♣︎CHAPTER FOUR♣︎

6 2 0
                                    

Shakira’s POV

LUNCH ngayon at nandito na kaming lahat sa tambayan namin sa may rooftop, dito na kami nakatambay ngayon dahil nandito na yung mga boys.

Tsaka, hindi ko kasabay si Cristine na umakyat dito dahil cleaners daw siya ngayon araw, kaya inutusan ko si Denz na sabay na lang sila pumunta dito at hintayin niya si Cristine.

Tutal naman same course lang naman silang dalawa dahil Hospitality Management ang course nila. Ang course ko naman ay Nursing, dapat nga military ang kukunin kong course pero dahil sa epilepsy ko ay nag Nursing na lang ako.

“Kira, Ba’t hindi mo kasabay si Cristine na pumunta dito?” tanong sa akin ni Sarah habang umiinom ng kape na binili niya sa starbucks sa baba.

“Sabi niya mauna na ako dahil cleaners daw siya, kaya pina suyo ko kay Denz na hintayin si Cris.” sagot ko.

“Excited na ako makakwentuhan siya!” excited na sambit ni Dale.

“Nice naman, isang linggo pa lang ng school year natin ay close niyo na agad si Cristine, ha.” sabat ni Kyle.

“Ang juggly niya kasi kausap.” sagot ni Dale kay Kyle.

“Tapos ang cute ng tawa niya, kapag na rinig mo matatawa ka talaga kahit wala ka sa mood.” kwento naman ni Rachel.

“Talkative rin siyang tao.” sabi naman ni Alyssa.

“Hindi mo aakalaing galing siya sa mahirap na pamilya e, sa ganda niya ba naman e… Matatawag mo talaga siyang prinsesa.” kwento naman ni Kathleen.

“Wait?... Galing siya sa mahirap na pamilya?!” gulat ni Jake.

“Oo. Taga-Quezgon siya.” sagot ko sa kanya.

“Grabe! Hindi mo aakalaing mahirap, ang ganda niya, sobra!” oa na sambit ni Kyle.

“So… Nakapasa pala siya sa scholarship dito sa school kaya lumipat siya?” puntong sambit ni Aldrin.

“Yeahp!” sagot ko. “Sabi ko kasi sa kanya na try mo lumipat ng school na pinapasukan ko kasi maganda dito, try niyang kumuha ng exam para sa scholarship, and I’m so happy na naka pasa siya.” paliwanag ko.

“Si Shakira at Cristine ang nag patunay na salat sa karangyaan pero sagana sa kagandahan!” pilyang sambit ni Feli.

“True!!” panang-ayon ng mga girls.

“Tama na ‘yan.” sabi ko sa kanila.

“Kira.” tawag sa akin ni Alvin, kaya agad akong napatingin sa kanya dahil katapat ko lang siya ng table.

“Hmm?” tanong ko habang walang nilalabas na boses sa bibig ko.

“Busy ka ba noong nakaraang linggo… Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko e.” sabi niya sa akin.

“Oo. Pasensya na kung hindi ko masagot, naka do not disturb kasi phone ko, tsaka ina-asikaso ko yung mga requirements ni Cris sa paglipat niya ng school.” paliwanag ko.

“Sobra ka raw kasi niyang na miss.” sabat naman ni Jake..

“Maayos lang naman ako, kaya hindi mo kailangan mag-alala.” sagot ko kay Alvin.

“Andito na kame!” rinig naming boses ni Denz.

Kaya lahat kami napatingin sa gawi nila ni Cris, habang naglalakad palapit sa amin.

Agad silang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko kaya na pagitnaan na namin ni Denz si Cris.

“Kamusta pagiging cleaners mo, best?” bungad kong tanong kay Cris.

LOOKING FOR MY SOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon