PASADO ALAS DOSE na nang madaling araw ng tuluyan siyang makatakas sa condo unit ng lalaki. Wala siyang balak na magtagal pa sa lugar na iyon kasama nito. It's not just the fact that it is slowly suffocating her, but as the matter of fact she dislikes his idea of lying to his mother. Nakokonsensya siya.
Mabilis ang ginawa niyang paglakad patungo sa parking lot ng The Celestials, kung saan nakaparada ang kotse na pinadala ni Kudos kagabi para sa kanya. Kaagad siyang sumakay sa kotse saka iyon pinaharurot paalis.
Sa Pasig ang punta niya. Ayon sa balitang napanuod niya, dalawang araw na ang nakakalipas, sa lugar na iyon nangyari ang karumal-dumal na pagpaslang sa tatlong dalagita na nasa edad labin-walo, labin-anim at bente anyos. Duda siyang ang Blood Lutos ang may kagagawan ng mga pagpatay na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Lalo pa't si Farage Denville ang leader ng organisasyong iyon. Isa pa, Ang estilo ng pagpatay at pagpapahirap sa mga biktima ay ang unique style ng babae.
Napailing siya kasabay ang marahas na buntong-hininga.
Kilalang-kilala niya si Farage. Isa ang babae sa mga agent na kaclose niya noong nasa Magnus Red Python pa ang babae nagtratrabaho. Alam niyang ang babae ang tipo ng tao na handang gumante para lang makakuha ng hostisya, pero hindi niya lubos na maunawaan kung bakit kailangan nitong humantong sa pagiging isang mamamatay tao. She can't imagine the woman doing the thing she never tolerated before.
"Hayop ka, Pharaoh! Hindi pa tayo tapos, babalikan kita at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kapatid ko. " she can hear the woman say those tremble words inside her head. She felt quilty for not being around to help the woman.
"I'm sorry, Farage. " she uttered, following it with a deep sigh as her eyes began to water.
Napagalaman din niya na dalawa sa mga biktima na napabalitang pinatay ng hindi pa nakilalang groupo ng mga serial killers ay malapit na kamaganak ng walangpusong si Pharaoh Salvation na kumitil sa buhay ng nakababatang kapatid ng babae.
Ang huling balita niya ay nakulong ng walong taon ang lalaki sa salang rape at pagpatay, pero mukhang hindi pa yata iyon sapat para kay Farage.
She remembered that the woman always believed in "An eye for an eye, a tooth for a tooth, a life for a life, a wound for a wound, a bone for a bone." - King Hammurabi's famous code.
Kailangan niyang makausap ang babae sa lalong madaling panahon. She'll try to stop her and repent from all the sins she made out of madness. She can't let the woman ruined her life twice.
Nang marating niya ang harapan ng kuta ng Blood Lutos, kaagad na ipinarada niya ang kotse ni Kudos sa isang madilin na gilid. Patakbo siyang pumasok sa loob ng di gaano kasirang gusali.
Hindi maipinta ang mukha ni Cruzette, apat na malalaking lalaki ang sumalubong sa kanya, nakasuot ang mga ito ng itim na t-shirt at mukhang kagagaling lang sa isa na namang pagpatay.
Kumunot ang kanyang noo.
"P*tcha! Ano bang kailangan ninyo sa'akin? " matigas ang boses na sabi niya, pagkatapos ay dinuraan ang mga ito.
Nainis ang isa sa mga lalaki sa ginawa niya pagkatapos ay malakas na sinampal siya sa kaliwang pisnge.
"Walanghiya ka! Sa susunod na gawin mo yan sisiguraduhin kong pagsisisihan mo 'yon. Isa pa wala kaming kailangan sayo. Malas mo lang at ikaw mismo ang nagpunta dito. Magisa ka pa naman. " puno ng pagbabanta ang boses ng lalaki, kasunod niyon ang pagtangka nitong halikan siya sa leeg.
"Sige, subukan mong yan. Baka ikaw ang maunang paglamayan sa ating dalawa. Nandito ako dahil gusto kong makausap si Farage. Nasan ang amo n'yo? " matigas ang boses na sabi niya, pagkatapos ay muling dinuraan ang lalaki sa mukha. Pero sa pakakataong iyon ay may halo na ito ng kanyang dugo.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Book 1 The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...