Chapter 16.
----
<WIll's POV>
wew. Grabe Buti nalang at tumigil na tong babaeng to sa mga ginagawa nya sakin. Haayst. Sumasakit na yung buong katawan ko. ang bigat-bigat pa man din nya, kala mo naman kung baboy. Kung titignan mo sya e average lang naman ang figure nya pero pag nabuhat mo na, woah, mali ka pala ng akala. Kung hindi lang talaga ako mabait, binagsak ko na to sa sahig. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mabait e, yung tipong nakukuha ko lahat ng gusto ko, pero mula nung tumira ako sa bahay nila parang nag-iba na lahat. Oo nga no, parang ngayon ko lang napansin. Bakit kaya? Chikboy ako pero bakit parang feeling ko hindi na ako pwedeng magbabae, siguro dahil kay Faye? Eh? Hindi rin, o baka naman dahil talaga sa nalaman ko tungkol sa kanya. Parang yung feeling na obligasyon ko na talaga sya. HAY. Ewan ko ba.
Alam kong gising pa sya habang nakahiga sa balikat ko pero hindi sya nagsasalita, siguro dahil sa sobrang pagod na din, ay akalain nyo yun, hindi na sya ganoon nandidiri sakin. Haha. at ewan ko din ba kung bakit sya naiinis sa akin, ang weirdo talaga ng babaeng to kahit kailan. Sa totoo lang naawa talaga naman ako sa kanya sa paglilinis nya dun sa may lumang theatre pero kailangan nya yun para matuto. actually, tumawag sakin si Kuya Neon the day before masira yung phone ko, sabi nya kung pwede daw tulungan si Faye maglinis ng bahay kasi naman hindi daw sya marunong maglinis, kaya yun tinuruan ko sya sa pamamagitan ng paglilinis mag-isa dun sa lumang theatre. Ice ba? Haha. who am i kidding?! Lol. Eh kasi naman hindi ko naman din alam maglinis ng bahay eh, i hope she figures it out :D
"Hala. Narinig mo yun?", napansin kong napaangat sya sa balikat ko.
"Ha? ang alin?"
"ang bingi mo naman! Hala. Yun. Narinig mo na?"
"ha? ang alin nga? wala akong naririnig kundi yang malakas mong bunganga", kinurot nya ako sa tenga.
"ARAY! Ano ba???! Masakit yun ha.........HALA! Ano yun?", napatigil ako dahil may narinig akong kaluskos, siguro nga yun yung tinutukoy ni Faye.
"Oh ano? Rinig mo na? ..... ano yun? Ui. Will.", yinuyugyog nya ako.
"Aba malay ko. Ikaw alam mo?", tinapik nya ako ng malakas sa balikat.
"Aww"
"tatanungin ko ba sayo kung alam ko?"
"Shunga ka ba? . . Hala"
Biglang namatay yung mga ilaw ng street lights pati yung mga ilaw sa mga iilang bahay na nasa paligid at sa tingin ko malayo pa ang labasan. Kung bakit pa kasi hindi kami sumakay dun sa tricycle kanina, ano bang naisip ko at hindi ako pumayag. dahil ba gusto ko yung ganito kami???? Hay. No way! Siguro dahil mukhang hindi mapagkakatiwalaan yung driver na yun, baka kung saan kami dalhin. Tama. Yun nga ang rason. Magaling talaga ako :D
Pero, pano to? Ang dilim sobrang dilim at nararamdaman kong nanginginig si Faye. Takot? parang hindi naman natatakot to eh. tss. Pero talagang nanginginig sya.
"OY! Bat ka nangingig jan? Huwag mo akong ihian ah"
"natatakot ako, Will", mahina nyang bulong sakin. Anong gagawin ko? Nakatayo lang kami dito at nagpapakiramdaman. Tss. Parang ang bakla ko namang pakinggan. Kaya nagdesisyon akong maglakad na ng diretso dahil kahit papano naman nakita ko yung daan bago magbrownout.
*kush* *kush*
"Will.....???"
"Oh?"
Lumakas yung kaluskos.
"TAKBO!!!", sigaw nya sa akin kaya napatakbo nalang ako ng mabilis, at thanks to adrenaline rush parang wala akong dinadalang mabigat at feeling ko ako yung pinakamabilis na tao sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
Love Miracle <3
Teen FictionThis story tells you that anything is possible and each chances has its own moment. No matter what is your reason behind your character, meron at meron pa ring pagkakataon na mababago ito. Everything changes. Sinasabi nga nila ng paulit-ulit, EXPECT...