Chapter two~ Uh. oh. Discomfort Zone

53 3 0
                                    

Chapter two~ Uh. Oh. Discomfort Zone!!

< Faye's POV>

Napadpad ako sa covered walk na malapit sa camping park ng school habang dala dala ko yung skateboard ko at nakasalpak ung headset ko sa tenga ko.

"I'm in the business of misery

let's take it from the top

She's got a body like an hourglass that's ticking like a clock

It's a matter of time before we all run out

When I thought he was mine, she caught him by the mouth

I waited eight long months, she finally set him free

I told him I couldn't lie, he was the only one for me

Two weeks and we had caught on fire

She's got it out for me but I wear the biggest smile

Lyrics from <a>eLyrics.net</a>

(Now Playing: Misery Business by Paramore)

Yung camping park na sinasabe ko ay compose ng mga study tables at madaming puno, camping park kasi siguro dahil sa malawak na space at gubat ambiance na pwedeng pagcampingan. Preshko dito kaya dito ang tambayan namin ni Ace minsan. Dito din niya ako tinuturuan pag may mga lessons na hindi ko naiintindihan dahil busy sa pagsusulat ng songs. Sya na ang matalino!

Well, I love music. A lot. Suber :D

Gustong- gusto kong magsulat ng songs, mahilig din ako kumanta, kinakanta ko din mga songs ko at nirerecord ko sya sa studio ko sa kwarto. May albums na din ako pero kami lang ni Ace ang may alam ^----^V Humble kasi ako. Hihi.

Minsan nga gumagawa kami ni Ace ng MV kaming dalawa ang bida syempre. Best buds kami nun, magkakilala na kami mula bata palang.

Short Flashback*

"Ace Bakla, Faye Tomboy! Ace Bakla, Faye Tomboy", asar sa amin ng mga bata noon, hindi ako nakapagpigil sinugod ko yung mga batang nangaasar sa amin at sumali na din si Ace hanggang sa nagsitakbuhan silang lahat. Pagkatapos nung away ang dungis namin kasi nagpagulong gulong kami sa lupa, puro din kami kalmot at gasgas.

"Ace, galing mo manabunot ng babae a", natatawang sabe ko kay Ace sabay punas ng pawis sa ilong gamit ang braso ko.

"Eh ikaw Faye eng geleng mong manuntok ng lalaki", baklang baklang sabe ni Ace at nagtawanan nalang kaming dalawa.

"Ah. Faye, alam ko na ang ipapangalan ko sayo,...." sabe nya sakin. "Ano naman", "Shemberlu tapos ako Eklavu para sisters tayo, Apir!", nagapir kami at nagtawanan ulit.

Sisters na kami nun kasi both kaming nagiisa sa family, sya nagiisa syang lalaki ako naman nagiisang babae. And so on and so on :D

End of flashback*

Umupo na ako sa isang upuan na may mga round tables at naglabas ng notebook at ballpen para makapagsulat ng songs habang nakikinig pa rin ng music.

*Poogsh*

"Aray! Ano bang problema nyo ha?", lumingon ako dun sa likod na pinanggalingan ng bola habang hinihimas pa rin ung ulo kong natamaan ng bola at nakita ko yung lalaking hindi ko alam kung bakit pinanganak sa Earth.

Kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit maybe siguro dahil sa mga eksenang ginagawa nya dito sa school namin. Sobrang papansin. He's a pathetic 2nd yr Fine arts student at unluckily classmate namin sya ni Ace. Arrrrggggghhhh >.<

"Oops. Sorry Miss SHEMBERLU", sabay tawanan sila ng mga kasama nya.

Aba aba mukhang naghahamon ng away tong mga to ah and how dare him tawagin ako sa tawagan namin ng bespren ko. Pfffttt >.<

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sknya. Matangkad sya kaya kailangan ko syang tingalahin pero luckily may upuan doon na pdeng pagtuntungan. Tumungtong ako dun at ako na ang mas matangkad sknya. Haha akala nya ah.

"So, anong problema nyo? bakit kayo biglang nambabato bigla bigla? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah?? Ano?", sabe ko sknya habang nanlalaki ang mga mata with biting pa ng lower lip ko, para talagang naghahamon ang peg.

Bigla syang tumuntong sa upuan na pinagtuntungan ko at bigla akong napaatras at kamuntik na akong mahulog pero hinawakan nya ako sa waist, which is irritating . Hmp. Parang nangalawang na ata yung waist ko dahil sa paghawak nya.

"Get off me! How dare you!', sabe ko sknya pero hindi pa rin nya ako binibitawan, konting galaw ko lang at pag binitawan nya ako mahuhulog na ako. Nilapit nya yung mukha nya sakin at tinitignan nya ng sobrang lapit yung mga mata ko pero iniwas ko din tingin ko sknya.

"So, What will you gonna do now?, sabe nya sakin habang malapit pa rin sya sa mukha ko at bigla syang tumingin sa labi ko. Uh. oh. Discomfort Zone >.<

"GET OFF ME!", tinulak ko sya palayo sabay naman nya akong binitawan at yun nahulog ako at napaupo sa sahig. Wala man lang katiting na gentleness ang mokong na to, pero magtataka pa ba ako eh itsura parang eh ubod na ng dapat kainisan.

"Oops. Sorry. Sabi mo bitawan kita e, kasalanan mo yan", sinabe nya habang nakatayo pa rin sya at nakikipagtawanan sa mga kasama nya. Hindi man lang ako tulungan. T.T Hay.

Tumayo na ako at out of the wide universe sinide kick ko sya dahilan para mapaupo sya habang hawak hawak nya yung binti nya tapos tumakbo agad ako papunta dun sa pinagupuan ko kanina at kinuha yung gamit ko sabay eskapo. Hindi nyo natatanong red belter ako sa taekwondo. HAHAHAHAHA XD Ano sya ngayon.

"Ouch! Ouch! YOU!!!!", sigaw nya sa akin, para syang batang umiinda sa sakit ngayon. Tumakbo na ako ng mabilis palayo sa mga mokong na un at oong makarating na ako sa covered walk, ginamit ko na yung skateboard ko papunta ng building namin. Sigurado kasi ako hinahanap na ako ng bespren ko.

*Krriiiiiing* *Kriiiinng*

Naramdaman kong nagvibrate at tumunog yung phone ko kaya napatigil ako at kinuha ko yung phone ko sa may bulsa ko.

Eklavu :* calling....

Sinagot ko na yung call ni Ace."Oh Ace, nasaan ka na nyan? Papunta ako ngayon sa building natin. Wait mo nalang ako dun ha?", "Oy bakla ka, bakit ka ba biglang umalis ng classroom agad? Like HELLO, may exam kaya to teh", sagot nya sakin na parang nanunumbat lang.

"Like HELLO din po Ms. Ace, hindi mo ba nakita yung galit ni sir kanina, halos magevaporate na nga ung dugo nya sa sobrang hot nea sa akin", sagot ko naman sknya to defend myself no.

"Okaaaaay! Whatever, nasaan ka ba? Hintayin mo nalang ako dyan kung nasaan ka mang babaita ka, kakaalis ko lang kasi ng building natin baka magkasalisi pa tayo", doon ako sa daan nakatigil kaya naman may mga students na nahaharangan ko, "Ops. sorry po",

Kinuha ko na yung skateboard ko at pumunta sa Sunshine Circle, parang park din sya pero may pabilog na hugis sun sa gilid kaya cguro un ang pangalan. May mga bench din sa paligid nito at doon ako umupo para hintayin si Ace.

Love Miracle &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon