Cristine’s POV
SABADO ngayon at nag-apply kami ngayon ni Shakira at sinama na rin namin si Denz para sa part time job.
Gusto kasi namin magkaroon ng extra income habang nag-aaral, alam niyo naman na mahirap ang buhay collage student. Lalo na ako dahil kailangan ko talaga ng extra income.
Naghanap kaming tatlo ng malapit sa school namin para walking distance lang papuntang school.
Mabuti at nakahanap kami ng magandang resto bar malapit sa school at talagang dinadayo ng mga estudyante. Sakto namang nag-ha-hanap sila ng part time student kaya masaya kaming tatlo.
Agad na kami pumasok sa loob, at dahil maaga kaming pumunta ay wala pang mga costomer na dumarating.
Agad naman na may lumapit sa amin na lalaking waiter.
“Ano po kailagan niyo?” bungad na tanong nito sa amin.
“Mag aaplly po kami for part time job.” sagot ko.
“Naka paskil kasi sa labas na tumatanggap kayo ng part time student.” sabi naman ni Shakira.
“Tama kayo, tamang-tama ang dating niyong tatlo!” masayang sambit nito sa amin.
“Omg! Magka-ka work na tayo!” masayang sambit ni Denz.
“Tamang-tama dahil ka oopen lang ng restobar namin, tsaka kararating lang ng owner nitong bar galing vacation kaya pwede kayong mag-apply sa kanya.” sabi ng lalaki sa’min.
Kaya agad kami dinala sa may office ng owner ng restobar at nakita naming abala itong nagsusulat sa papel.
“Sir. May mag-aaply daw ng part time, sakto tatlo agad nag-apply sa atin.” sabi ng lalaki sa Boss niya na abala.
Agad na inangat ng lalaki yung ulo niya at nilingon kami at napatingin ito kay Shakira at kita kong nagulat naman ito nang makita ang magiging boss namin at napangiti naman si Denz.
“Hanz. Ikaw pala ang ma-gi-ging boss namin!” gulat na bungad ni Shakira sa Boss namin.
“Hi! Kuya Hanz!” masayang pagbati naman ni Denz sa magiging Boss namin.
“Yehp!” nakangiting sambit ng Boss namin kay best. “Hello! Baby Denz!” pagbati naman niya kay Denz.
“Kailan kapa nagkaroon ng restobar malapit sa school?” hindi makapaniwalang sambit ni Shakira sa Boss namin.
Agad itong tumayo sa kinauupuan niya at nilapitan kami.
“Actually alam ito nila Alvin dahil gusto ko talaga mag hundle ng business katulad nito.” sagot nito kay Shakira.
Nagulat naman ako nang napatingin sa akin yung gwapo’t matangkad naming Boss na may suot na anti-radiation glass na kulay black.
“Teka?... ‘Di ba ikaw yung newbie na angelic face na bagong pasok nung lunes?!” tanong nito sa akin.
“Ako nga po, pero grabe naman po sa angelic face!” nahihiyang sambit ko at napakamot ng batok.
“Hindi mo ba alam na famous kana agad sa school dahil diyan sa ganda mo.” sabi niya sa akin na nagpa init ng pisngi ko.
“Hindi ko naman po ginusto na maging famous e.” nahihiyang sambit ko.
“Kahit hindi mo gusto ay mangyayari dahil sa Angelic face mo.” sabi niya sa akin.
“Baka ate Tin ko ‘yan! Gandang natural wala halong kemikal!” pilyang sambit naman ni Denz.
“Denz!” saway ko rito.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE
FanfictionMay isang prinsipe na ubod ng gwapo at pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan but even though many woman like him, he is not interested in them. Because the prince believes that he will also find his soulmate that he has been wanting to see for a...