Chapter 6

2.1K 88 0
                                    

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napabitaw ako sa hawak nya at pinalo ko ang kalieang balikat nya.

"Cut it out! Hindi ka nakakatuwa!" Sabi ko bago tumalikod at dumiretso sa pinto ng sasakyan ko. Wala akong narinig muka sa kanya. Kaya tuluyan na akong umalis. Tanging nakita ko sa side mirror ay nakatayo sya, gulat sa nangyari.

Dumiretso ako sa bahay. Kinausap ko sila Mama, tungkol sa kasal. Dumating narin daw ung gown ko. Wag na wag ko dae isusukat, dahil nasa pamahiin na iyon. Wala naman akong balak isukat iyon. Nasukat ko nanaman sya dati eh.

Nakatitig lang ako sa gown na nakapatong sa aking kama. Tinitigan ko iyon habang nakapamewang. Napangiti nalang ako bigla. Tomorrow, I'll become Mrs. Reid. I can feel all the nervousness now.

Ganito ba lahat ang pakiramdam? Excitement na may halong kaba? Hindi ata ako makakatulog nito. Hinawakan ko ang gown. Bago tumakbo sa walk-in-closet. Kumuha ako ng hanger at hinabit ang gown ko.

Maaga pa naman at naisipan ko makipagkwentuhan kay Yassi. Hindi ko na alam kung gaano kami katagak nagusap. Napagod lang kami sa pagkwe-kwentuhan ng sumilip si Mama sa kwarto ko at makita akong gising pa.

Nakahiga ako at nakatingin lang sa kisame. Imaginations starts to form inside my head. Happy moments. Imagining thing beforehand. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Nakangiti lang ako.

Nagulat ako ng magring ang cellphone ko. Only to found out that it was James who's calling. Sinagot ko agad ito.

"Hello?" Sabi ko. "H-hon...." Sabi nya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Yes." Sagot ko sa kanya. "I can't sleep." Sabi nya. "Am I bothering you?" Dagdag nya. "No, not really." Sabi ko habang ngumingiti at umiiling. "I just want to listen to your voice before I go to sleep." Sabi nya. "Can you sing? For me?" Dagdag nya. Nagisip agad ako ng kantang pwedeng kantahin.

Heto nanaman ako,
Nagaabang ng bago sa istorya ko.
Pauli-ulit na lang,
Paulit-ulit na lang.

Napasandal ako sa headboard ng kama. Ang sarap kantahin ng kanta, ramdam na ramdam ko sya.

Heto naman ako,
tinitignan kung sa'n nagkamali ang puso ko.
Parang walang katapusan,
Kahit pilitin pa ang sarili.
Ibigan ka mali, ako'y mali
Ako'y mali

Napapikit na ako habang kumakanta sa cellphone.

Paano ba ang magmahal,
Palagi bang nasasaktan.
Umiiyak nalang palagi,
Gusto ko nalang lumisan.

Paano ba ang magmahal,
Kailangan bang nasasaktan.
Lagi nalang di maaari,
Ngunit ayaw lumisan.

Huminga ako ng malalim. "Paano ba ang magmahal." Sabi ko ng pabulong. Narinig ko ang mahinang mura ni James.

"In the end please. Kahit paulit-ulit ka mang masaktan, promise me. You won't leave me." Sabi nya. Ngumiti ako ng pilit. "That depends, Hon. I won't promise anything." Sabi ko bago pinindot ang end call. Ang sakit.

That depends, James. Kung hanggang saan ang kayang itagal ng puso ko. Kung hanggang kelan ka nya mamahalin. Sana naman hindi umabot sa puntong kung kelan give up na ako sayo saka ka magkakagusto sa akin. Ayoko nun. Masakit.

Binalik ko ang cellphone ko sa side table, umayos ng higa at natulog.

*~~~~~~~~~~*

ANDREA

It's so good to be back. Makakasama ko lalo si James pag nandito ako, kesa nandun sa ibang bansa. Ang lungkot lungkot, ang hirap mangulila sa taong sobra mong mahal pero kailangan mong iwanan.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon