Chapter 7

2K 94 1
                                    

Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Nakita kong maliwanag na, napalingon ako sa tabi ko at nakitang wala na si James. Bumangon ako at inayos ang kama, lumabas ako ng kwarto upang makita si James pero tanging sticky note lamang ang aking nakita.

Nadine,

Eat first before you take a bath. Your clothes are placed at the center table, wear them and go straight home. See at the church later.

James.

Nang mabasa ko iyon doon ko lamang naalalang nasa condo ako ni James at wala ako sa bahay, na ngayon ang kasal naming at hindi pa ako nakakapaghanda. Napatakbo agad ako banyo at naligp, nagmadali akong magbihis at umuwi ng bahay.

Kitang-kita ko sa mukha ng mga magulang ko ang pag-aalala ng makarating ako ng bahay at makita ko silang aligagang palakad-lakad sa may sala. Narinig ko pa ang usapan nila.

"Naku! Baka dahil ito sa pagmamadali ni James, mali bang pinakasal natin ang ating anak kay James." Sabi ni Mama kay Papa bago hinawakan ang kanyang cellphone.

"Hindi naman siguro, pero paano kung lumayas nga si Nadine. Baka napano na sya." Sabi ni Papa bago hinaplos ang balikat ni Mama.

Ohhhh, how sweet... "Tatawagan ko na ang mga Reid, sasabihin kong hindi namatutuloy ito at hindi na ulit itutuloy." Sabi ni Mama bago kinalikot ang cellphone nya.

Patakbo akong lumapit sa kanila at hinablot ang cellphone ni Mama, "Hep! Hep! Mama, eto ako oh.." Sabi ko bago ngumiti sa kanila. "Wala akong balak umatras kaya please rest assured." Sabi ko bago sila niyakap. Napalaki ang mata nila ng makita ako.

"Naku bat aka! San ka ng ganiling?! Pinagalala mo kami ng Papa mo! Explain now." Sabi ni Mama bago humiwalay sa akin.

Ine-explain ko sa kanila ang lahat. Natuwa naman silang walang nangyaring masama sa akin, at masaya sila dahil nakitulog lang naman pala ako kay James. Akala kasi nila lalayas na ako.

3pm ang kasal namin ni James, ang expected lang na dadalo sa kasal na ito ay kami-kaming pamilya pati pamilya nila James. Sinama ko na din ang mga kaibigan kong kayang isikreto ang kasal namin. Ang ina-nnounce kasi naming date ng kasal ay pagtapos pa naming grumaduate. Mahigit isang taon pa ang bibilangin.

11am na sa orasan ko. Pinakain na ako ni Mama para daw makapaghanda ako ng maayos at hindi ako ma-rush. 2pm natapos ang pag-aayos sa akin, isang oras nalang ang aking papalipasin bago maganap ang pinakahihintay kong sandali.

Habang nakaupo ako sa kama, dumating ilan sa mga kaibigan kong inimbita ko, nagpic-picture kami pati na nila Mama at Papa. Doon ko lang naramdaman na gusto kong maiyak. Sa susunod na sandali lamang magiging Mrs. Reid na ako. Doon ko lang naramdamang masaya at malungkot din pala akong araw ng kasal.

Masaya dahil sa wakas, matatali ka na sa taong mahal mo. Malungkot dahil hindi ka na yung dating ikaw, hindi mo na magagawa yung mga dati mong ginagawa nung single ka pa. Kasi ngayon kailangan mong isipin ang mararamdaman ng asawa mo, kung anong masasabi nya, hihingi ka rin ng permiso sa mga gagawin mo. In short, kung dati isa ka lang na nagdedesisyon para sa sarili mo, ngayon, kailangan pati asawa mo... kayong dalawa.

Maluha-luha akong tumingin kela Mama at Papa doon ko din nakitang naiiyak na din sila. Pinilit kong hindi lumuha pero hindi ko talaga mapigilan. Hanggang sa dumating yung puntong nabura na ang aking make-up dahil sa kaiiyak.

Umalis na kami at nag-punta ng simabahan. Nagulat ako ng pumasok ang wedding coordinator sa loob ng sasakyan. "Bakit? May problema ba?" Tangi kong nasabi sa kanya.

"Kasi, Ms. Nadine.... Wala pa po yung groom." Sabi nya bago napakamot ng ulo. "Kanina ko pa po tinatawagan, tinetext. Pero wala po ni isang sagot at reply." Nanlamig ako sa sinabi nya.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon