Dedicated to: candytastic Hi! Thanks sa comment mo :D
Birthday Surprise.
Maaga akong nagising, nag-ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto at bumaba.
"Good Morning, Baby! Happy Birthday!" Sabi ni Mama at Papa sa akin bago hinalikan ang pisngi ko.
"Picture, baby." Sabi nila bago nilabas ang camera. "Smile." Sabi nila bago kami ngumiti at narinig ko ang pag-click ng camera.
"Ready ka na ba para mamaya? Engrade dapat ang birthday mo. You're our only daughter. Pinakuha ko na ung gown mo for later. And syempre dahil 21 ka na, bongga ito at may surprise!" Sabi ni Mama ng naka ngiti.
Ngumiti din ako bago tumango. "Mama, punta lang po ako, sa Mall. Papa-parlor po ako at papa-spa." Sabi ko.
"Sige, anak. Basta kailangan nandito ka na before 4pm." Sabi sakin ni Mama. Tumango ako at ngumiti. "Buy anything you want." Sabi ni Mama at Papa bago ako hinalikan.
"Thank you. Ma and Pa." Sabi ko bago kinuha ang susi ng kotse ko at wallet. Palabas ako ng bahay ng mag-ring ang cellphone ko.
Yassi Calling...
"Nadz, Happy Birthday!" Sabi nya. Napatawa ako. "Yas, kita tayo sa mall." Sabi ko bago nagpaalam at pinutol ang tawag.
9: 30am dumating ako ng mall. Dumiretso ako sa Starbucks. Doon nakita ko si Yassi na nainom ng Frappé. "Yassi." Sabi ko at humalik sa pisngi nya.
"Nadz, ano tara na? San muna tayo? Parlor? Spa?" Sabi nya ng nakangiti.
"NBS. Haha!" Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya bago tumango.
Dumiretso kami ng National Bookstore. I love reading books. Kaya bumili ako ng isang book. 'Fangirl by Rainbow Rowell'. Ginamit ko ang credit card ko na sila Papa ang nagbabayad. Binigyan nila ako ng ganito para daw hindi ko na kailangan humingi ng humingi sa kanila ng pera tuwing may projects or sa mga gusto kong bilin.
Pagtapos namin sa NBS. Dumiretso kami sa parlor. Nagpa-trim ako ng buhok at nagpa- hair spa na din.
Matapos sa parlor nagpunta naman kami sa Spa. In-enjoy namin ni Yassi ang oras na nasa spa kami.
Umuwi kami ng 4pm. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa bahay nakita ko na agad ang Make-up artist na mag-ma-make up sakin.
"Hi, baby. Did you enjoy yourselves?" Sabi nya samin ni Yassi. "Yes, Ma." "Yes po, tita." Sabi namin ni Yassi. Ngumiti si Mama.
"Nak, nasa kwarto mo ang gown mo. Yassi, yung sayo nasa guest room." Sabi nya. Tumango kami ni Yassi. "Ma, naliligo muna po ako." Sabi ko. "Ako din po." Sabi naman ni Yassi. Tumango si Mama at pinaakyat na kami.
6pm ang party. Kaya pinaayusan kami ni Mama ng bongga. Dahil daw birthday ko. Maganda daw ang surprise nila.
*knock**knock*
"Nadz? Papasok ako ha." Sabi ni Yassi. "Sige." Sabi ko habang nakatingin sa salamin. Naayusan na ako at tinitignan ko nalang ang itsura ko sa salamin.
"Nadz. Alam ba ng parents mo na gusto mo si James?" Sabi ni Yassi. Habang nakatayo sa likod ko. Humarap ako sa kanya.
"Yea. Is there a problem?" Sabi ko. Umiling si Yassi bago ako niyakap. "Just enjoy your night, your birthday." Sabi nya ng nakangiti.
Tumango ako sa kanya at lumabas na kami para pumunta sa venue.
Unang bumaba ng kotse sila Mama at Papa. Lumabas na din si Yassi. Matapos ang ilang minuto tinawag ang ng coordinator para sa entrance ko.
Pinaakyat nya ako ng hagdan, sa pther side ng venue. Sa walang tao. Nasa second floor kami at napangiti ako ng makita ang tao.
"Let's all welcome, our birthday celebrant. The star tonight. Miss Nadine Lustre!" Sabi ng MC. Nagsimula na akong bumaba.
Tatlong baitang nalang at maaabot ko na ang dulo. Pero kamalasan ko sa sarili kong kaarawan. Nadapa ako. Niready ko na ang sarili ko sa sakit na mararamdaman ko. Pati narin ang sigaw na maririnig ko mula sa mga bisita.
Pero wala. Walang sakit. Tanging pagsinghap ng tao ang narinig ko. Naramdamam ko ang mga braso na nakapumupot sa bewang ko.
"Let's all welcome, Miss Nadine Lustre and her escort. James Reid." Sa puntong iyon hindi ko alam pero bigla nalang akong napaayos nga tayo at napatingin sa taong naka-maskara sa harap ko.
"J-james?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Hinubad nya ang maskara nya. Tumingin sya sakin. Nanghina ang tuhod ko dahil sa ekspresyong pinakita nya.
Isang malungkot at nasasaktan na James. Namumutla ang kanyang mukha, kita mo rin sa mukha nito na hindi maayos ang tulog nya, hindi din masyadong mapula ang labi nya, at ang nagbigay ng sakit sa akin ay ang mga mata nyang matamlay. Para syang walang buhay.
Ngumiti ako ng pilit. Napatingin ako sa mga bisita.
Why of all the times that this could happen sa mismong birthday ko pa? Hindi ba pwedeng pagtapos nalang ng birthday ko.Dapat masaya ako ngayon diba? Dapat masaya lahat para sakin. Pero bakit, bakit James? Bakit ang lungkot mo. Bakit mo binibigay sa aking ang ekspresyong ganyan. Nagmumukha kang walang laban. Hindi ka na ung dati na maayos, ung cold pero may buhay. Ngayon wala.
Ang sakit kasi sa mismong kaarawan ko pa, naisipan ni Andrea na iwan ka.
Sana ako nalang....Lumapit ako kay James at hinaplos ang mukha nya. "Stop giving me that expression, nasasaktan ako." Sabi ko ng pabulong bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa stage.
Alam ni James, alam nyang mahal ko sya. Alam nyang kaya kong gumawa ng mga bagay na hindi nya kayang gawin para sa akin. At yun ay ang mahalin sya ng buo.
Kinuha ko ang mic mula sa MC. "Hello po, please enjoy the night. Salamat sa pagdalo nyong lahat. Hindi nyo po alam kung gaano... Kung gaano ako kasaya na dumalo kayo at nandito para magcelebrate kasama ko. Thank you po ulit." Sabi ko. Bago ko narinig ang palakpakan ng mga bisita. Binalik ko na ang mic. Nag-excuse ako na pupunta ng cr.
Pumasok ako ng cr at tumitig sa aking sarili. Naalala ko nanaman ang mukha ni James na malungkot. Parang pinapatay ang puso ko sa sakit.
Pinigilan ko ang luhang nagbabanyang lumabas sa aking mata. "Tama na, Nadine. Hindi ba dapat matuwa ka. Kasi ngayon pwede mo ng gawin ang mga nais mong gawin. Ang mga nais mong iparamdam, mapaparamdam mo na. Malaya ka nang ipakita ang iyong pagmamahal, para kay..." Napatigil ako.
"P-para kay James." Sabi ko bago lumandas ang isang patak mula sa mata ko. Pinahid ko ito ng dahan dahan. Buti nalang nakayuko ako kaya hindi masyadong nasirang ang aking make-up.
Lumabas ako ng mahimasmasan na ako. Narinig ko ang boses ni Mama mula sa speaker.
"I would like to tell to all of you na ang anak namin na si Nadine ay ma-e-engage na." Pagkasabi ni Mama nun. Agad akong ginapang ng kaba.
"Please all welcome again, Nadine." Sabi ni Mama. Lumapit ako sa kanya at ngumit ng pilit. "Anak, this is for you." Bulong ni Mama. Ngumit lang ako.
"And please welcome her, soon to be fiancé." Sabi ni Mama habang nakatingin sa mga bisita.
"James Reid."
BINABASA MO ANG
The battle for his Love. (JaDine Fanfic).
FanfictionCOMPLETED. UNEDITED. Ilan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Ilan ang kaya mong gawin para sa kanya? Ilan ang kaya mong i-suffer para sa ikasasaya nya? Loving the person who can't love you back is so hard. Pain eating your whole heart...