Chapter 12

12.4K 300 8
                                    

Chapter 12

Hindi parin kami umaalis ng mga kapatid ko sa harapan ng aming mga kamag anak. Matalim parin ang mga tingin nila tita sa akin at ang mga pinsan naman namin ay kapag napapatingin ako ay naaabutan kong umiirap.

"Tignan mo Klaudine kung gaano ka walang respeto ang ate mo! Dahil iyan sa asawa nya!" Hindi ko na mapigilan, ang ayaw ko sa lahat ay idinadamay ang pamilya ko.

"Huwag nyo hong idadamay sila mommy at daddy sa kasalanang nagawa ko tita. Labas sila sa usapang ito. Hindi ho nagkulang ang mga magulang ko sa pagpapalaki sa akin." Bakit ba may mga tao talagang makikitid ang utak? Hindi ko maintindihan ang logic nila.

Bakit ba kinakailangan pang mangialam sa buhay ng iba. We have our own life to deal with. Buhay ko pakialam ko. Buhay mo labas ako doon.

Lumabas ng bahay ang dalawa kong tita, nagpaiwan naman saglit ang tatlo kung pinsang babae na masama ang tingin sa akin lalo na iyong kaedran ko.

"Ang landi mo kasi eh, pamayni-maynila pa, ayan nagkaanak ng maaga. Worst wala pang ama!" Sabi ng kaedaran kong pinsan.

"Walang ama? Haha who told you? Paano nabuo kung walang ama? Where's your logic miss?" Naiinis ako pero hindi kailangan ipakita iyon. Narinig ko namang tumawa ang kapatid kong babae.

Siniringan lamang ako ng mga pinsan ko at lumabas na ng bahay namin.

Tawa parin ng tawa ang kapatid kong babae. Kahit nakaalis na ang mga pinsan namin.

Hangga't maaari ay ayaw ko sanang nakikipag away lalo na sa kamag-anak ko, pero hindi ko na kasi mapigilan. Masyado na kasi silang nanghihimasok. Na pati ang maagang pagkakaroon ng anak ay issue sa kanila. Kila mommy nga ay hindi, pero sa kanila ay napaka big deal.

Oo at may mali rin ako. Pero nakamove on na ako doon lalo na nung makita ko ang anak ko. Si Zev. Para sa akin ay si Zev ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.

Lumipas ang maghapon na nasa kanya kanya kaming kwarto. Sa sobrang bored ko ay gumawa nalang ako ng account sa facebook. It's been a long time since I deactivated my social media accounts except skype. Well sa skype ko nakakausap ang mga kaibigan ko at sila mommy when I was in London.

After 30 minutes may account na ako sa facebook. Saka na siguro ako gagawa ng sa instagram. Wala pa naman akong ipopost doon.

Inadd ko ang mga kaibigan ko pati na ang mga kaklase ko noong college na medyo malapit din naman sa akin noon.

Maya maya pa ay sunod sunod ang pumasok na notification sa akin. Binuksan ko iyon at nakita kong inaaccept na ako nga mga kaibigan ko.

I stalk Chanel's account and I found out na friends pala sila ni Tyler. I clicked Tyler's name and I stalked him.

Hindi gaano sya nagpopost sa kanya facebook. Alam laman lamang ng wall nya ay ang mga tag sa kanya ng mga kaibigan nya o kung hindi naman ay mga nakakatawang videos na shinare nya. Habang nagi'scroll ako sa wall nya ay may napansin ako doong picture na tag sa kanya ng isang babae.

Si Tyler ay may kasamang babae ang kuha ay sa isang bar siguro. She's wearing a black dress revealing her cleavage. Her lips were red and her eye brows were on fleek! She's pretty. And hot too. I read some comments and puro babae ang nakikita kong nacocomment.

"You two look good together"

"So totoo pala ang rumor."

"Totoo na ba ito?"

Puro lamang nangiintrigang mga babae lamang ang mga nababasa ko. Patuloy parin ako sa pagbabasa ng mga comments. Ewan ko ba at parang may tanong akong gustong masagot. Hanggang sa may nabasa akong nakapagpatigil ng mundo ko.

"Together again! Buti naman at nagkabalikan na kayo! Kasalan na ba ang kasunod? Bagay talaga!"

Mayroong mga nagreply sa comment na iyon binasa ko iyon at naconfirm ko nga ang namumuong hinala sa utak ko.

"Yes! Hindi ko din akalain na mangyayari ulit kami"

Isa iyon sa mga reply doon sa comment ng babae, nakumpirma kong iyon ang babaeng kasama ni Tyler sa picture.

Bigla naman akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Tila ba nawalan ako ng pag-asa sa lahat ng bagay. Umaasa kasi ako na mabuo si Zev. Umaasa akong may matatawag na syang daddy.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng hapon na iyon. Nagising nalang ako sa katok ni mommy sa aking kwarto. Wala na sa tabi ko si Zev. Soguro ay kinuha kanina ni mommy o ng mga kapatid ko.

"Mom?" Kaharap ko na ngayon si mommy sa labas ng kwarto ko.

"May bisita ka, nandyan sila Chanel" kumunot ang noo ko. Wala naman kaming usapan ngayon ah.

Sinabi ko kay mommy na sabihin kila Chanel na saglit lang. Nagpunta ako sa banyo at naligo. Bumaba agad ako ng maayos ko ang sarili ko.

Naririnig ko na ang kwentuhan nila kahit na nasa hallway palang ako papuntang hagdanan. Iniisip ko kung sino ang kasama nila Chanel.

Pagkababa ko ay nakita ko na ang mga kaibigan ko. At nagulat ako ng makita ko doon sina Kyle, Rafael at Jossen! Namiss ko tong mga gagong to. I wonder gago parin kaya sila? Napangiti ako sa iniisip ko.

"Lj! Long time" si Kyle iyon at tumayo pa sa kanyang kinauupuan upang mayakap ako. Sumunod naman si Raf at Jos.

"Akala ko sa friday pa tayo makukumpleto!" Sabi ko. Kumpleto kaso kami ngayon. Si Chanel, Sophia at Stella ay nasa mahabang sofa.

"Namiss ka kasi namin kaya naisipan naming dumiretso dito." Si Rafael iyon. He's still handsome. Lalo siyang tumangkad, pati si Jos ay ganoon rin! Ako lang ata ang hindi tumangkad. Wala na atang pag-asa.

"Namiss ko din kayo" sabi ko sa kanila. I'd love to be with them. Ang gaan sa pakiramdam.

"Stell, himala at hindi mo kasama si Kenj?" Si Soph iyon. Napatingin naman kami kay Stella na ngayon ay kakaalis lang ng tingin sa kanyang cellphone.

"Actually papunta na sya dito." Sagot naman ni Stella. I wonder, alam na kaya ng mga lokong ito ang tungkol sa father ni Zev. Iniwan ko muna sila saglit para tignan ang kitchen kung may pagkain para makapag dinner kami dito. Nadatnan ko doon si mommy kasama si manang at ang dalawang kasambahay na nagluluto.

"Lj dito mo na pakainin ang mga kaibigan mo, malapit na naman itong maluto." Si mommy iyon. Sinabi rin ni mommy na nasa movie room ang dalawa kong kapatid kasama si Zev. Wala pa si daddy ang sabi ni mommy ay may inaasikaso sa isang bagong resort.

Umakyat na muna ako sa movie room para makita ko si Zev. Nakita ko ang tatlo na nakaupo sa sofa habang nanonood ng cartoon. Mabuti naman at cartoon ang pinanonood ng mga ito. Si Zev ay tutok na tutok sa screen ng TV at kung titignan mo ay parang naiintindihan ang pinanonood. Tumatawa sya kapag tatawa ang dalawa kong kapatid. Natawa nalang ako sa nakikita ko. Lumapit ako kay Zev ang hinalikan ito.

"Dito na muna kayo?" Tanong ko kay Nate.

"Yup! Bababa nalang kami kapag gutom na." Sagot ng kapatid ko sabay tawa.

"Osige, alagaan nyo na muna yang pamingkin nyo. Tawagin nyo nalang ako kapag nagkaproblema kay Zev, nasa baba lang ako." Sabi ko at sabay labas ng movie room.

Bumaba ako at pumunta sa kitchen para tignan kung luto na ang pag kain sakto namang nakasalubong ko si Marya at sinabi sa aking handa na ang pagkain. Bumalik ako sa mga kaibigan ko at laking gulat ko ng nandoon na si kuya Kenj. Hindi lang sya ang nadagdag. Natigil ako sa sa may gilid papasok ng living room, hindi pa ako nakikita ng mga kaibigan ko.

Nagtago ako sa gilid habang hawak hawak ang aking dibdib. Mabibigat ang hininga ko, grabe na ang kabog ng dibdib ko. Para bang nakipag habulan ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Tyler Miguel Buenavista is here.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon