Nanatili ang mata ko sa kanya. Kaya ko ba? Hinila nya ako paupo sa kama bago ako niyakap, sobrang higpit noon. Ang sarap sa pakiramdam, parang nawawala ang mga iniisip ko paunti-unti. Hinalikan nya ang noo ko bago ngumiti sa akin.
"Baba na tayo, baka hinahap na nila tayo." Tumango lang ako. Ang bilis nyang makaisip ng ibang sasabihin, pero kitang kita ko sa mata nyang may nais syang sabihin pero nag-aalinlangan sya.
Bumaba kami at dumiretso sa dining table. Hinila ni James ang uupuan ko bago ako pinaupo, umupo sya sa aking tabi at hinawakan ang kamay ko. Pinamulahan ako dahil baka nahalata ni Mama iyon. Ngumiti lang si Papa at Mama sa amin. Ngumiti lang ako bago tumingin kay James.
"Kain na tayo." Sabi ni Mama bago nagsimulang magsandok ng pagkain at kanin. Naramdaman ko ang pagbitaw ni James. Ngumiti lang sya bago kumuha ng pagkain at nilagyan ng pagkain ang aking plato. Masaya kaming kumain at nag-usap.
Si Papa at James ang maraming pinagusapan. Tungkol lahat sa business. Napapangiti lang ako pagnapapatingin si Mama sa akin. "James, bakit hindi mo nalang i-merge ang company mo at ang company ni Nadine. Hindi pa mahahandel iyon ni Nadine ngayon. Alam kong magiging malaking tulong ka sa kompanya nya. Do you agree with me, Nadz?" Sabi ni Papa bago tumingin at ngumiti sa akin. Tumingin ako kay James na nakatingin din sa akin.
"Are you fine with that?" Sabi nya. Tumango ako dahan-dahan, "Okay lang ba sayo?" Ako naman ang nagtanong. "It's all fine with me." Sabi nya. Pumalakpak si Mama at ng bumaling ako sa kanya kitang kita ko ang pagkislap ng mata nya. Tila tuwang-tuwa sya. Ngumiti ako bago tinuloy ang pagkain at matapos na.
Nag-offer si James na sya ang maghuhugas, una tumanggi si Mama pero in the end pumayag din sya. Nasa sala kami at nanunuod, sa tagal ni James nag-alala si Mama, "Anak, tignan mo nga muna si James, baka ano na nangyari doon. Ang tagal nya kasi." Tumango ako sa sinabi ni Mama bago pumunta ng kusina.
"James, bakit ang tagal mo dyan." Sabi ko bago hinanap sya. Nakita kong bukas ang gripo ng lababo, pero wala sya. Lumapit ako doon at isasarado sana ngunit napasigaw ako ng makita ko sya. "James!" Lumapit agad ako at nilagay ang ulo nya sa hita, "Hey!" Sabi ko bago tinapik-tapik ang kanyang pisngi. "Wake up!" Sigaw ko. "Anak? Bakit ka sumisigaw?" Narinig kong sabi ni Mama, "Ma, help si James. Dalin natin sya sa ospital." Agad tumakbo si Mama papunta kay Papa at binuhat nila si James papunta sa sasakyan. Nasa backseat kami at nakasandal ang ulo ni James sa balikat ko habang nakayap ako sa kanya.
Dinala si James sa E.R, kinausap ako ng doctor. "Kaano-ano nyo po ang pasyente." Iisa lang ang pumasok sa isip ko, "Fiancé po, ano po bang nangyari sa kanya?" Sabi ko. "Hindi ba nabanggit ng pasyente sa inyo ang sakit nya?" Halos naramdaman kong lumubog ang puso ko... What sakit? "A-ano pong sakit?" Sabi ko. "He has lung cancer... Stage three." Pagkasabi ng doktor noon pumayak agad ang luha sa aking mata. How? "P-paano po nangyari iyon?" Sabi ko. "The patient is a smoker. Five years ago, he was alcoholic and smoking hard. Hindi sya nakakakuha ng balanced diet, even exercise. Pumayat sya noon, at nadala na sya noon dito base sa data na nakita ko dito. Three years ago, nalaman nyang may cancer sya. He accepted and he's ready. These past few months, bumalik sya dito. Asking kung magagamot ba ang sakit nya, but in the end... We found out na stage three na sya. We can't do a thing, why? Kasi kumalat na ito sa iba pang organ ng katawan nya. Even if there's a way, sya lang ang mahihirapan." Sabi nya sa akin.
Agad akong tumingin kay James, why? Is it because of me? Naiyak ako ng tinuloy ang doktor ang kanyang sasabihin. "He still has more or less two-three months, by the next weeks or months, makakaramdam na ang pasyente ng trouble of breathing, short of breath, pain in chest area, pagbabago ng boses, unexplained drop in weight, bone pain specially at the back and mostly at nights and lastly headaches." Umalis ang doktor pagsabi nya sa akin noon, nilipat si James sa isang kwarto. Dumating sila Mama agaran kong ikinuwento sa kanila ang kalagayan ni James. Naiyak si Mama at tumango. "Alam namin, anak. Dahil sa pag-alis naging ganoon si James." Naiyak muli ako, dahil sa akin nagsu-suffer sya nang ganito.
BINABASA MO ANG
The battle for his Love. (JaDine Fanfic).
FanficCOMPLETED. UNEDITED. Ilan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Ilan ang kaya mong gawin para sa kanya? Ilan ang kaya mong i-suffer para sa ikasasaya nya? Loving the person who can't love you back is so hard. Pain eating your whole heart...