Zion’s POV
PANSAMANTALA ako ngayon guma-gawa ng assignment ko sa iba pang activities kasi hinahabol ko yung week na absent ako.
Okay lang naman sa akin mag cramming tutal naman mabilis ko lang naman ma-ha-habol yung mga activities.
Makalipas ng ilang oras na cramming ko na halos umabot na ng gabi, napatingin ako sa alarm clock ko sa malapit sa lamp shade ko.
“7:30pm na pala.” sambit ko at inunat yung dalawang braso ko.
Kaya agad ko kinuha yung phone ko para ayun naman ang gamitin ko, agad akong tumayo sa rolling chair ko at humilata sa malambot kong kama.
Bahagya akong napatulala sa kisame at bigla kong na alala yung soulmate ko na napanaginipan ko bago magpasukan.
Paano ko kaya siya ma-ha-hanap, kung maski pangalan niya ay hindi ko alam?
Kaya agad ko na binuksan ang Facebook ko at nag scroll scroll, at napapa-iling na lang ako sa mga horny posting nila Jake at Jusper sa dump acc nila.
May dump acc kasi sila na hindi alam ng mga girlfriend nila, means pang landi nila. Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi sa dalawang ‘yun i-su-sumbong ko sila sa mga girlfriend nila.
Mabuti pa sila Jack, Mark, Dave, Justin ay na paka loyal nila sa mga girlfriend nila dahil soulmate talaga nila ‘yun, itong dalawa.
Ewan ko ba, kailan ba sila titino. Nahanap na nga nila soulmate nila pero wala silang kakuntentuhan sa mga girlfriend nila kahit na maganda at sexy na yung mga ito.
Sa kalagitnaan ng pag scroll ko ay bigla kong nakita yung bagong post lang ni Shakira na picture nilang dalawa ng bestfriend niya na newbie sa school na famous agad dahil sa sobrang ganda.
Parehas silang dalawa ni Shakira na literal na maganda dahil kahit walang make-up na-ki-kita mo yung ganda nila at napaka attractive nila. Pero nang makita ko sa personal yung bestfriend niya ay hindi ko siya maikumpara kay Shakira kasi yung ganda niya ay hindi mo ma-explain, kaya hindi na ako mag-ta-taka kung angelic face ang bansag sa kanya sa school.
Sabi sa caption ni Shakira sa post niya.
(My beautifu Princess Angel ko, My Swetie Love)
Nasa 500 react dahil naka public ang post niya at lahat ng kaibigan ko naka react sa post niya, yung dalawa kong kumag na pinsan na babaero ay bida-bida sa socmed.
Agad ako nag comment sa post ni Shakira at minention yung dalawa.
[Pasensya ka na Shakira, bida-bida na naman yung dalawa kong kumag na pinsan. Dinaig pa nila si Jolibee] comment ko.
Mabilis naman na nag react yung dalawa kasama si Shakira ng Haha react, tapos nag comment na silang dalawa sa comment ko.
[Grabe ka cuz, hindi mo na ba kami Love] Jake reply to my comment.
[Kinahihiya ko kayo.] Reply ko sa comment ni Jake.
[Pakiss po] Jusper reply to my comment.
Nag comment naman si Shakira.
[Wag kang mag-alala pinagtiti-isan ko na rin naman yang dalawang ‘yan] Shakira reply to my comment.Agad naman akong nag Haha react pati na yung dalawang kumag.
Dahil nakamention yung pangalan ni Cristine sa post ni Shakira ay na curious ako at pinindot ang acc nito at bumungad sa akin yung acc niya.
Bumungad agad sa akin yung maganda niyang profile pic na naka focus lang sa mukha niya.
Naka agaw pansin sa akin yung bio niya na nakasulat na. “I’m not interested to playful relationship because I’m willing to find and achieve my dream forever relationship I’m waiting for my Soulmate.” napangiti ako ng bahagya sa bio niya dahil halata namang hindi siya katulad ng babaeng mga luma-landi sa akin sa school, mga magaganda nga pero ma-la-landi naman dahil handang kalimutan ang dignidad nila makuha lang yung lalaking gusto nila. Nakakahiya at nakakadiri sila.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE
FanficMay isang prinsipe na ubod ng gwapo at pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan but even though many woman like him, he is not interested in them. Because the prince believes that he will also find his soulmate that he has been wanting to see for a...