Epilogue

3.1K 96 63
                                    

Thank you sa lahat lahat ng sumuporta ng story na to. Etong storya na to ang unang nagpaiyak sa akin habang tinatype ko sya.

I request everyone. To play, the song Still into you by paramore. Please listen to it. And choose the acoustic cover of that song.

Enjoy reading, sorry to give you a sad ending. This is just a FANFICTION anyway, none of this will happen in the real life so chill, readers.
______________________________

One month later.

Laking pasalamat ko sa panginoon dahil isang buwan na ang lumipas pero kasama ko parin si James. Nakakatuwang isipin na, dalawang buwan ko ng dala-dala ang anghel namin

"Nadine, let's go." Sabi nya bago ako inalalayan. Papunta kami ngayon sa isang private resort nila James. Nakating kami doon ng bandang tanghali. Masaya akong nagpalit ng damit. Maliligo daw kami ni James.

Maliligo na sana kami pero pinauna nya ako. "I want to take picture of you. I'll be just here. Go enjoy yourself." sabi nya ng nakangiti. Tumango ako ayaw kong pilitin si James. Ayokong napapagod sya or mahirapan.

Naligo ako pero bawat ahon ko napapatingin ako sa kanya at napapangiti. Natapos akong maligo. Binalutan nya ako ng tuwalya. Pinakita nya sa akin ang mga kuha nya. Hindi pa ganoon kalaki ang tyan ko pero still there's a little bump in my tummy.

Hinaplos ni James ang tyan ko. Hinalikan nya iyon. "Be a good baby, ok don't hurt mommy." Sabi nya bago ako hinalikan at niyakap. Dinaka nya na ako sa loob ng rest house.

Pinagluto ako ni James ng pagkain. Natuwa ako doon. "I love you." Sabi nya bago ngumiti. Ngumiti ako bago sumagot. "I love you too." Hinalikan ko ang labi nya bago kami nahiga at nagpahinga.

Bandang 5pm lumabas kami. Naglakad-lakad sa dalampasigan papalubod na ang araw. Naupo kami sa kawayang upuan sa gitna, kitang kita dito ang araw na palubog. I can feel my heart sinking, dahil sa ganda ng nakikita ko.

Pinagsaklob ni James ang kamay namin. Ngumiti ako bago pinatong ang ulo ko sa balikat nya. Pinatong nya naman ang ulo nya sa ulo ko. "Take care of yourself, wifey. Always remember, that I'll be guiding you always. Take care of our baby. Thank you for coming back into my life. Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful sa pagbabalik mo. I-i love you... So much." Sabi nya. "I love you too so much. I'll promise to take care of our baby. Alam ko din babantayan mo kami. Niyakap ko sya bago bumalik sa position namin. Hawak nya parin ang kamay ko.

Kitang kita ko ang paglubog ng araw konti nalang ang kitang araw, kulay orange na rin ang paligid. Ninanamnam ko ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, ang posisyon namin pero nagulat ako ng bumagsak ang ulo nya sa aking hita.

Wala na din ang higpit ng hawak nya sa aking kamay. Agad akong nanlamig. "James..." Tinapik ko ang kanyang pisngi, bago ko niyugyog ang katawan nya. "James! Hey! Wake up! Hindi to nakakatuwa!" Naramdaman ko na ang luha sa aking mata. Umaagos na iyon, umiling iling ako. No, hindi... Hindi nya ako iiwan yun ang sabi nya. Why now?!

Sumigaw ako habang natulo ang luha ko! "Hindi! Hindi! James! Gising parang awa ko na! Hindi pa ngayon! Kailangan pa kita..." Umalingawngaw ang iyak at sigaw ko sa lugar na iyon. Nagulat ako ng may yumakap sa akin. "Mama..." Ngumawa ako kay Mama. "Mama, si James... Mama, iniwan nya na kami." Naiyak akong tumingin kay Mama.

Niyakap nya ako at hinalikan ang aking noo. "Anak, wag kang umiyak ayaw ni James na nalulungkot ka makakasama sa anak nyo yan." Umiling ako. "Mama, ang sakit iniwan ako ng taong mahal ko. Ang sakit sakit." Sabi ko bago umiyak pa lalo.

Binurol si James sa bahay namin. Maraming mga kaklase namin noon ang nakiramay sa akin. Hindi ko na makilala ang sarili ko noon, namayat ako. "Anak, kumain ka... Hindi makakabuti sa iyon yan, yung anak nyo." Sabi ni Mama. Hindi ko sya sinagot. Tinignan ko ang kabaong ni James. Nakapikit sya at kung titignan para lang syang natutulog.

Patulog na ako ng 12 midnight. Kailangan ko parin magpahinga.

"Nadine, bakit mo pinababayaan ang anak natin. Hindi ko kayo iniwan para maging ganito ka. Wag mo na akong alalahanin. Nandito lang ako para bantayan kayo. I love you so much... Alagaan mo ang sarili mo please. Pati ang anak natin."

Nagising ako, pawisan. "James..." agad akong bumangon. Nagluto ng pagkain bago kumain. Binusog ko ang sarili ko bago uminom ng gamot. Para kay James at sa anak namin.

Dumating ang araw ng libing ni James. Tahimik lang akong nakaupo. Hinimas ko ang tyan ko. Aalagaan ko sarili ko. "Nadine, meron kaming nais ipanood sayo." Tumingin ako sa nagsabi noon. Nag-play ang video. Si James iyon.

"Hi baby. I just want to say four things. First, Thank you. Thank you for coming in to my life again, you and our little angel is a blessing to me. Second, Take Care. Take care of yourself and specially our baby. I don't when will God get me. But I promise to guid and protect you even though I'm there." Tinuro nya ang taas. Naiyak ako. How can he pretend that he's happy even though it feels so sad.

"Third, I'm sorry. Sorry didn't take care of myself that well. I'm sorry, that i ended having sickness. I'm sorry I didn't tell you about everything. I'm so sorry, wifey. I'm so sorry, my angel." Sabi nya bago tumango at pinunasan ang luha nya. "Lastly, I love you, Nadine. I'm really sorry. Gustong-gusto kong makasama ka ng matagal until we have many children running around our house. I love you so much, that it hurts so much thinking that I'll be leaving you." Sabi nya iyon bago ko nakita ang luha nyang umaagos na. It hurts too, seeing you crying.

Sa puntong iyon, nais ko syang mayakap muli, naiyak nanaman ako. Hindi ko na sya makikitang muli. Hindi ko kaya. Binuksan ang kabaong para magkaroon kmi ng last glance kay James. Pinatanggal ko ang salamin na harang. Hinaplos ko ang mukha nya. Tumulo ang luha ko sa mukha nya, agad kong pinahid iyon. "Hubby, I love you so much, I can't let go of you yet, can you please come back?" Sabi ko at humagulgol na. Dahan-dahan kong hinalikan ang labi nya. Hinila na ako ni Mama, tinakpan nila ang kabaong. Binababa na nila ang kabaong. Ang sakit, sakit. Umalis ang lahat naiwan akong nakaluhod sa tabi ng libingan ni James, lumuhod ako at umiyak muli. Tumingin ako sa langit bago niyakap ang litrato ni James.

James...

"Mom-y." Sabi sa akin ng anak namin. "Hi, Baby! Ang bango bango naman." Sabi ko bago hinalikan ang leeg nito. Nakiliti sya doon. Sya si James John Reid. Sinunod ko sa pangalan ng kanyang ama.

"Let's go, Baby punta na tayo kay Daddy." Sabi ko bago ngumiti. Binuhat ko sya at tinala ko ang gamit namin. Nag-drive ako papunta ng sementeryo. Lumabas kami at agad pumunta sa puntod ni James.

"Baby, say hi to Daddy. Hi daddy!" Sabi ko at ngumiti. Naglatag ako ng sapin at naupo kami doon ni Jj doon. "Baby, miss na natin si Daddy noh." Sabi ko, bago hinaplos ang lapida ni James. "James, eto na ang baby natin oh, ang kulit kulit nito. Madaldal din. Gustong-gusto nyang tumakbo, pero hindi ko maalalayan mabuti. Ok ka lang ba dyan? Mahal na mahal kita, we'll take care of ourselves. Bukas, ulit Hubby." Sabi ko bago nagsindi ng kandila.

"Let's go, Baby. Bye ka na kay Daddy." Sabi ko bago binuhat si Jj. "Bye, Daddy!" nagulat ako sa sinabi nya, buong buo ito. "Hubby, narinig mo ba iyon. Buong-buo yung pagkasabi nya ng Daddy." Sabi ko bago ngumiti. Hinalikan ko ang pisngi ng aming anak.

"Una na kami, Hubby." Sabi ko at umalis na kami ni Jj. Tumingin ako sa anak namin. Inistart ko ang sasakyan at tumingin muli sa gawi ng puntod ni James. Ngumiti ako bago kami umalis. I can still feel you here. James... Thank you, Hubby. See you, in heaven...

End

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon