Faye's POV
Sarap na sarap ako sa pagtulog ng bigla akong nakaramdam ng pagyanig. Lumilindol ba? o nananaginip lang ako? Habang tumatagal lumalakas yung pagyanig at ng naramdaman ko ung pinakamalakas na pagyanig sa lahat napansin ko nalang na nasa sahig na pala ako.
OPO. Nahulog ako sa kama at hindi ko alam kung bakit eh hindi naman ako malikot matulog sa pagkakaalam ko. Bigla kong naisip si kuya kasi sya lang naman ang makakagawa sakin nito. OUCH. kaya sinigawan ko sya.
"Araaaaay! Kuyaaaaaaa~', tumayo ako para sana makutusan ko si kuya pero nung pagtayo ko nanlaki ung mga mata ko ng mata ko ung ipis na un.
"IKAAAAAAAWWWWWWWW~ BAAAAASSTOOOOOOOOSSSSSSSS", sigaw ko sakanya.
"Aray naman! Yang boses mo nakakasira ng tenga! bakit ka ba nagsisisigaw jan.?", tanong nya sa akin habang winawagwag ung tenga nya na tila kamo nabingi sa pagsigaw.
Bakit sya nandito sa kwarto ko? Anong ginagawa nya dito? Mag-isip ka Faye!! Isip!>.<
-Buffering........... -_______________- Ok. Nextime nalang.
Bigla syang naglakad papalapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa mapasandal nalang ako dun sa may pader. Papalapit na sya na tila may gagawing masama sa akin. Kumapa ako ng kahit ano mang pwedeng ibato sakanya para hindi makapasok sa Faye's Area of Responsibility ko.
"Ikaw ba ung dahilan kung bakit ako napahandusay dun sa sahig ng banyo na basang-basa?? Sabihin mo!", akusa nya sakin habang papalapit.
*Ting* 100%....... OO nga. i remember!
"OO bakit? may angal ka?? at bakit ka ba napadpad sa loob ng banyo ko?? Diba iniwan kita dun sa labas???/ Magnanakaw ka no? Sabihin mo, ipis ka! Umalis ka dito, sagot ko sa kanya.. Papalapit pa rin sya ng papalit. Nako. Nagtitimpi lang talaga ako sa ipis na to ha. Pag ako talaga napikon.
*Toogsh*
Napikon na agad ako. Pasensya naman. Naibato ko sakanya yung vase na nasa may bintana ko and take note ceramic un. Ayon nawalan sya ng malay. Buti nga sa kanya.
Bwuhahahahaha <evil laugh>
Bad Faye.
**
"Faye naman! Anong ginawa mo saknya? Tignan mo ang laki laki ng bukol nya sa ulo", pinapagalitan ako ni kuya habang hawak-hawak nea ung ice bag habang dinadampi-dampi nya ito sa bukol ni ipis. Sinisisi talaga sakin ung nangyari sa kanya. Eh sya naman tong may kasalanan. Pumapasok sya sa kwarto ng iba. Sino ba naman ang hindi mabwibwisit dun. Ayts. Ako ba talaga kapatid nito o tong ipis na to.
May kasalanan ka naman talaga Faye eh.
Ok agaw eksena pa tong konsensya ko. Ok. Fine. May kasalanan din ako bakit ko sya binato ng vase. Pano naman kasi mukha palang mukhang masamang loob na. Pfft.
Nagstay lang ako dun sa may couch habang hinihintay kong magising tong ipis na to. Binalaan kasi ako ni kuya na pag hindi ko daw inalagaan to, patay daw ako sakanya. Wala akong extra allowance for a month. Ang bait kong kuya -__________-
Sa sobrang bagot ko na tinawagan ko si Jordan, isa sa mga palitaw kong kaibigan. Lulubog lilitaw kasi sya kung magpakita. Kalog din kasi to lagi akong natatawa sa sobrang korni ng jokes nya. Wala na ngang sense wala pang konek. Pero sa oras yan ng kagipitan laging maaasahan, mas mabait pa ata sya sa kuya ko, yan si Jordan Go :)
GO po talaga ang apelyido nya. Huwag ng magtaka, ewan ko din kung bakit un ang apelydo nya. Wala naman syang lahing Chinese, Japanese o Korean.
"Bro, Saan ka ngayon?", tanong ko sakanya.
"Dto lang bakit? Ikaw? Nasaan ka ba?', sagot nya sa akin habang tila may kinakain.
"Ah. Dito bahay. Daan ka nga dito papaayos ko skateboard ko. Nawala kasi ung gulong"
"Ok, m'lady. araw-araw yan ang sinasabi mo ah Hahaha.", naghang up na sya at for sure on the way na din un. Lakas ko kaya sa mokong na yun :D
After 10 minutes, wala pa rin si Jordan -_______-
Ngayon lang ata natagalan yun ah. Kainis naman bored na ako sa kakabantay dito sa ipis na to. Grabe. Stay in na sya dito sa kwarto ko ah. Kung makahiga parang wala ng balak bumangon. Batuhin ko kaya ulit to para magising na talaga.
Biglang nagvibrate ung phone ko, tumatawag si Ace. Buti naman at naalala na nya ako.
"Oh? Musta ang party? Hindi pa ba tapos? Tagal naman nyan. Kinakalimutan mo na ako ah", paawa epek kong sabi sa kanya.
"Faye...si", tila kinakabahan sya sa kabilang linya na tila may gustong sabihin na hindi nya masabi. Parang may pumipigil sa kanya. Ngayon lang ata naging seryoso si Ace ah.
"Sis, ano un? wag mo nga akong bitinin. Kinakabahan na ako sayo ha", kinakabahan kong sabi sa kanya. Malakas talaga ang kutob ko may hindi magandang nangyari dun sa party na pinuntahan nila ni Jake.
"Si.....Marco", napanganga ako ng sinabi nya ung pangalan na un. Parang naramdaman kong tumigil ung pagdaloy ng dugo sa katawan ko. Ngayon ko lang narinig ulit ung pangalan nya pagkatapos ng isang taon.
Dali-dali akong pumunta sa party na pinuntahan nila Ace, buti nalang finorward nya sa akin ung address baka daw maisipan kong sumama sa kanila.
Mga 11pm na ako nakarating sa lugar, gabing-gabi na. Nakita kong may nagkukumpulang mga tao sa tapat ng bahay. Hingal na hingal pa ako dahil hindi makapasok ung sinakyan kong taxi sa subdivision na un.
Nakipagtulakan ako sa mga taong nandun para makita kung ano o sino ang pinapalibutan nila. Nagulat ako ng makita ko si Marco at Jordan na nakatayo at nakaharap sa isat-isa na tila nagsusuntukan dahil puro sugatan ang mga mukha nila.
Nakita ako ni Ace at pinuntahan nya ako. "sis, ok ka lang? sorry ha kung inabala pa kita. Ikaw lang ksi ang alam kong makakapigil sa mga to eh Hindi kinaya ng powers namin patigil tong mga to", tila hindi na pumapasok sa utak ko ung mga sinasabi ni Ace dahil sa galit, pagkadismaya at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
Hindi ko na napigilan at lumapit ako dun sa dalawa,
Sinampal ko ng malakas sa mukha si Marco at sinuntok ko naman sa mukha tong si Jordan. Pareho silang napatigil at nakatingin lang sila sa akin.
"Faye, pasensya ka na kung hindi na ako nakarating sa-', paliwanag ni Jordan.
"Tama na", pinipigilan ko lang ang galit ko sa mga to.
Humarap ako kay Marco pipigilan sana ako ni Jordan pero umiwas ako
" Anong ginagawa mo dito?', tanong ko sa kanya. Pinipigilan ko lang ang luha kong pumatak sa mga mata ko. Dahil habang nakikita ko sya bumabalik lang ung sakit na iniwan nya sa akin.
"Babe, anong nangyayari dito?" biglang may dumating na babae at lumapit sya kay Marco. Tinignan ako nung babae na tila may malaking pagtatanong sa mga mata nya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko, unti-unti na tong bumagsak at napansin ko nalang na naglalakad na ako papalayo dun sa mga tao na tila may nakatakip sakin at umaalalay.
"ipis?"....
Hohohohohoho :D
BINABASA MO ANG
Love Miracle <3
Teen FictionThis story tells you that anything is possible and each chances has its own moment. No matter what is your reason behind your character, meron at meron pa ring pagkakataon na mababago ito. Everything changes. Sinasabi nga nila ng paulit-ulit, EXPECT...