Chapter 8

13.9K 302 9
                                    

Chapter 8

"Okay na ba ang lahat?" Natatarantang tanong ng head designer namin. Ito na yung isang buwan naming pinagpuyatan at pinag hirapan, this is it.

Kinakabahan ako, dahil sa design ko nakakasalalay ang lahat. Isa sa pang finale ang design ko kaya sobra ang pagka kaba ko.

Nagustuhan naman ng Head at ng mga consultant ang design ko pero hindi ko parin maialis ang kaba na nararamdaman ko.

Once na maging successful itong project na ito ay mas makikilala ang company na ito sa fashion industry, maraming sikat na designer ang nandito na nagpadagdag pa sa kaba ko.

Nagumpisa na ang fashion show, lumabas na ang mga model na suot ang mga design ng mga designer, sa bawat modelo ay kasama nila kung sino ang nag design ng damit na suot nila.

Ang unang lumabas ay galing sa isang kompanya ni hindi parin kalakihan at kasikatan, magaganda ang design nila hindi basta basta. Simple pero alam mong may panlaban.

Ang sumunod naman sa medyo kilalang brand na pero hindi naman gaano kalaki, maganda din ang kinalabasan ng mga design nila. Ang kompanya na namin ang sunod kaya kinakabahan ako, mamaya pa naman ako lalabas sa finale pero sobrang kabado na ko.

Marami ang nasa venue ngayon puros mga kilalang personalidad ang nandito. First ko ito, kaya kabado ako, ang mga kasamahan ko naman ay matagal nang may karanasan sa ganito.

Kami na ang susunod naunang lumabas ang mga naunang kompanya.

At noong lumabas na ako ay para akong hihinatayin sa sobrang kaba. Madaming nanonood, mga kilalang personalidad sa larangan ng fashion at mga artista.

Iginala ko ang paningin ko sa mga tao at ngumiti nalang noong nansa unahan kami ay nakita ko ang mga critics na naroon at mg kilalang personalidad.

Napadako ang tingin ko sa isang tao na di kalayuan sa stage na tinutungtungan ko.

Halos mapatigil ako nang mapagtanto ko kung sino ang nakita ko. Nagkatinginan kami, at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Napadako naman agad ang tingin ko sa puwesto nila kuya na kalong kalong si zev na walang kaalam alam sa nangyayari.

Paikot ikot ako ngayon sa backstage hindi ko alam ang gagawin ko, bakit sya nandito? Anong ginagawa nya?

Nasa stage lahat ang mga modelo at naiwan kaming mga designer sa loob ng backstage.

Natapos na ang fashion show at masaya ang lahat na naging successful ito. Hindi man kami iisa ng kompanya pero masaya kami dahil naisagawa ito ng maganda at maayos.

Masayang ibinalita Manager namin na maraming nagandahan sa mga design namin, aniya may kukuha daw saamin na isang sikat na TV network para mag design ng mga gowns and tux para sa gaganapin year end ball ng network nila.

Masaya kaming lahat dahil once na makilala ang kompanyang ito sa larangan ng fashion industry ay mas marami ang opportunity na papasok sa amin lalo na sa aming mga designer.

Maya maya pa ay nakaramdam ako na may kumulbit sa akin sa likod naka ngiti akong humarap dahil ang akala ko ay isa sa mga katrabaho ko pero agad din nawala ang ngiti ko sa gulat nung napagtanto ko kung sino iyon.

"Uh hi" bati nya sa akin. Malaki na ang pinagbago nya, kung dati ay matangkad na sya at gwapo mas lalo na ngayon, lumaki din ng kaunti ang katawan nya.

"Hi?" Pag aalinlangan kong sagot. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ipakita ko. Fuck it Lj you should act normal.

"Long time no see ah" nakangiti nyang sabi dito. Halos manghina ako sa ipinakita nyang ngiti sa akin.

Mistakenly Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon