Akala ko.
Tatlong araw na ang lumipas, matapos ang huling pag-uusap namin ni James. Masaya na sana, binawi pa ulit ni Tadhana.
Bakit ba napakadaya ni Kupido! Papana nalang eh, sa maling tao pa! Ayan tuloy hirap na hirap ako ngayon.
Nakatulala ako sa bintana, tumingin ako sa labas. Sa lugar ko, kitang kita ko ang court. Maayos kong nakikita si James dito habang nag-ba-basketball sila.
"Nadz, nakatingin ka nanaman diyan?" Sabi ni Yassi sa akin, nagulat ako sa kanya kaya napatingin ako. Ngumiti lang ako ng pilit.
"Did he talked to you?" Sabi nya. Umiling ako bago tumingin ulit sa labas. Niyakap nya ako. "Ok lang yan, makakasama mo nanaman sya sa iisang bahay, magiging asawa mo na sya. Aren't you happy about that? You'll help him?" Sabi nya ng nakangiti.
Umiling ako. "Ayoko nun, ang sakit din pala. Hindi ba magmumukha akong rebound doon?" Sabi ko bago tumingin sa kanya. Nag-isip sya bago umayos ng upo. Tumingin sya sa kisame. Bago dahan-dahang nagkibit-balikat.
Tumawa ako. Akala ko naman may isasagot sya. Wala rin pala, kasi parehas kami. Hindi namin alam kung ang kalalabasan nito ay magiging rebound ako.
"Hayss... Wag na natin isipin yan. Let's just enjoy this day, wala ang dalawang prof natin sa dalawang sunod na subject. Let's go to the mall. I need to go to the parlor." Sabi nya ng nakangiti. Tumango ako at nagpahila na sa kanya.
"I brought my car." Sabi ko ng nakangiti. Yup, I finally got my car. Kahapon ko lang sya nakuha from Papa. Huminto kami. Tumingin si Yassi sakin.
"That's good!" Sabi nya bago ako hinila pa ulit. Pero malas ko ngayon. Kailangan dumaan ng court bago makarating sa parking. Dahilan para tumingin ako kay James at ganun din sya sa akin. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi kaya tumango ako.
Hindi ko naman inaasahan na muntik na akong matamaan ng bola dahil sa pag-tungo ko. Buti hindi sa ulo ko tumama. At napadaan lang ito sa unahan ko. Buti rin na lumayo si Yassi sa akin.
"Damn! Who threw that ball?!" Narinig kong sigaw ni James. Napatingin ako sa mga naglalaro. Pati kay James nakita ko ang pagtiim ng bagang nya.
Tinuro nila ang team captain ng kalarong team nila James. Lumapit agad si James dito at kinuwelyohan. "Fvck you, what will you do kung natamaan sya nun?! Ano!" Sabi nya. Kinilabutan ako dahil sa lakas ng boses nya. Ramdam ko ang galit nya.
"J-james!" Sabi ko kahit natatakot na ako. "Stop that, please. Hindi naman ako natamaan, let it go please?" Sabi ko bago lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nyang hawak parin ang damit ng lalaki.
Unti-unti syang bumitaw. Tumingin sya sa akin bago tumalikod. "Fvck!" Narinig kong sabi nya habang naglalakad sya palayo.
"Sorry." Sabi sa akin ng lalaking muntik na akong matamaan. "It's alright. No harm done." Sabi ko bago ngumiti. Tumango sya bago nilahad ang kamay. "Eden. Eden Rustan." Sabi nya. "Nadine. Nadine Lustre." Sabi ko bago inabot ang kamay nya.
Nagulat nalang ako ng may humila sa akin palayo kay Eden. "Let's go!" Sabi nya. Boses palang alam ko na si James iyon. Nakita kong nakatingin lang si Yassi sa amin. Nilabas ko ang phone ko bago pinakita sa kanya. Nagets nya naman iyon kaya tumango tango nalang sya.
"James, let go." Sabi ko. Malapit na kami sa parking lot. At alam ko din papunta kami sa kotse nya. Hinigpitan nya pa lalo ang hawak sakin. "God! James! Bitaw!" Sabi ko bago ako nagpumiglas.
Nasa tapat na kami ng kotse nya ng binitawan nya ako. Hinawakan ko ang parteng hinawakan nya ng mahigpit. Mamumula ito. Tinignan ko sya ng masama. "Ano bang problema mo?" Sabi ko bago sya nilapitan. Tinignan nya lamang ako bago ako hinila at pinapasok sa sasakyan nya.
"Ano ba!" Sabi ko kahit nasa loob na ako. Mabilis syang nakapunta sa driver's seat. He started the engine, and in just 5 minutes we're at a wedding boutique. Gowns and coats were everypart of the place.
I felt a slight happiness looking at it. "Why are we here?" I said looking at him. He just ignored me, then he entered the boutique and left me standing outside.
Nakita ko sina Mama at Papa. Pati ang mga magulang ni James. They're all here. "Oh, James and Nadine. Buti at nandito na kayo. Pumili na kayo ng makapagsukat na." Sabi nila ng nakangiti.
Tumango lang ako bago naglakad lakad at naghanap ng gown. Matapos ang ilang minuto na kakita ako ng isang simpleng tube style gown. May floral na design. Mahaba ito at may coronang kasama sa veil.
Nag-proceed kami sa pagsusukat and they were amaze because of my gown. I really love this. "Oh my! Nadine, ang ganda ganda mo!" Sabi nila Mama at Tita sa akin. Ngumiti lang ako at napalingon ako sa lalaking naka white coat at nakaupo sa couch at naghihintay. Nakatingin lang sya sa akin na parang sinusuri ako. Nailang ako kaya sa ibang lugar ako tumingin.
Pilit kong iniwasan ang titig nya. Pero parang darts iyon na tumutusok sa akin, dahil maya't maya napapatingin din ako sa kanya. Pinicturan kami nila Mama at Tita. Masayang masaya sila. Pati ako. Pero tanging si James lang ata ang walang emosyon na pinapakita sa araw at mga oras na to. Nalungkot ako sa ideyang iyon.
Papunta na kami sa Prenup Pictorial. Nasa sasakyan ako ni James. Nakarating kami doon at nag-start ang pictorial. Napakadaming pinakuha ni Mama at Tita. Halos lahat at gusto nila kunin. Pero syempre pumili ako ng mga lima. And the rest pinaubaya ko na kay Mama.
Tanging iisang picture lang ako ang pina-doble ko ng develop. Yun ang ang picture namin ni James na magkatapat ang noo namin. Habang ang mga kamay ko'y nakahawak sa batok nya. Ang dalawang kamay naman nya'y nasa bewang ko. Maganda din ang background, sunset namin sya kinuhanan. Sobrang ganda noon sa paningin ko. Ilalagay ko iyon sa frame at gagawing kuhanan ng lakas everytime na ma-do-down ako.
Natapos kami kumain ng 6pm. Sa sasakyan parin ako ni James sumabay. Ihahatid nya ako sa bahay. Pero hindi ko napansing iba pala ang tinatahak naming daan.
Nakarating kami sa Town Plaza. Nakita ko ang makulay na fountain sa gitna kaya lumapit ako doon at nanuod sa dancing fountain na iyon.
Nagulat ako ng hilahin ako ni James sa medyo dulong parte, kokonte ang tao doon. Nagbibigay liwanag doon ay ang poste ng ilaw. Pati narin ang buwan.
"Ano ba, James. Ano ba talaga problema mo? Kanina ka pa eh." Sabi ko ng binitawan nya ako habang nakaharap sya sa akin.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko." Sabi nya sa akin. Nakita ko ang pagtiim ng bagang nya. Nagulat ako doon. Ako? Ako ang dahilan?
"Bakit naman ako? Ano bang ginawa ko sayo?" Sabi ko bago lumayo ng unti sa kanya. "You're making me mad. Why make friends with that guy?" Sabi nya bago lumapit sa akin.
"Ano bang masama doon?" Sabi ko bago umatras ulit. "W-wait! Are you jealous? Tsaka sa pagkakaalam ko. Buhay ko to. Not yours. Sa pagkakaalam ko rin, hindi ako ang mahal mo, so why get jealous." Sabi ko bago tumingin sa mata nyang nakatitig sa akin.
"I'm not jealous." Sabi nya. Agad kumirot ang puso ko sa narinig ko. "Then mind ypur own business." Sabi ko bago tumalikod sa kanya. "I can't! Damn it!" Sabi nya. Bago ako hinila papunta sa kanya.
At ang sunod kong naramdaman ay ang labi nya sa labi ko. Agad na nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Pati narin sa mata nyang nakapikit.
Lumayo agad ako sa kanya. "Why did you do that?!" Sabi ko bago kinagat ang labi ko. "I'm mad at you. Seeing you smiling at the other guy makes me mad. Akala ko ba ako ang mahal mo? Why smile at them?" Sabi nya bago hinawakan ako sa bewang.
Napaigtad ako at nakaramdam ako ng kilabot matapos nyang gawin iyon.
James.
Why are you doing this to me?
BINABASA MO ANG
The battle for his Love. (JaDine Fanfic).
FanfictionCOMPLETED. UNEDITED. Ilan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Ilan ang kaya mong gawin para sa kanya? Ilan ang kaya mong i-suffer para sa ikasasaya nya? Loving the person who can't love you back is so hard. Pain eating your whole heart...