Chapter 11

2.4K 101 0
                                    

I encourage everyone to vote and comment. Your comments and votes are my inspiration. Thank you!
__________________________________

Nakaramdam ako ng isang mainit na hawak sa aking kamay, dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Agad kong nakita ang puting kisame. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

Nakita ko sila Mama doon, kitang-kita ko ang saya sa kanilang mata, agad nila akong niyakap. "James, pakitawag ang doctor at nurse." Wika ni Papa, tumango si James at lumabas na.

Kinapa ko ang ulo ko, may benda doon. "Mama, ano pong nangyari?" Sabi ko. Tumingin ako sa benda sa aking braso. Hinalikan ako ni Mama sa noo. "Everything would be fine, anak. Nandito kami para sayo at ni James. Kaming bahala sayo."

Pumasok ang doktor, tumitig ito sa akin bago ako kinausap. "Nadine, you're lucky for not suffering that much. Napuruhan ang iyong ulo pero luckily wala kang amnesia, hindi ka nagsuffer ng ganun ka grabe." Sabi nya sa akin. Tumango ako. Lumapit sya sa binti ko, tinuro ng ballpen ang aking kaliwang binti.

"You can't use your left leg for the meantime. If might take one month or less, it depends. Pero all in all yan lang ang natamo mo, may bali lang ang binti mo especially your foot kaya hindi ka muna makakapaglakad gamit ang kaliwang binti mo." Sabi nya. Tumango sila Mama sa doktor kaya agad na itong nagpaalam.

"Anak, be thankful na ito lang ang nangyari sayo. Be thankfuk na buhay ka pa at naririto kasama namin. Nandito naman kami para sayo." Sabi ni Mama. Niyakap na din ako ni Papa at hinalikan ang noo ko. Lumapit si James sa akin, lumayo naman sila Mama at binigyan kami ng oras para mag-usap.

"Thank God, you're awake. I was so worried, you were asleep for four days and I can't do a thing to make you wake up." Hinawakan nya ang kamay ko bago ito hinalikan ng pauli-ulit. "Thank you so much for waking up, you don't know how you scared me." Sabi nya bago tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang lungkot na may halong galak ang kanyang mata. Parang hinahati yung puso ko dahil sa pinakita nya.

"I'm always here, I'll help you get through this. I'll take care of you, I can be your slave. Anything you want, I'll do it for you." Halos maluha ako ng makita kong pumatak ang luha nya. I'm so blessed having a guy like him. But my heart still has a wound, a wound that still hurts and I can't do anything for it to stop aching.

"Thank you, James." Sabi ko sa kanya. Tumango sya bago pinahid ang luha nya. "You're so special to me, thank you for being their especially at the time like this." Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Tumango lang sya bago tumayo at tinawag ang mga magulang ko.

Mahigit isang linggo din akong nanatili sa ospital. Isang linggo din nanatili si James sa ospital, halos bine-baby nya ako. Hindi nya ako hinahayaang malungkot dahil sa naging lagay ko. Lahat ng gusto ko, isang sabi lang bigay agad. Ngayong lalabas na ako, nag-offer si James na sya ang maghahatid sa amin pauwi. Pumayag naman kami, kaya ayun umalis muna sya para kuhanin ang sasakyan.

Lumapit sabakin si Mama bago hinawakan ang kamay ko. "Anak..." Sabi ni Mama ng nakangiti. "Bakit po?" Sabi ko bago sinubukang maupo ng ayos. Inalalayan ako ni Mama, "Bakit hindi mo bigyan si James ng pagkakataon? Every person deserves a second chance." Sabi ni Mama. Natahimik ako. Kaya ko bang bigyan sya ng pangalawang pagkakataon?

"Alam mo ba, nakakuha sya ng sampal mula sa akin ng dumating sya sa kasal at hinahanap ka. Kita ko ang gulat sa mukha nya ng ginawa ko iyon. Nang malamang nyang umalis ka na, agad syang umalis at sinundan ka. Umuwi kaming lahat inaasahang kasama ka nya, pero wala. Dumating sya sa bahay na bagsak ang balikat. Kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mata." Sabi ni Mama na tila inaalala ang nangyari. Nanatili akong tahimik.

"Sa loob ng limang taon, walang syang ginawa kundi pumunta sa bahay, magtanong sa amin, sa mga kaibigan mo, nabalitaan pa naming umalis sya." Ngumiti si Mama bago bumaling sa akin. "Kung tutuusin, lahat ng sinakripisyo mo, naisakripisyo na din ni James. Lahat ng sakit na naramdaman mo, naramdaman na din ni James. Kung titignan, ang pagmamahalan nyo, may second chance pa, ikaw nalang ang inaantay ni James. If you think five years is enough, go grab the chance before it's to late." Ngumiti na din ako kay Mama. Konti pa, Ma. Maybe soon.

The battle for his Love. (JaDine Fanfic).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon