Chapter Fifteen

76 3 0
                                    

"GODDAMNIT! Nagpapatulong ako sa inyo para makahanap ako ng pretend fiancè. Dahil wala akong matinong nakuha sa dating service na kinusulta ni Ziven. Tapos, wala rin pala kayong matinong maipakilala sa akin, Renz. " nakukunsuming bungad ni Creed sa kausap sa cellphone.

Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng kaibigan, napagtanto niyang pinagtritripan lang siya nito.

Naroon siya  sa restaurant ni Ziven sa Cavite kanina para makipag-blind date sa babaeng ipinakilala sa kanya ni Renz.

Si Renz ang nilapitan niya dahil marami itong kakilala. Artista kasi ang kaibigan. Pero hindi niya akalaing gagamitin nito ang pagkakataong iyon para pagtripan siya. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng babaeng ipapakilalang fiancè sa nagdradramang mommy niya, hindi siya papatol sa blind date.

Sigurado siyang pinplano iyon ni Renz para bawian siya sa pangaasar na ginawa nila ng mga kaibigan rito kamakailan lang.

Sa gandang lalaki niya, alam niyang maaari siyang makakuha ng babaeng gusto niya. Pero ayaw niyang magtake ng risk. Baka kasi kapag siya na mismo ang maghanap ng ipapakilalang fiancè, hindi na siya makatakas sa kalokohang iyon.

Besides wala siyang choice kundi ang patulan ang kalukuhang iyon ng mga kaibigan. That woman! That wildcat Cruzette disagree with him. Pero hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto.

He's Creed Draviane Becker, handsome as hell. At walang bagay o babae ang hindi niya makukuha. Itaga man iyon sa bato. Then again, he remembered. Nagpunta lang din siya sa lugar para magpalamig ng ulo hindi lang para makipag date.

Creed was happy with whatever he had now and believed he did not need anything else, be it a girlfriend or a wife. Kung hindi lang talaga siya nakukunsumi sa mommy niyang araw-araw na lang pinoproblema ang kawalan niya ng girlfriend, hindi siya malalagay sa ganoong sitwasyon.

Bente-otso anyos palang siya pero pinagtutulakan na siya ng kanyang mommy na magasawa na. Simula kasi ng mamatay ang kanyang long time girlfriend sa isang plane crash, tatlong taon na ang nakararaan ay hindi na siya muling nagkaroon pa ng nobya.

Natatakot siyang muling mahulog sa iba at pagkatapos ay maiiwan na naman siyang magisa. Ang buong akala ng mommy niya, hindi pa siya nakakamove on hanggang ngayon kaya talagang pinuproblema siya nito.

Siguro nga naging mahirap para kay Creed ang pagkawala ng girlfriend noon, pero nakamove on na siya ngayon. Iyon nga lang, ayaw pa niyang lumagay sa tahimik. Okay na siya sa buhay niya ngayon. Wala na siyang mahihiling pa sa kabila ng matagumpay na career. Ang kanyang mommy lang talaga ang iniintindi niya, dahil kung nagaalala ito para sa kanya, mas nagaalala rin siya dito.

"Sinabihan na kita na gawin mo na lang na pretend fianceè, ang isa sa mga babaeng naghahabol sa'yo. Wala pang problema. " nakukunsuming sagot ni Renz.

"I know you're against this blind date thing, Renz, but this is my best option. No strings attached, just pretend. " nakaawang ang labing sabi niya.

Pinaikot ng lalaki ang mga mata.

"Tss.. Napakakumplikado kasi nyan. T-teka, nasaan na ba si Gwyn? " kapagkuwan ay tanong ni Renz, na ang tinutukoy ay ang magandang ka-blind date niya pero hindi lang niya nagustuhan.

"Well, uhm, I got mad. Pano ba naman kasi sinagot ba naman ako ng 'To be honest, I'm only passionate about sex. I love how these guys pleasure me in bed. Besides, she's not my responsibility malaki na s'ya. So I left! " simpleng sagot ni Creed na hindi manlang nakaramdam ng kaunting niya.

Narinig pa niya ang paghalakhak ni Renz sa kabilang linya. Paniguradong magiging Tampulan na naman siya ng tukso mamaya.

"Fuck you! Becker. So you mean, you left Gwyn in the middle of your date kagabi? Tarantado! Ano na lang ang sasabihin niya sa akin? Fuck! Hindi ka nagiisip. " nakakunot noo nitong sabi.

Deceivable Temptation Book 1 The Great SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon