Chapter 6

14.1K 340 5
                                    

Chapter 6

Nandito kami ngayon sa bahay nila kyle, birthday kasi ngayon ni tita carla ang mommy nila kyle at kuya kenjie. Hindi na sana ako pupunta dahil masama ang pakiramdam ko pero naalala ko na baka mag tampo si tita sa akin.

Hindi pa nagsisimula ang party, at hindi ko pa nakikita si tita carla, marami rami din ang bisita mga kaibigan ni tito at tita mga kamaganak nila at mga kaibigan nina kyle at kuya kyle. Nasa may bandang likuran kami nakapuwesto dahil nahihiya kami kung nasa unahan kami. May mga parating pang bisita akong natanaw at nakita kong si kuya kenjie ang sumalubong hanggang sa namukhaan ko kung sino ang mga iyon. Ang mga kaibigan nya. And yes Tyler is here too.

Lumapit sa amin si kuya kenjie at pinalipat kami sa kabilang table kung saan nandoon ang mga kaibigan nya. Hindi na sana kami lilipat kaya nga lang ay itong si stella ay nagpumilit na lumipat dahil nandoon daw yung crush nya. If i know lalandi lang sya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Mukhang napagkaisahan ako ng mga kaibigan ko dahil sa dami ng pwedeng itira na upuan sakin ay dun pa mismo ako itinabi sa tabi ni Tyler. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi nya. Tahimik lang sya ng umupo ako.

Nag umpisa ang party, lumabas si tita carla at tinawag ang mag kapatid na kyle at kuya kenjie, isang pamilya sila ngayong nasa stage habang nag sasalita si tita carla.

Nang matapos magsalita si tita ay nagsimula nang magserve ng pagkain. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana nung nakita ko ang pag kain, mukha syang masarap pero kapag naaamoy ko ay nawawalan ako ng gana. Tinititigan ko lang ang pagkain na nasa harapan ko, hindi ko ito ginagalaw habang ang mga kasama ko dito sa table ay nangangalahati na sa kanilang kinakain.

Nag angat ako ng tingin sa mga kasama ko at nagulat ako dahil nakatingin sila sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanila. Titig na titig sila saakin na parang may ginawa akong mali.

"Di ka nakain" sabi sakin ng katabi kong si chanel. Ngayon ko lang napagtanto na tapos na sila sa pag kain at ako nalang ang may laman pa ang pinggan.

"Wala akong gana" bulong ko kay chanel. Kumunot ang noo sa akin ni chanel. At napailing nalang sa akin.

"Wala kang balak kainin yung pagkain mo?" Tanong ni jossen sa akin. Nasa akin parin ang atensyon nila. Nahihiya na nga ako kaya yumuko nalang ako.

" Ang weird mo ngayon, dati naman basta sa kainan ang galing galing mo, ngayon ayaw mo kumain may sakit ka ba?" Tanong ni chanel sa akin. Nag aabamg sila sa isasagot ko.

"Masama kasi pakiramdam ko." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig ng lahat.

Natapos ang kaunting program at unti unti nang nagsisialisan ang mga tao. Halos mga kamaganak nalang nila at kami ang natitira, nagiinuman sila tito at mga kapatid nya ata at mga kapatid ni tita carla siguro yun. Pati ang mga pinsan nila kyle ay nagiinuman na din.

Lumapit si tita carla sa amin at kinamusta kami.

"Nabusog ba kayo?" Tanong sa amin ni tita carla. Sumagot naman sila na nabusog sila. Ako? Hindi, malamang di ako kumain, may iba talaga akong gustong kainin. Ganito nga siguro kapag buntis, mapili sa pag kain. Namula ako sa pag iisip ko na buntis ako, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko alam ang gagawin ko, ni hindi ko alam kung magiging mabuting ina ba ako sa magiging anak ko, hindi ko alam kung kaya ko ba syang palakihin katulad ng pagpapalaki sa akin nila mommy.

"Si LJ po hindi kumain tita" banat ni stella, gusto kong sabunutan ngayon si stella, I don't think na kailangan pa nyang sabihin iyon.

"Bakit LJ? Di ba masarap yung pagkain?" Tanong ni tita carla. Mabilis ako umiling kay tita.

"Nako hindi po tita, masama lang po talaga pakiramdam ko kaya wala po akong gana ngayon kumain" tumango lang si tita at sinabi na mamaya na daw kami umuwi dahil magpapadala daw sya sa table namin ng maiinom. Kaya tuwang tuwa ang mga kaibigan ko pati narin ang mga kaibigan ni kuya kenjie. Mga adik sa alak!

Dumating ang mga alak sa table namin at nagsimula na silang maginom. Nilagyan ako ni chanel ng beer sa harap ko, na agad kong inilayo sa akin. Napatingin naman ang mga kaibigan ko sa akin.

"Di ka iinom?" Tanong ni kyle sa akin.

"Masama nga ang pakiramdam diba?" Nagulat ako nang magsalita ang katabi ko. Hindi si chanel kundi si Tyler. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at sya na mismo ang unang bumitaw ng tingin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga kaibigan ko na may mga nakakalokong tingin sa akin. Siniringan ko lang sila.

Nagpaalam ako na mag ccr lang ako pero nung pagtayo ko ay bigla nalang akong nahilo. Napahawak ako sa pinagtayuan kong upuan at napapikit, bigla akong nakaramdam ng pag duwal kaya kahit di pa ako nakakarecover sa pagkahilo ko ay dali dali na akong pumunta sa CR.

Duwal lang ako ng duwal pero walang lumalabas. Naghilamos lang ako at tinuyo ang mukha para makapag polbo. Biglang pumasok sa loob si chanel na iba ang tingin.

"Ch-chanel?" Di ko alam pero para akong kinabahan sa tingin s akin ngayon ni chanel.

"Buntis ka ba?" Biglang tanong sa akin ni chanel.

Si chanel ang bestfriend ko simula pa noong highschool kami, alam namin kung may problema ang isa sa amin. Kaya ngayon parang gusto kong maniwala na ang bestfriend ang nakakakilala sa atin ng buo maliban sa magulang natin. Sila yung mas nakakaalam kung may problema ba tayong kinakaharap o wala.

Hindi ako makasagot sa kanya, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Nagtatalo ang isip ko, ang isa ay nagsasabing sabihin ko na ito sa bestfriend ko dahil sya lang ang makakaintindi at malalapitan ngayon, ang isa naman ay nagsasabing huwag dahil malalaman ng iba ang tungkol sa aking pagbubuntis. Sa tingin ko naman ay hindi nya ito ipagsasabi, kilala ko si chanel, once na ang usapan ay hindi pwedeng ilantad, hindi nya talaga ipagsasabi. Mapagkakatiwalaan naman si chanel and besides bestfriend ko sya, matutulungan nya ko sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Sa huli ay tumango lang ako sa kanya, at narinig ko ang malutong nyang mura. Nakayuko parin ako, hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso, nahihiya ako.

"Paano? Shit i mean kanino?" Tanong ni chanel.

Nag angat ako ng tingin sa kanya, naguguluhan ang mukha nya. Well sino nga ba ang hindi maguguluha? Wala akong boyfriend pero nabuntis ako!

"Si tyler" narinig ko nanaman ang mura ni chanel. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon, blanko ang expression ng mukha ni chanel, hindi ko alam kung ano ang iniisip nya ngayo, di ko alam kung galit ba sya o ano. Wala akong mabasa.

"Alam ba nya?" Off course not! No hindi pwede, hindi nya pwedeng malaman. May girlfriend yung tao, ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila. Hindi pwede.

"Hindi" maiksing sagot ko. Tinanong nya ako kung bakit di ko sinasabi, sinabi ko ang dahilan, may girlfriend si tyler at ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila.

Lumabas kami ni chanel ng cr at doon dumiretso sa table namin. Iba ang tingin ni chanel kay tyler, ewan ko ba feeling ko mahahalata ni tyler ang mga malapusang tingin ni chanel kay tyler, okay lang sana kung si tyler lang eh, kaso hindi, pag katapos nya tumingin kay tyler titingin naman sya ng malungkot sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya. Wala akong ideya.

Nag aya agad umuwi si chanel, aniya sa condo ko daw sya matutulog, alam ko na makikipag kwentuhan pa sya sa akin kaya pumayag nalang ako besides kailangan ko to, nung mga huling araw ay wala akong makausap, di ko alam ang gagawin kaya siguro mabuti na yung may napagsasabihan ako bukod kay kuya just.

Tinanong ako ni chanel nung nankahiga na kami pareho sa kama kung ano ba daw ang balak ko.

Buo na ang desisyon ko, di ko sasabihin sa ama ng baby ko na may anak kami, palalakihin ko ang baby ko ng magisa. Aalis ako, pupunta ako kay kuya at doon ako hanggang sa maipanganak ko ang baby sa sinapupunan ko. Sila mommy? Bahala na sasabihin ko na rin naman sa kanila hindi pa nga lang ngayon, saka na pag okay na at kapag handa na ako.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon