Chapter 5

2.2K 100 2
                                    

VOTE COMMENT BE A FAN
______________________________

Nakatitig lamang sa akin si James. Hindi ko magawang magsalita, hindi ko masabi ang tanging mensahe na pinadala ni Andrea.

Naluha akong muli ng makita ko syang bumuntong hininga bago tinignan ang kamay ko, nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Tumingin syang muli sa akin bago dahan dahang kinuha ang kanyang cellphone.

"N-no." Yun lamang ang tangi kong nasabi. Umiling ako at nakita sa mata nya ang pagtatanong? Kumunot ang noo nya bago tumingin sa cellphone nyang tumunog muli. Sa puntong iyon, hindi ko alam ang tamang damdaming dapat kong maramdaman.

Nakita ko din ang pagkabigla ng makita nya ang mensahe, alam ko na. Sa puntong yon palang, alam nya nang si Andrea iyon. Parang gumuho ang mundo ng marinig ang malakas na tunog mula sa cellphone nyang binato nya ng pagkalakas lakas.

"Shit!" Yun lang ang tangi kong narinig. Isang malutong na mura bago sya lumabas ng aking kwarto. Napaluhod ako sa harap ng cellphone nyang wasak. She can still affect him. Parang puso ko ang cellphone na ito. Wasak din.

Lumabas ako ng bahay, para habulin si James. Kinuha ko ang susi ng aking kotse. I know he'll be at the joint. He'll let his self be druken by the beer.

Nakarating ako doon, at tama ang aking hinala. Nandito sya nakaupo sa may sofa. Dali dali akong lumapit sa kanya at inagaw ang alak na iniinom nya.

He glared at me. Pero nagulat sya ng ako ang makita. "Stop." Sabi ko with pleading eyes. Tinitigan nya lamang ako. "Umalis ka muna, gusto ko mapag-isa." Doon ako nakaramdam ng pakiramdam na kailangan ko talagang umalis. His word were marked with finality.
Doon ko narealized na everytime na magsalita sya ng tagalog, seryoso sya.

Lumapit ako sa tenga nya bago bumulong. "Stop, looking like that. Ang sakit." Sabi ko bago ako humalik sa pisngi nya at lumabas. Nasa parking ako, nakasandal sa hood ng sasakyan ko. I'll still wait. Baka hindi sya makapag-drive mamaya dahil sa pagkalasing.

~*~*~*~*~*~

Mahigit isang oras na ako dito sa labas. Nilalamok na ako at todo patay na ako at bugaw ng lamok. Pumasok muli ako sa bar. Pero malas naman, may nakabangga akong lalaki. Naamoy ko ang amoy ng alak sa kanya. Halos manginig ang sistema ko ng hawakan nya ang bewang ko bago ako hinila sa gitna.

Hindi ko napansin ang mukha nito. Pero ng makita ko ang ngiti nyang nakakaloko. Doon ko napagtanto na ang lalaking humablot sa akin ay si James. Nagulat ako ng halikan nya ako.

Hindi ko napigilang hindi masaktan sa ginawa nya. Ganito ba sya pag lasing? Kahit sino hinahalikan? Naramdaman ko ang maiinit na luhang nagsimulang pumatak mula sa mata ko. Humiwalay ako sa kanya at nagmamadaling pumunta ng kotse ko.

Tinawagan ko si Andre. Para may kasama si James, pauwi. Lumuluha akong umuwi sa bahay. Nakatulog ako habang may luha sa aking mata. Dala narin siguro ng pagod at lungkot.

**********

Apat na araw ang lumipas pero wala James na nagpakita sa akin. Tanging balita lang na sinabi sa akin ni Mama ay bukas na ang kasal namin ni James. Si James daw mismo ang kumausap sa kanila at nagpalipat ng araw. Sa loob ng apat na araw. Sobrang busy namin sa paghahanda. Sobra sobrang effort na nga ang in-exert namin para sa preparations. Pero hindi nakadalo si James ni-isang partisipasyon, wala.

Bukas na ang araw na pinakahihintay ko ang araw na magbabago ang lahat. Mula sa bahay, kama, at iba pa. Magbabago na din ang aking apelido. Ang apelidong dadalin ko hanggang sa di ko malamang araw.

Nagkaroon ng family dinner kami nila Mama at Mommy. Wala sa kanila ang aking atensyon kundi sa aking cellphone na tumutunog maya't maya. Unknown number naman. Nainis ako kaya pinatay ko ang cellphone ko. Nasisira lang lalo ang aking arae kung maiinis ako sa ganon.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon