IILING-ILING na tinapunan ni Creed ng masamang tingin ang kanina pa nagiingay niyang cellphone. Pupusta siyang ang mommy na naman niya ang tumatawag.
His mother had this hobby of calling him whenever the normal shifts
ended. Pero lagi niyang pinapatay ang kanyang cellphone at nag-e-extent sa opisina, dahil sa dami ng kailangang gawin lalo pa't talagang napakahectic ng schedule niya.And his mother hated the thought of him overworking himself. Kaya naman tumatawag ito sa kanya palagi para ipaalalang huwag siyang magpakalunod sa pagtratrabaho at umuwi na.
Nang sa wakas ay tumigil ang pagiingay ng kanyang cellphone ay nakahinga siya ng maluwag, saka muling inasikaso ang gabundok na mga papeles sa kanyang harapan.
He was busy going through some important documents when he heard a sudden a knock in his office door.
"Come in. " malamig ang boses na sabi ni Creed, hindi pa rin inaalisan ang tingin sa mga papeles.
"Ah, Sir. " Awtomatikong nagangat siya ng tingin upang harapin ang sekretarya niyang si Samantha. Inilahad nito sa kanya ang isang cellphone.
"Phone call po. " tiimbagang nitong sabi.
Kumunot ang noo niya. A phone call for him in her cellphone. Pinagloloko ba siya nito?
"Ang mommy n'yo po. " magalang na sabi ni Samantha.
Napabuga siya ng hangin. Hanep talaga ang mommy niya. Pati ba naman phone number ng sekretarya niya, ay mayroon din ito.
"Tell her I'll be home right after I finish my work. " utos niya rito.
"Eh, Sir, " Napangiwi ang babae. " Ang sabi po kasi ng mommy n'yo kapag hindi niya raw kayo nakausap, she'll get me fired. " nanginginig ang boses na dugtong ng sekretarya niyang si Samantha.
Marahas na nasapo ni Creed ang mukha. Pagkatapos ay napailing saka hinarap ang babae.
"Fine! Then tell her I'll be calling her up, myself, now. Thanks, Miss Manzano. " malamig ang boses na sabi niya rito.
Saglit pang nakipagusap ang babae sa kanyang ina bago tuluyang nagpaalam at pagkatapos ay lumabas sa opisina niya.
Mabilis Mabilis pa sa kidlat na dinampot ni Creed ang kanyang cellphone at magkasalubong ang kilay na tinawagan ang ina.
"And you're not picking up my calls now? Gusto mo bang itakwil na talaga kita? " iritadong bungad sa kanya ng ina pagkasagot sa tawag, sa unang ring pa lang.
Napailing si Creed kasabay ang mahinang pagtawa. And why was he not informed that his beloved mother knew how to joke? Pero sa dinami-dami ng birong narinig niya sa buong buhay niya, iyon na yata ang pinakanakakatawa sa lahat.
"But don't we both know that you love me too much to do that, mom. " mapangasar pang sagot ni Creed sa ina.
"Ewan ko sa'yo! Kung hindi ko pa pinakiusapan ang sekretarya mo hindi mo pa ako tatawagan. " nanghihinampong sabi nito.
Napahagalpak siya ng tawa dahilan para lalong mainis sa kanya ang ina.
"I'm sorry, mom. Tatawag naman po talaga ako. Only when I got home today. Alam mo naman kung gaano kahectic ang schedule ko diba! " konsula niya sa ina. "And mom, please don't scare my secretary like that, baka magresign talaga ang sekretarya ko dahil sa takot sayo. Lalo akong mababaon sa trabaho nyan, sige ka! " pangaasar pa niya sa ina.
"Creed Draviane Morris Dela Cuesta, Becker, are you threatening me? " tila umuusok ang ilong na sabi ng mommy niya.
Tumikhim ang kanyang ina dahilan para tumuon ang atensyon niya rito.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Book 1 The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...