Chapter 19.

11 2 0
                                    

A/N Now lang UD kasi kagagaling sa sakit :)

Chapter 19.

<Faye's POV>

Mukhang maganda ang araw ngayon ah, maganda sa pakiramdam, tapos parang may naririnig pa akong mga ibon na umaawit, pagaspas ng hangin na para bang nasa gitna ako ng kagubatan (imagination). Dahan-dahan akong nag-inat sabay bukas ng mga mata. 

"GOODMORNING SA LAHAT", kung aabot lang sa tenga yung ngiti ko e dama ko na sya ngayon :)

"Goodmorning din"

Tumingin ako sa gilid ko, 

WAAAHHHHHHHHHH!!!!

"HOY! anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakapasok? at bakit mukha kang zombie dyan, Nakakatakot ka! Lumayas ka nga dito. Sinisira mo ang magandang araw ko", sabi ko sa kanya sabay upo ng maayos sa gilid ng kama ko.

"Ang dami mo namang sinabi, dinalhan lang kita ng almusal. Kumain ka na at uminom ka na din ng gamot mo", aba. mukhang wala syang energy ngayon ah, tsaka gamot? bakit naman ako iinom ng gamot?

Tumayo na sya at palabas na sana ng kwarto.

"Eh, kahit na hindi ko alam kung para saan ang gamot, salamat nalang sa pagdala ng pagkain"

Hindi sya lumingon o sumagot man lang sa akin, umalis na sya.

Tinignan ko yung pagkain, mukhang masarap ah. Nagsimula na akong kumain, wow. Masarap nga, may talent din pala tong ipis na to. Pero teka pansin ko, parang hindi naman effective yung pagiging slave ko e. Hahaha. Siguro kailangan lang nya ng tagalinis dun sa lumang theatre na yun, sana sinabi nalang nya tutulungan ko din naman sya eh. Mabait kaya ako. Hihi Pero buti naman at hindi nya ako pinapahirapan. May kabaitan din pala sya.

Patapos na akong kumain ng may mapansin akong bagay na nakatago dun sa may drawer ng side table ko. Binuksan ko ito at may nakita akong thermometer. 37.8. May gumamit kaya nito? Ang pagkakatanda ko sabi ni kuya pagkatapos ko daw gamitin to e ibalik ko sa 0.

Teka, naalala ko kagabi parang masama ang pakiramdam ko ah. Isip! Isip! Isip! uhmmmmm. Malabo yun kasi naman wala sa ugali nya yung mga ganoong bagay. Pero wait, bakit nya ako dadalhan ng pagkain dito sa kwarto at may kasama pang gamot, malamang sya ngayon at yung itsura nya, mukhang zombie pero sa totoo lang mukhang puyat.

Nako. nagkaroon pa ata ako ng utang na loob sa kanya, pero di bale na magpapasalamat nalang ako, ok na yun.

Nakapag-ayos na ako at papasok na sa school, pero hindi ko na ulit nakita si Will dito sa bahay ah. Saan naman kaya yun pumunta. Pumasok na kaya? Eh ang aga pa naman ah. Baka nagbibihis pa? Pasukin ko kaya sya. HAHAHA. Joke. Baka nagbibihis nga, hintayin ko nalang sya tutal maaga pa naman e. Naupo muna ako sa may sofa habang nilalaro si Fishie.

After 30 minutes, nabasa ko na din ata lahat ng magazine dito. Haay. Ang tagal naman nun. Pero sige hihintayin ko nalang muna sya, para makapagthankyou. Huwag bastos, Faye.

After 25 minutes, 5 minutes nalang time na. Wala pa rin sya.

Nako. Papasukin ko na talaga sya sa kwarto nya bahala na kung ano ang makita ko.

*tok*tok*tok

Walang sagot.

"Will? Papasukin na kita", Haha. ano ba naman yun. Papasukin kita? Tss. Nababaliw na ata ako ah.

Wala paring sumasagot. Papasukin ko na talaga sya. Binuksan ko ng dahan-dahan yung pinto. Dahan-dahan din akong pumasok.

O_O

Dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Will? Anong nangyayari sayo? Ok ka lang ba?", nanginginig sya kahit balot na balot na sya ng kumot. Dinama ko yung noo nya, grabe ang taas ng lagnat nya.

Love Miracle &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon