sa hininga nyang tumatama sa aking leeg.

Nagkwentuhan kami ni Tyler tungkol sa kung bakit sila lumipat, at doon ko nalaman na nung araw na iyon ay hindi na sya pinapapasok sa school dahil aalis na din kasi sila, ngunit ang batang Tyler ay makulit at nagpumilit pumasok. At noong nakita nya nga daw ako ay ayaw kong tumigil sa pag iyak kaya naisipan nyang lapitan ako.

Noong makauwi nga daw sya sa kanilang bahay noon ay, pinipilit nya ang mommy nya na huwag na silang umalis. Pero buo na ang desisyon ng magulang nya kaya wala na syang nagawa kundi ang umalis.

Bumalik daw sila makalipas ng limang taon, at bumalik sa school namin dati ngunit sarado na ito. Nagsara kasi yung school namin noon kaya napilitan kami na ljmipat sa ibang school. Nalugi kasi ang school namin noon. Hinahanap pa rin daw nya ako  noon kahit malabo nang mangyari iyon. Natigil lang daw pag hahanap nya noong mag highschool at doon  nya nakilala si Kuya Kenjie.

Nakwento ko din sa kanya kung paano ako napagalitan ng teacher ko noon dahil lagi na akong late pumasok, pero maaga naman akong hinahatid ni daddy, kaya lamang ay nagbabakasakali kasi akong makita ko sya non.

"Akalain mong after ilang years nagkita tayo ulit?" Sabi nya at sabay kaming napatawa.

Siguro nga no? May tao talagang inilaan para sa atin. Hindi natin malalaman kung sino. Na baka isa na pala sa mga nakakasalubong natin yung para sa atin. O baka hindi lang natin nakita dahi bigla kang tinawag ng pulis dahil nagjejaywalking ka na pala.

Kahit gaano pa kalaki ang mundo, pagtatagpuin talaga kayo kahit pa ilang taon na ang nakalipas, kahit ano pa man ang mangyari, pagtatagpuin at pagtatagpuin talaga kayo.

Katulad na lamang ng nangyari sa amin ni Tyler. Hindi ko akalain na makikita ko pa ang batang nagpatahan sa akin noon, at ngayon ay ikakasal na kami.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako na umaga na at umatake nanaman ang morning sickness ko. Isa ito sa pinakamahirap kapag buntin ka, na magigising ka nalang na ang sama ng pakiramdam mo.

Naalala kong nakila Tyler nga pala kami at hindi pa nga pala alam ni Tyler ang tungkol sa akin. Gusto ko sana kasi na sa kasal namin, doon ko sasabihin ang pagbubuntis ko. Gusto ko sya isurprise.

Sa isang araw ay kasal na namin, at doon ko sasabihin kay Tyler na magkakaroon na ng kapatid si Zev.

---

Pasensya na po sa mahabang paghihintay. Maraming thank you sa inyo guys! 100K reads na ang MGP. Di ako makapaniwala. Thank you talaga.

-XXMICXX ❤

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon