Chapter 10

2.2K 95 1
                                    

A/N: I changed Edward's name to Ethan. ;) Happy Reading!
________________________________

Used

Akay-akay ko si Ethan papunta sa kotse. Kahit nabibigatan ako, pinilit ko paring buhatin sya. Nasa tapat na kami ng sasakyan binalak kong isakay sya sa passenger ngunit hinawi nya lang ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Umayos sya ng tayo bago bumaling sa akin.

"Give me the keys." Sabi nya sa malamig na tono. Hindi ko alam kung anong nagpagalaw sa akin para sundin ang sinabi nya. Nasasaktan ako sa pinakita nyang panlalamig. Boses palang iyon, pano na kaya kung gawa na? Kakayanin ko pa kaya?

Inabot ko sa kanya ang susi, kinuha nya iyon at binuksan ang kotse. Dire-diretso ito sa loob hanggang sa makaupo na sya sa driver's seat. Nanatili akong nakatingin sa kanya sa labas. Hindi man lang nya ako pinagbuksan ng pinto. Ano bang ikinagagalit mo?

"What are you waiting for? Get in. I'm tired, I want to sleep." Sabi nya habang lumabas saglit para sabihin iyon. Agad naman akong napabalik sa sarili ko. Habang naglalakad papunta sa passenger seat, papasok. Naramdaman ko ang mainit na patak ng luhang nagmula sa mata ko. Dali-dali ko iyong pinahid at umayos ng upo.

Mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan, nakarating agad kami sa condo. Lumabas na sya, lumabas na din ako at sinara nya na ang sasakyan. Dali-dali syang pumunta ng elevator. Nagpahuli ako dahil ayaw kong magalit pa sya lalo.

Nakarating kami ng unit ko at dire-diretso sya sa banyo. Napaupo lang ako sa kama at napatitig sa kawalan. Naramdaman ko nanaman ang sakit ng hindi mapansin. Uulit nanaman ba yung naranasan ko kay James? Ngayon kay Ethan naman?

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at paglabas ni Ethan. Nakapantulog na ito, sinabit nya ang tuwalya nya sa sabitan bago dire-diretso sa kama at nahiga. Sinundan ko lang ng tingin ang galaw nya. Nakatalikod ito sa akin.

Napabuntong hininga ako at naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Agad akong tumayo at pumunta ng banyo.

Lumabas ako at nakitang ganun parin ang ayos nya. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang malambot nyang buhok. Bago hinaplos ang makinis nyang pisngi. Hinaplos ko ang matangos nyang ilong bago napapikit nya mapatitig sa labi nyang mapula.

"I'm so sorry, for not telling you about James. I don't really want to tell it to you, cause his my beautiful nightmare." Sabi ko ng mahina. Alam kong hindi nya ako naririnig pero gusto ko parin syang kausapin.

"Would you believe me if I tell you that, you and James are alike? But to tell you honestly. I love you for being different. I love you because you're not James. I love you because you are Ethan." Sabi ko bago ko naramdaman ang luha ko. "I'm really sorry for not telling you my past. Again, I'm so sorry."

Tumayo ako bago pinahid ang luha ko. Humiga ako sa tabi ni Ethan at humarap sa likod nya. Naramdaman ko ang pakiramdam na parang nawasak yung puso ko. Kasi sa unang pagkakataon, nagalit sa akin si Ethan.

Natulog akong malungkot. Hindi ko alam pero ang bigat-bigat sa pakiramdam.

.............................................

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw, na tumama sa aking mata. Kinapa ko ang tabi ko at doon ko nalamang wala akong katabi. Bumangon ako at tumingin sa kabuoan ng kwarto ko, hinahanap ang presensya ni Ethan. Pero, wala.

Lumabas ako at nakita syang nakaupo sa sofa. Nakatulala sa TV, agad akong tumabi sa kanya at tumingin sa mukha nya.

"Ethan..." Sabi ko bago hinawakan ang braso nya. Nagulat sya doon kaya napatingin sya sa akin.

Agad nyang hinawi ang kamay ko. "Hey..." Sabi ko bago pinilit hawakan ang braso nya. Hinawi nya iyon bago tumayo at pinatay ang TV. Agad din akong tumayo at hinawakan muli ang braso nya.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon