Cristine’s POV
ITO na nga ang pinakahihintay ko dahil pasok na namin ni Shakira sa school. Kapag excited talaga akong pumasok sa school ay na-ka-kapag puyat talaga ako sa sobrang excited.
Lagi naman ako nag-pu-puyat e, hindi na bago ‘yun hahahaha! Wala naman kasing taga sabi ng (Goodnight love, Sweet dream, sana ako mapanaginipan mo) kaya paano ako ma-ka-katulog ng mahimbing hahahaha keme.
Kaya malakas talaga yung loob ko na dito ko talaga ma-memeet ang soulmate ko.
“Grabe best! Ang ganda at lawak ng school natin!” tuwang-tuwa kong sambit habang iginagala yung paningin ko.
“Sabi na at ma-gu-gustuhan mo dito.” masayang sambit sa akin ni Shakira, habang nakatingin sa akin.
“Ate Cristine.” tawag sa akin ni Denzel. Kapatid ni best.
“Hindi mo pa ba na-ha-hanap yung soulmate mo?” tanong nito sa akin.
“Hindi pa e. Pero kutob ko ay malapit ko na siyang makita.” kumpyansa kong sambit sa kanya.
“Nasa Bulgaria ang true love.” pilyang sambit sa akin ni Shakira.
“Truenes ka d’yan best!” panang-ayon ko.
“Ang wish ko, kung makita mo man sa personal ang soulmate mo ay alagaan ka niyang maigi at protektahan ka niya. Kasi sa totoo lang ate Tine, ang ganda mo po sobra, kung lalaki lang talaga ako e, baka naligawan na kita.” sambit nito sa akin.
“Denz naman e… Ayan kana naman sa pa-mu-muri mo sa’kin, kalma ako lang ‘to.” na-hi-hiyang kamot batok ko rito.
“Walang halong biro talaga ate, ang ganda mo.” sambit niya pa.
“Ngayon ko lang narinig na pumuri ng tao ‘yang kapatid ko, Cris… Kaya maniwala ka.” sabi sa akin ni Shakira.
“Alam ko naman ‘yun, pero wag niyo na ulit-ulitin dahil baka mangamatis yung mukha ko sa sobrang pula.” saway ko sa kanila.
“Okay. Kung ganun i-pa-pakilala kita sa circle of friends ko dito sa school.” sabi sa akin ni Shakira sabay akbay sa akin.
“Omg! Excited na ako!” excited kong sambit.
“Hindi mo lang alam ate Tin na lahat ng kaibigan niyan ni ate mga mahaharlika dahil puro mga Prinsesa at prinsipe sila. Ang ganda kasi niyan ni ate kaya lapitin ng mga rich kid!” pag-ma-malaki sa akin ni Denz.
“Omg! Totoo ba ‘yun, best?!” hindi makapaniwala kong sambit.
“Yung girls na muna ang ipa-pakilala ko sa'yo dahil next week pa papasok yung mga prinsipe dahil gusto pa raw nila mag bakasyon… Alam mo naman yung mga rich kid, gusto nila laging mag saya.” sabi nito sa akin.
“Pero malapit na ang klase natin kung pu-puntahan natin sila ngayon?” sagot ko sa kanya.
Agad naman napasulyap si best sa relo niya. “Oo nga noh… Mamayang lunch na lang.” sabi nito sa akin.
Kaya nagmadali na kaming maglakad para hanapin yung mga classroom namin. Sa 4th floor ang room ko, at mabuti na lang at may elevator kaya hindi ako ma-pa-pagod sa pag-akyat.
Hindi ko maiwasang hindi mailang sa tinginan sa akin ng mga kasabayan ko sa elevator dahil panay ang sulyap nila sa akin. Tsaka yumuko na lang ako dahil na-hi-hilo ako kapag sumasakay ako ng elevator.
Pagka labas ko naman ng elevator ay naglakad na ako papuntang classroom ko at tulad ng ekesena sa elevator ay pinagtitinginan at pinag-uusapan ako ng mga estudyante.
Maski nga pagpasok sa room ko e, halos lahat ng mga classmate ko ay nakatingin sa akin at pinag-uusapan ako.
Ganito ba sila trumato ng newbie, na-ka-kailang kaya.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE
Fiksi PenggemarMay isang prinsipe na ubod ng gwapo at pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan but even though many woman like him, he is not interested in them. Because the prince believes that he will also find his soulmate that he has been wanting to see for a...