Chapter Twentyfour 🚫Trigger Warning

45 0 0
                                    

"GET OFF ME! " malakas na sigaw ni Muffin habang hawak sa magkabilang braso ng dalawang hindi kilalang mga lalaki. "Pakawalan ninyo ako. Ano bang kailangan n'yo saakin? Saan n'yo ba ako dadahil? Please gusto ko ng umuwi. " paulit-ulit na sigaw niya habang nagpupumilit na nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang armadong lalaki.

At hayun nga paniwalang-paniwala naman ang mga ugok sa acting skills niya. 'Yon lang hindi manlang pinagpapawisan ang kili-kili niya sa ginagawa niyang iyon. Darn it! Did she just lost the excitement she just expected a little while ago.

Hawak pa rin ng dalawang lalaki si Muffin. Dinala siya ng mga ito sa isang building at malapit na niyang isipin na kidnapped for ransom ang ganap ng mga ito kung hindi lang niya naalala ang sinabi ni Reed.

Wala kaide-ideya si Muffin kung saang lupalop siya dinala ng mga pangit na goons pero wala siyang dapat na ikabahala dahil kering-keri naman niyang patumbahin ang mga pangit na 'yon oras na mabadtrip siya.

Napakunot noo si Muffin nang biglang ikulong siya ng mga pangit na goons sa isang nakakadiring selda.

𝘔𝘺 𝘨𝘰𝘥! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘺𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨? 𝘐𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘣𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳𝘦. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘣𝘢 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘮𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘵𝘰? 𝘛𝘩𝘦𝘺'𝘳𝘦 𝘢𝘭𝘳𝘦𝘢𝘥𝘺 𝘨𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘮𝘺 𝘯𝘦𝘳𝘷𝘦𝘴.

"Hoy, mga pangit! Pwede bang ilipat n'yo na lang ako ng selda? Jusme. This place stink, seriously? Nililinisan manlang ba ninyo ang lugar na to? " nagiinarteng reklamo niya.

Napakunot noo ang isa sa mga goons ng babae.

"Hoy, ikaw, tumahimik ka nga dyan. Mabubulilyaso pa ang trabaho namin dahil sayo e. "

"Mark, basalan mo nga ang bunganga ng babaeng yan. Naririndi na ako sa sa kanya. Sumasakit na ang mga tenga ko." Inis na sabi ng isang goons, kasunod niyon ang pagtakip nito sa tenga.

Nakasuot ang mga lalaki ng kulay itim nna mask na may desenyo ng duguang lotus. Nakatakip iyon sa mga mukha ng mga lalaking kasalukuyang nagbabantay sa selda kung saan siya nakakulong. Kahina-hinala rin ang mga tattoo ng mga ito sa kanang braso. Kaparehas iyon ng tattoo ni Farage sa batok nito, iyon ang sumisimbulo sa babae.

"Mga kuya please parang awa n'yo na. Pakawalan na ninyo ako, ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. Promise hindi ako magsusumbong sa mga pulis pakawalan n'yo_____" hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin ng biglang basalan ng isa sa mga lalaki ang kanyang bibig ng makapal na tela.

Holyshit! Are those clean or even safe?

Nakatali ang mga kamay niya habang nakakulong sa maruming selda kaya imposibleng makatakas siya sa kamay ng mga di kilalang mga lalaki.

Well it is possible kung gugustuhin niya, pero huwag na lang pala baka nakakamatay na sermon pa ang abutin niya kay Reed.

The time is taking so long. And it's getting boring and boring. Walang magawa si Muffin kundi ang pagbutihin ang pagkukunwari niya, isa pa iyon lang naman ang misyon niya sa gabing iyon. Ang umarteng inosenteng biktima ng bruhang si Farage.

Pinaikot niya ang mga mata.

𝘛𝘴𝘬 𝘬𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘵𝘰! 𝘔𝘺 𝘨𝘩𝘢𝘥 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘱𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘳𝘢𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘕𝘢𝘪𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘰. 𝘉𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘰?

Deceivable Temptation Book 1 The Great SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon