♣︎CHAPTER TEN♣︎

10 2 0
                                    

Cristine’s POV

Dahil sa hirap ng pagiging working student ay naki usap kaming tatlo nila best at Denz kay Hanz na kapag walang pasok na lang kami pumasok sa resto bar at mag focus sa mga activities kapag araw ng pasok lang.

Gabi ng miyerkules ngayon at naglalakad ako pa uwi galing trabaho..

Ang kasi ang sched ng pasok namin ay MWF at sa trabaho naman ay TTHS at kapag linggo ay free time namin.

BACK TO REALITY

Habang naglalakad ako ay bigla kong na isip na isang buwan at kalahati na pala nang lumapit ako dito sa school.

Ang daming nangyari magandang pangyayari sa buhay ko, syempre dahil marami ako nakikilalang mga bagong tao at nagkaroon ng maraming kaibigan.

Pero syempre nakakalungkot pa rin kasi malayo ako sa pamilya ko, at dahil sa sobrang busy ko sa schoolworks ko ay bihira lang ako makapag video call sa kanila.

Change topic naman, hindi ko nga pala kasama ngayon umuwi sila Shakira at Denz ngayon dahil parehas silang may pinagkaka-abalahan na group activities ngayon kaya nag paalam muna sila kay Hanz na wag muna pumasok ngayong araw.

Habang naglalakad ako ay bigla na lang akong napahinto nang maramdaman kong may pwersa akong kakaibang na ramdaman sa puso ko.

Agad akong napahawak sa dib-dib ko at kasabay non ang pag kalabog nito nang mabilis. Para kasing may hindi magandang mangyayari.

“Teka? Sa panaginip ko lang ito nararamdaman, ha?!” sambit ko.

Totoo naman kasi, sa panaginip ko lang kasi ito nararamdaman.

*Growwll!*

Bigla akong kinilabutan dahil sa nakakatakot na ungol na narinig ko.

“Grroowwwll!!

Mas lalong nag tayuan ang balahibo ko ng marinig ko sa likuran ko yung nakakatakot na ungal na ‘yun.

Kaya marahan akong napatingin sa likuran ko at nanlaki na lang yung mata ko, at kinilabutan ako nang makita yung malaking asong itim na may mapupulang mata at nanlilisik ang tingin sa akin at tumutulo pa ang laway nito habang nakatingin sa akin.

“Tsu-tsu-tsu… Mabait ‘yan.” pagpapahinahon ko dito.

*Groowww!l!! ” malakas na ungal nito na animo’y gusto akong lapain

Kaya walang atubili akong tumakbo. Habang tumatakbo ako ay pakiramdam ko ay hinahabol pa rin ako nito kaya mas binilisan ko ang pag takbo ko. At habang binibilisan ko ang pagtakbo ko ay napatingin ako sa gilid ko at na unahan ako nito sa pagtakbo.

Lalapain na sana ako nito nang bigla akong umilag at tumama ito sa may malaking bato. Kaya agad kong ipinag patuloy ang pagtakbo ko dahil baka sakmalin at pagpira-pirasuhin ako ng halimaw na aso na ‘yun.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong hinahabol ulit ako nito, kaya itinuon ko na ang atensyon ko sa kalsadang tinatakbuhan ko.

Dahil sa sobrang takot ko ay hindi ko na napigilang umiyak.

“Lord!... Please, ayoko pang mamatay!” umiiyak kong sambit habang tumatakbo.

Nararamdaman ko na rin pagod ang paa ko sa pagtakbo. Kaya nang makatawid ako sa kalsada na dinadaan ng mga sasakyan ay na dapa ako sa kalagitnaan non.

Pero mabuti na lang ay walang mga sasakyang dumadaan, pero nakita ko yung halimaw na asong humahabol sa akin ay papalapit na sa akin.

Lalapain na sana ako nito dahil tumalon na ito papunta sa akin kaya agad akong napapikit.

LOOKING FOR MY SOULMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon