♣PROLOGUE♣

13 2 0
                                    

Patuloy ako ngayon sa pagtakbo ng mabilis dahil bigla na lang kumilos ang katawan ko at tila may gusto itong puntahan.

Parang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang dalawang paa ko at dinala ako sa mapuno at lib-lib na lugar. Hindi ako pamilyar sa lugar ni ito pero sinusundan ko na lang yung mga paa ko kung saan nito gustong pumunta.

Agad akong napatingin sa risk watch ko at kita kong saktong nasa alas dose na ng hating gabi.

Maya-maya ay nakarinig ako ng babaeng umiiyak at umuubo.

*Tulong!!*

*Tulungan niyo ako, may halimaw na gustong pumatay sa’kin!*

Kaya agad ko sinundan kung saan nanggaling yung boses ng babae at para bang natataranta ang puso ko habang sinusundan ko yung boses ng misteryosong babae.

*Groowwll!!*

Halos nangilabot ang kagubatan sa nakakatokot na ungol ng halimaw, samantalang ako ay seryoso sa pag-ha-hanap sa boses ng babae.

“Paki-usap!... Wag mo akong patayin!”

“Gusto ko pa mabuhay!”

Ayun ang na-ri-rinig kong boses ng babae at sinundan ito at maya-maya nakita ko na yung babae at nakasandal ito sa malaking puno habang nakahawak sa kaliwang balikat niya na may sugat. Na tamo niya siguro ‘yun nang atakihin siya ng halimaw.

Kita ko na papalapit ang na-ka-ka-takot na halimaw na papalapit sa babae at bakas sa kanya na gustong-gusto niyang patayin yung babae.

Nagulat na lang ako nang sakalin niya sa leeg yung babae at pinipilit naman siyang pinipigilan nito pero baliwala lang ito sa taglay na lakas ng halimaw, at kita kong unti-unti siyang ina-angat nito.

Kaya agad kong kinuha sa likod ko yung punyal na lagi kong dala-dala sa likuran ko.

Agad ko itong hinagis sa halimaw dahilan para matigil siya sa pagsakal sa babae, at nagulat ang babae nang makitang putol ang kamay ng halimaw na sumasakal sa kanya.

Kaya dali-dali niyang hinagis sa kung saan yung kamay nito at nakita kong nakatingin sa gawi ko ‘yung halimaw at galit na galit sa pa-nge-nge alam na ginawa ko

“Tigilan mo yung babaeng ‘yan kung ayaw mong tuluyan kita!” banta ko rito habang nag-la-lakad pa-pa-lapit sa gawi nila.

Kita kong pinapatubo niya pa ang kamay niyang na putol at nang mabuo ulit ito ay agad niya ulit sinakal yung babae, at kita kong sasakmalin na sana ng halimaw yung babae sa pamamagitan ng kabilang kamay niya nang tumakbo ako ng mabilis at sinipa ito ng malakas dahilan para bumalibag ito.

Agad naman na tumumba ng marahan yung babae kaya marahan ko itong nilapitan at nakita kong pumi-pikit-pikit na ito dahil sa sobrang pang-hi-hina.

“Miss… Are you okay?” pag-aalalang tanong ko sa babae. “Dadalhin na kitang ospital.” dugtong ko pa.

“Sa li-kod mo.” mahinang sambit nito sa akin.

Kasabay non nang maramdaman kong may tumama na matigas sa mukha ko at kasabay ang pagtilapon ko.

Dahil sa lakas nang pag-ka-ka atake sa akin ay nahilo ako at naramdaman kong tumutulo yung dugo sa noo ko at napahawak naman ako sa gilid ng labi ko na putok dahil sa tindi ng tama ko sa mukha.

Nanlalabo na rin yung paningin ko at nakita kong papalapit ang halimaw sa akin para gumanti sa ginawa ko sa kanya kanina nang biglang may bumaong punyal sa dib-dib niya dahilan para bumulagta ito.

Nakita ko ang babae na nakatayo. Ang punyal ko pala yung ginamit niya para patayin ang halimaw.

Marahan itong naglakad papunta sa akin at maya-maya ay sumuko na yung tuhod niya dahilan para mapaluhod siya sa lapag, kaya pinilit kong tumayo kahit na-hi-hilo at agad siyang nilapitan.

“Si-sino ka?!” nang-hi-hina nitong tanong sa akin.

“Hindi iyon ang mahalaga, ang mahalaga ay madala kita sa ospital para i-check ang lagay mo.” sabi ko sa kanya.

“Pero may tama ka rin.” punto niya.

“Pero mas malala yung tama mo.” sambit ko sa kanya nang tignan ko yung kaliwang balikat niyang nag-du-dugo.

“Pero mas malala yung tama mo.” sambit ko sa kanya nang tignan ko yung kaliwang balikat niyang nag-du-dugo.

Maya-maya ay bigla na lang kumilos ng mag-isa yung kamay ko at hinaplos ang maamo nitong pisngi. Agad itong napatingin sa mga mata ko dahilan para tumibok nang mabilis ang puso ko.

Para akong aatakihin sa sobrang bilis ng tibok nito at naramdaman kong na kuryente yung kamay ko na nakahaplos sa pisngi niya dahilan para tanggalin ang kamay ko na nakalapat sa pisngi niya.

“Bakit ang labo ng paningin ko sa mukha mo… Ikaw na ba yung lalaking matagal ko nang hina-hanap?” nang-hi-hina na sambit nito, at agad na itong na walan ng malay.

Maya-maya ay unti-unti ng nag-la-laho yung babae at habang nag-la-laho ang katawan nito ay kumikinang ito na parang bituin.

Napabangon na lang ako sa aking kama dahil sa na panaginipan ko na ‘yun, at halos hingalin ako at pagpawisan dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

“Panaginip na naman na akala ko totoo.” singhal ko.

Napahawak naman ako sa gilid labi ko at naramdaman kong naman na masakit ito at may tumutulong likido sa noo ko.

Agad ko itong hinawakan at tinignan at may dugo ito.

Ito ang ayaw ko sa panaginip ko e, yung nag-ka-ka-totoo kapag gi-gising ako.

Ilang beses na ko nang napapanaginipan yung babaeng ‘yun at lagi ko na lang siya ni-li-ligtas sa panaginip ko.

“Hindi kaya ang babae sa panaginip ko ang soulmate na matagal ko nang hina-hanap?” tanong ko sa sarili.

Pero kalokohan na siya e, nagmula siya sa panaginip ko kaya imposible ‘yun.

*Tok! Tok! Tok! *

Napa balik na lang ako sa reyalidad ng makarinig ako ng malakas na katok sa may pintuan ng kwarto ko.

*Tok! Tok! Tok! Tok!*

“Young Master. Nakahanda na po ang breakfast niyo, pinapababa na po kayo ng Mommy niyo.” rinig kong beses ng Yaya namin na si Manang Byolin.

“Susunod po ako!” sigaw ko.

Kaya dali-dali akong pumuntang CR ko at nag hilamos at nilinis yung sugat ko, at nilagyan ko ng betadine, at band aid ang noo kong nagdurugo.

Nga pala, hindi pa ako na-ka-kapagpakilala sa inyo. My name si Zion Grey Tobrio and I’m 22 yrs old and I’m a 3rd year collage this coming school year.

Summer vacation kasi ngayon at sa lunes na yung pasukan namin pero balak kong wag muna pumasok ng isang linggo tutal first week of class pa lang at wala pa masyadong ga-gawin.

Nga pala, ang Lola Ambella ko ang may ari ng school na pinapasukan ko dahil siya lang naman ang former Queen ng Bulgaria noong kapanahunan niya. Ngayon naman ay si Daddy na ang Hari.

Bagamat na nasa akin na ang lahat dahil ayun ang tingin ng mga na-sa-sakupan namin ay meron pa ang kulang sa akin at iyon ang soulmate ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa na-ki-kita.

Matagal ko ng gustong makita ang soulmate ko dahil ang mga pinsan ko at iba kong kaibigan ay na tagpuan na nila ang soulmate nila samantalang ako ay nag-hi-hintay pa rin hanggang ngayon.

Gusto ko mahanap ko na siya bago ako mag 23 yrs old, ayun ang kahilingan ko sa aking birthday. Mabuti apat na buwan bago ako mag birthday kaya may pag-ka-kataon pa akong maghanap.

Matapos kong gamutin ang sugat ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan para kumain na.

LOOKING FOR MY SOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon