Chapter 5

13.6K 319 4
                                    

Chapter 5

ITO na ata ang pinaka matagal na two minutes sa tala ng buhay ko. Hindi ako mapakali, pinagpapawisan ako ng malagkit sa loob ng CR kahit nakatayo lang naman ako at nakatingin sa isang bagay sa harapan ko. Lahat ng tanong ay pumasok sa utak ko pero wala akong mahagilap na sagot.

Natatakot akong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na namumuo sa aking isipan.

Paano kung...

Napatingin ako sa pregnancy test na nasa harapan ko. Halos mawalan ako ng dugo sa nakikita kong dalawang guhit. Two lines means positive. Nasapo ko ang aking noo at unti unting namuo ang mga luha sa aking mata.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ipapaalam ko ba ito sa ama ng dinadala ko, paano kung itanggi nya? paano ako haharap sa mga magulang ko? paano kung magalit sila, for Pete's sake I'm just fucking 19 years old at graduating. Ano nalang ang sasabihin nila sa akin? na isa akong disgrasyadang babae, na nabuntis ng hindi ng boyfriend. Eh hindi ko nga alam ang where abouts ng lalaking yun, pangalan lang ang alam ko sa kanya.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, sana inisip ko muna ang mga pwedeng mangyari, pero paano nga naman ako makakapagisip ng maayos noong gabing yon if I'm drunk and wasted. Sana pala hindi ko inuna ang emosyon ko, sana naging matapang akong harapin ang problema ko.

Nakahiga lang ako sa kama ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Chanel calling...

Si chanel anh pinakaclose ko sa lahat, sya ang napagsasabihan ko ng mga problema ko. Kahit na loka loka iyan ay may tiwala parin ako sa kanya, sya ang tinuturing kong bestfriend.

Should i tell her?

"Hey tita carla phoned me, punta das tayo sa birthday nya, bukas na yun aasahan nya daw tayo."

Si tita Carla ay ang mommy ni kyle at kuya kenjie. Close kami sa kanya dahil lagi kaming nasa bahay nila. Walang anak na babae si tita carla kaya gustong gusto nya kaming pumupunta sa bahay nila. She treat us like her daughters, pinapayuhan nya kami tungkol sa pag aaral, sa buhay at minsan sa lovelife.

"girl nandyan ka pa ba? bakit hindi ka nagsasalita? pupunta ka? syempre oo kasi kung hindi, magagalit talaga sa atin si tita." Nakalimutan kong may kausap nga pala ako sa phone. Sinabi ko lang kay chanel na pupunta ako sa birthday ni tita. Alam kong magtatampo si tita. Kapag sobrang bait pa naman madaling magtampo at nakakatakot magalit. Silent treatment.

Bigla kong naalala si mommy. Sobrang bait nya at lag naman nagalit o nagtampo, she's always silent. Tipong hindi mo alam kung ano ang iniisip nya. Cold and Silent treatment, ganyan ang ibibigay sayo ni mommy once na napuno na sya, kaya kahit papaano ay iniiwasan kong magalit si mommy.

Pero paano kung malaman nya na buntis ako? Walang magulang ang hindi magagalit kung malaman niyang nabuntis ang kanyang anak. Oo hindi tayo matitiis ng mga magulang natin, pero nandun parin ang disappointment. Pinagaral tayo para makatapos at mabigyan ng magandang kinabukasan pero sa isang iglap lang ay mawawala lahat ng pinaghirapan nila dahil lang sa isang gabing pagkakamali ko.

Nakatulog ako sa ganoong pagiisip. Nagising nalang ako na parang babaliktad ang sikmura ko. Tumayo ako sa kama at dalidaling tumakbo sa loob ng CR. Nagsuka ako ng nagsuka hanggang sa laway nalang ang lumalabas sa aking bibig. Lumabas ako ng CR at napansin kong madilim pa sa labas, tumingin ako sa wall clock at nakita kong 4:30 am palang. Hindi na ako makatulog ulit dahil maya't maya ay nakaaaramdam ako ng pag duwal.

Nang mag liwanag ay napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto at dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at tumingin ng pupwedeng makain. May nahagip ang mata ko na oranges, kumuha ako ng isa at binalatan ko, nang hindi ako makuntento sa lasa ay naghanap ako ulit sa loob ng ref at nakita ko ang tomato catsup kinuha ko iyon at naglagay ako sa platito. Sinaw-saw ko doon ang orange. Nanlaki ang mata dahil sa sarap.

Ako lang ang nasa condo ngayon dahil nasa Laguna ang kapatid ko, semestral break ngayon pero hindi ako umuwi dahil inaayos ko ang requirements ko for OJT next sem.

Makakapag OJT pa kaya ako?

Nang matapos ako sa pagkain ng orange at tomato catsup ay bumalik ako sa kwarto para bumawi ng tulog. Nakahiga lang ako pero hindi ako dinadalaw ng antok.

"sasabihin ko ba ito sa kanya,.paano?" Tanong ko sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa kisami na para bang nandoon ang kasagutan.

Isa lang ang kaya kong pag sabihan nito ngayon. Si kuya Justin.

Iniisip ko ang pwendenh sabihin kay kuya, magagalit ba sya o maiintindihan nya ako. Paano kung magalit sya? Hindi ako makatulog kaya tinawagan ko si kuya through skype, hindi ako naka video call dahil natatakot ako sa magiging reaction nya. Wala akong pakialam kung anong oras doon ngayon dah hindi ko na kaya, kailangan ko ng makakausap. Ilang ring pa ay sinagot na ni kuya ang tawag ko ko.

"hello kuya" bati ko kay kuya, 8:00 ng umaga ngayon sa Pilipinas, madaling araw naman ngayon sa London. Alam kong alanganing oras doon pero kailangan kong makausap si kuya.

"LJ" Paos na bati ni kuya na halatang kakagising lang.

"Kuya nagising ba kita?" Great question! sarkastikong sabi ng utak ko. It's fucking 2am in London. Napailing nalang ako sa tanong ko kay kuya.

"yeah, pero okay lang. I assume na importante to kaya kahit alam mong tulog na ako ay tumawag ka." Medyo natatawang sagot ni kuya.

"may problema ba LJ" Tanong ni kuya.

"Kuya..." Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil natatakot ako. Hindi ako makahugot ng salita na pwedeng sabihin, parang mag bumabara sa lalamunan ko.

"what is it? tell me" Narinig ko sa kabilang linya. Sorry kuya. Bumuntong hininga ako bago ako sumagot kay kuya. Ito na bahala na ang mga fictional superhero sa buong mundo. Huminga pa ulit ako ng malalim bago mag salita.

"sorry kuya... sorry" Naiiyak kong sabi kay kuya, nagtanong si kuya kung bakit ako nag sosorry pero hindi ako sumasagot.

"goodness LJ magsalita ka" sabi ni kuya sa kabilang linya. Lumunok ako bago mag salita.

"kuya... Buntis ako" Katahimikan ang bumalot sa amin. Walang nag sasalita, naririnig ko lang ang pag buntong hininga ni kuya sa kabilang linya.

"paano? oh fuck that's the stupid question i ever ask. I mean, diba walang kang boyfriend, wala na kayo ni Andrei. Wait are you two together again?" Pag basag ni kuya sa katahimikan. Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay kuya na hindi si andrei ang nakabuntis sa akin. Na isang lalaki na nakasayaw ko sa isang bar, one night stand. Nahihiya ako, dahil hindi mataas ang tingin nila sa akin, at mahirap din pala na ganun yung tingin sayo ng mga tao, dahil konting magkamali ka ay parang napakalaki na ng nagawa mo, sobra mo silang madidisappoint. At ang mahirap pa, mga magulang mo yung madidisapppoint ng sobra, dahil sila yung mas nakakakilala sayo. Sana pagdating ng panahon na malaman na nila ang sitwasyon ko ay maintindihan nila ako, sana kahit nadisappoint ko sila ng sobra ay magawa parin nila akong mapatawad.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon