Chapter 9

2K 90 2
                                    

(I changed Edward's name to Ethan ;) Happy Reading!)
_________________________

Nanatili ang titig ko sa kanyang mukha. Those pair of twinkling eyes. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit sa akin ni Ethan.

"Babe, I'll just talk to my cousin. I'll be back." Sabi nya bago hinalikan ang noo ko. Tumango nalang ako pero ang mata ko nanatili kay James.

Sa mismong party ko, parang nawala ako sa wisyo. Ang akala kong magiging magandang gabi, nabago ng dahil lang sa isang taong nakasama ko sa nakaraan.

Pinilit kong ibalik ang sigla ko, pero wala na talaga. Kanina lang gusto kong tumakbo paalis ng lugar na to, magtago, lumayo at lisanin to. Hindi ko alam pero ng makita ko ang kabuboan nya, mas gusto ko ngayong lumapit sa kanya at kausapin sya.

Kamustahin sya tungkol sa buhay nya. Hindi man ako maging parte ng buhay nya pero gusto ko maging kaibigan man lang. Friend, at fiancé ng pinsan nya.

Nagulat nalang ako ng habang kausap ko ang mga bisita, na may humila sa akin. At nanlaki lalo ang aking makita ko ang mata na gustong-gusto ko muling titigan. Halos manlambot ang tuhod ko ng makita kong si James iyon.

"Come with me." Sabi nya. Hindi ako sumagot. "Excuse us." Sabi nya sa mga kausap ko. Ngumiti lang ako sa bisita, bago nilingon si James. Pero hindi pa ako nakakasalita, hinila nya na ako. Ewan ko ba sa sarili ko pero napasunod ako, ni wala man lang akong laban habang hinihila nya ako.

Nakarating kami sa tagong lugar ng venue. Hindi ko alam pero ang lakas ng kaba ko ng bitawan nya ako, nasa may balcony kami. Medyo madilim sa parteng ito at tanging ilaw ng buwan ang tanging liwanag.

Kinabahan ako ng pinasandal nya ako ngunit nilagay nya sa side ko ang dalawang kamay nya. Napapag-gitnaan ako ng kamay nya. Mas lalo tuloy lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Napaliyad na ako dahil ayaw kong malapit sya. Kung may makakita man ayaw kong masaktan si Ethan.

"It's been five years. Long time no see, Nadine." Sabi nya bago nag-smirk. Hindi ko alam pero napapikit ako ng marinig ang boses nya. How I miss his voice.

"L-long time no see, James." Sabi ko bago inayos ang pagsasalita ko. Kitang kita ko na ngayon ang buong sya. Ang mukha nya. Pinigilan ko ang sariling kong hawakan ang mga iyon. Pero wala akong laban sa sarili ko ngayon.

Hinawakan ko iyon bago pinaglapat ang noo namin. Pilit kong pinapakiramdaman kung meron pa ba akong nararamdaman para sa kanya. And I didn't expect the result would be like this.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng halikan nya ako sa labi. Doon ko napagtantong, meron pa akong konting nararamdaman para sa kanya pero hindi ko kailangan talikuran ang fiance ko. Dahil alam kong mahal ko sya. Kahit kamukha man nya si James. Hindi ko parin sya ipagpapalit dahil sobrang bait nya. He's willing to do anything for my own happiness.

Agad akong lumayo sa kanya. "Mali to, tama na. Y-yung pinsan mo. Mahal ko sya, ikakasal na nga kami eh." Sabi ko bago tumingin sa mata nya. "I'm over you. Can't you see? Can't you feel?" Sabi ko bago humakbang patalikod.

"Nadine, look... I've been waiting for you for five years. After that you'll show up with my cousin? And telling me you'll marry him?" Sabi nya bago humakbang palapit sa akin. "This is not what I expect. I could wait for you even for years, but why come back with this?" Sabi nya bago hinawakan ang kamay ko at hinaplos ang engagement ring ko.

"I was the one you should have married. But why did you left me?" Halos mahina na ang boses nya at nakita ko ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa mata nya. "Why did you left me?"

Naramdaman ko nanaman ang sakit. Si Andrea, kung hindi ba sya nagpakita maayos kami? "Bakit hindi mo isisi sa sarili mo kung bakit ako umalis? Bakit kailangan mo pang tumigil at matulog kay Andrea? You're late, halos panghinaan na ako ng loob. Pati wedding coordinator ni hindi ka matawagan. Tapos nung ako ang tumawag talagang sinagot ba ni Andrea." Sabi ko bago ko naramadaman naiiyak na ako.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon