Chapter 13. Cellphone :3

14 2 0
                                    

Chapter 13.

----

<Faye's POV>

YES! Nakalabas na din ako sa bahay, hindi ko na ata talaga makakayanan ang atmosphere sa bahay namin. Hindi ko na tuloy nakuha yung headset ko sa sobrang pagmamadali. 

Yung ipis na yun nakakadiri talaga. Naalala ko na naman. Ayst. Hindi ko maimagine yung sarili ko na nakaakbay sa kanya at nahawakan pa nya yung kamay ko. Hayst! Eksakto pa man ding dumating si Ace kagabi para ishare yung away nila Jake and ang babaw ha parang aso lang. At ang korni naman kasi ni Ace, kukunin nya yung aso para maging baby nila? Nako. Kung ako naman si Jake e ayaw ko dn namang magkaroon ng asong anak no.

Ay. speaking of aso, may goldfish pala kami sa bahay at ano yung pinangalan ng  ipis na yun? FISHIE?? wow ha. Ang ganda naman ng name. tsk. Panghall of fame -_______________-

*Bogsh*

"Aray"

"ANO BA? BAKIT HINDI MO TINITIGNAN YANG DINADAANAN MO? NAKASKATEBOARD KA PA!!", sigaw nung babaeng nabangga ko. Hindi ko naman sinasadyang madami ako naiisip. At bakit kasi hindi nya din tinitignan yung dinadaanan nya.

"Ay. Sorry naman daw", umayos na ako ng tayo sabay kuha nung skateboard ko na bigay ni Jordan.

"SH3t!!Makaalis na nga". hala, cge magmura pa sya, napakasungit naman nitong babaeng to, hindi naman sya yung natumba ako naman. Hayst. Sabagay halata namang maldita dahil sa itsura nya, nakashort short skirt, nakaspaghetti strap at nakasneakers.

Naglakad na sya palayo at umangkas na ulit ako sa skateboard ko papunta kay Jordan. Magkikita kasi kami ngayon sa tambayan.

"WAIT!", napatigil ako at lumingon sa tumawag sa akin, nakita ko yung nabangga ko kanina sa akin. Ako ba yung tinatawag nya? Lumingon-lingon ako dun sa paligid baka may iba syang tinatawag.

"Ay tanga!", narinig kong sabi nya habang papalapit sa akin. Tsk. Ang sakit namang magsalita nito, malay ko ba kung my iba syang tinatawag. Hinintay ko lang syang makalapit sa akin.

"Ikaw si Faye diba?", tanong nya sa akin habang nakacrossed arms.

"Yes?! Sa pagkakaalam ko Faye ang pangalan ko. Bakit?", naggrin sya at halatang naaasar.

"So, ikaw pala yung babae ni Marco dati. Well...",tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "..Not bad. Maganda ka nga. Tama nga si Jake", ha? teka? babae ni Marco? ako? tsk. Kilala nya si Marco at Jake? Sino ba tong babae na to?

-"Babe, anong nangyayari dito?"-

AHH. sya yung babaeng kung pumulupot kay Marco parang sawa. I see. Pero bakit kilala nya si Jake? Uhmmmmmm. Naiwan nalang ako dun na nakatayo at nakita ko nalang na naglalakad na palayo yung babae kanina. Ano bang pangalan nya?

"WAIT!", sigaw ko sa kanya pero hindi na sya lumingon sa akin. Hayst. ang bingi naman nya ah.Pfft..

----

<Jordan's POV>

"OH. Buti dumating ka pa. Akala ko hindi ka na makakapunta ah. Saang lupalop ka galing?", tanong ko kay Faye habang papasok sya sa garahe ng bahay ko. "...teka, bakit ka nakabusangot jan? May nangyari ba?", tanong ko ulit sa kanya. Umupo sya sa tabi ko habang tulala pa rin, isinandal nya yung skateboard na bigay ko sa kanya. Napangiti naman daw ako. Pinatong nya yung mga kamay nya sa hita nya.

"..Babae pala ha? tsk Kapal naman ng Marco na yun. So babae lang pala nya ako dati? tss", bigla syang nagsalita ngunit pabulong lang at hindi pa rin sya tumitingin sa akin.

"Uwaaaaaaaaaaaaaa~ NAKAKAINIS! BADTRIP!", nagsisigaw sya sabay sipa dun sa mga tools ko at dun sa motor ko na inaayos ko. AY!

"Hala! sorry Jordan. Sorry talaga", sinusubukan nyang itayo yung motor ko na natumba pero hindi nya maitayo kasi mabigat nga naman. Mas mabigat pa sa kanya.

Love Miracle &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon