Chapter 23. Confusion

10 2 0
                                    

Chapter 23.

Hindi man lang ako hanapin ni Ace dito sa labas. Naiiyak na ako. Halos 2 hours na akong andito sa labas, nadadaanan ako ng mga kakilala at pinapasok pero ayaw ko pa rin talaga. May hinihintay ba ako? parang nga. Haay. Gusto ko ngg umuwi kaso medyo malayo din ito eh wala naman akong sasakyan tsaka nilalamig na din ako ah, wala pa yung phone ko na kay Ace actually wala akong dala  ngayon kahit isa man lang, nakakapangit daw ng poise pag may hawak-hawak. Sumisilip ako sa loob at mukhang nag-eenjoy nga sila, pero hindi ko matanaw sina Ace at Jake, pati si Will hindi ko makita, at hindi man lang magpakita. Ayst,ano pa bang aasahan ko dun. Pfft.

Napayuko nalang ako, feeling ko nasayang lang ang pag-aayos sa akin ni Ace dahil sa laki ng hiya ko. Hindi naman ako ganito talaga, promising. Dati sa school ang pinakawalanghiya - sa mga babae naman, lagi nga akong nagaguidance eh, lalaki pa nga tingin nila sa akin, pero bakit ngayon at "nagtransform" or more on "nagevolve" na ako parang may hindi maganda o hindi tama pero okay lang naman sa pakiramdam. Sa totoo lang bumabalik lang naman ako dati eh, ganito ako bago ko pa nakilala si Marco, ayoko syang maalala pero parte sya ng istorya. Pero simula nung nangyari sa akin, parang nawalan na akong gana maging babae kasi parang ang hina-hina ko tignan. Natatakot nga ako ngayon kasi parang may sariling isip ang isip ko, o diba ako lang ata ang may ganitong isip. Pfft. At ang katawan ko naman may sariling galaw, parang wala na nga akong kakampi sa buong pagkatao ko eh.

"Haaaaay", pagkatapos kong magbuntong-hininga napansin kong may nakatayo sa harap ko,  dahan-dahan ko namang inangat yung ulo ko, biglang nawala yung kaba ko at lungkot, buti naman hindi nya ako nakalimutan.

Inabot nya sa akin yung kamay nya, "May I dance with you?", wow ha, ngayon lang to naging seryoso pero napakamanly nya tignan.

"Of course", inabot ko yung kamay ko sa kanya at pumunta kami sa may openground, sa labas lang yun ng venue, dahil rinig naman sa labas yung music nakapagsayaw kami. Parang nakayakap na ako sa kanya, sarap sa feeling na may karamay ka sa oras ng kalungkutan at kaguluhan ng isip. Pinikit ko yung mga mata ko at nagrest lang sa dibdib nya. Wala na akong pakialam sa mga taong tumitingin sa amin, matagal din akong nakatayo kaya kailangan ko ng sasandalan. Nakakatuwa lang kasi alam kong hindi bagay ang suot ko sa suot nya wala din syang pakialam. Nakabonet sya na lose lang, nakagray shirt, pants at black sneakers.

Napansin kong hindi sya nagsasalita.

"Jordan?"

"Uhmm?"

"Bakit ang tahimik mo?"

"Ang sakit kasi ng paa ko eh", bigla akong napaalis sa pagkakayakap sa kanya at pinalo sya ng mahina sa balikat, napansin kong nakapatong ang mga paa ko sa paa nya, medyo tawa naman daw ako.

"Hindi mo naman sinabi, sorry", nagpout lang ako, nagaya ko lang kay Ace. Haha at mukhang effective naman.

"Eh mukhang binagsakan ka dyan ng malaking bato eh, bakit ka kasi nasa labas?", napayuko naman ako.

"Na-Nahihiya kasi ako eh",

"BWUHAHAHAHAH", napatingin naman ako sa kanya.

"Anong nakakatawa dun? Nakakainis ka naman", tumagilid ako sa kanya at nagcross arms.

"Kailan ka pa nahiya? Uhmmm.. mukhang nagbabago na ang prinsesa ko a-", napatingin agad ako sa kanya.

"Prinsesa kong mukhang lalaki", bawi naman nya kaya medyo - - wala lang naman sa akin.

"Uuwi na ako", sabi ko sa kanya sabay talikod pero hinigit naman nya ako.

"Uiii~ Drama sya", pang-aasar nya, pero parang trying hard naman sya mang-asar, parang panakip butas ba, ganun.

Humarap ako sa kanya na medyo galit ang itsura sana nga effective pero - -

Great! Biglang bumagsak ang malakas na ulan, tatakbo na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.

"Ui. Nababasa na tayo. Tara sumilong na tayo no~", nagcover ako ng ulo gamit ang kamay ko pero as always kailan pa naging effective to, ngumiti lang sya at nillapit ako sa kanya, napayakap tuloy ako.

"Magsayaw lang tayo, sayang yang outfit mo", medyo natawa sya ng unti pero wala na akong nagawa sumayaw kami sa ilalim ng malakas na ulan, sana nga hindi magalit si Ace sa akin dahil nasira ko ng make up at nabasa ang dress nya. Bahala na basta ang alam ko gumagaan ang pakiramdam ko - pero hindi yung security na naramdaman ko kay Will. Nako. Wag ko nga muna syang maisip-isip ngayon dahil iba sya at  iba si Jordan.

Magkaiba talaga silang dalawa.

________

"Yoooooo~ La la la la la! Wooooo~ Bilisan mo pa Jordan! Dali na ah! Woooooo~", sabihin nyo ng baliw ako pero okay laaaaang~

"Woooooo~ Ganyan! Sige lang", binibilisan na ni Jordan yung pagpapatakbo sa bike, nakaangkas lang ako. Alam nyo yung parang sa mga koreanobela, gabi na pero nandito pa rin kami at nakadress pa rin ako, medyo umuulan pa pero parang wala lang sa amin. Sigaw nga ako ng sigaw eh, wala naman masyadong nakakarinig kasi nasa may park kami, paikot-ikot lang.

"Humawak ka kaya sa akin mamaya mahulog ka", medyo pasigaw na sabi sa akin ni Jordan.

"Ayoko nga para nga akong lumilipad eh", sagot ko naman habang nakataas pa rin yung mga kamay ko.

"Tatayo ako ha kaya stay still ka lang dyan", kumuha na ako ng bwelo para tumayo sa may bike.

"OY! Wag ka ngang tuma-", hindi ko na sya pinatapos magsalita kasi nakatayo na ako sa likod ng bike.

"Woooo~ Ang sarap sa fee_"

*bugsh

"HAHAHAHAHAHAH. Ang cool nun _", biglang may humigit sa akin patayo na syang kinagulat namin ni Jordan.

"Aray! Nasasaktan a- . . .Will?", itinayo nya ako ng maayos at pinunasan pa nya yung mukha ko.

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Nasaktan ka ba?", nag-aalalang tanong nya sa akin.

"Ah. .Eh", tumingin ako kay Jordan at hinihintay ko syang magsalita.

"Uhmm. Sorry Will. Nagkakatuwaan lang kami", sabi naman ni Jordan sa kanya habang hawak yung bike.

"Paano kung may nangyaring masama sa kanya?!", medyo galit na sabi ni Wil. Hindi ko sya maintindihan bakit sya nagkakaganito, wala naman akong ginagawang masama sa kanya, parang nakakabastos tuloy kay Jordan.

"Tara na. Iuuwi na kita", hinigit nya yung kamay ko sabay hila palayo kay JOrdan, napatigil ako at hinablot yung kamay ko sa kanya, tumingin ako kay Jordan.

"Okay lang Faye. Tatawagan nalang kita", sumakay na si Jordan sa bike at umalis. Wala akong maitindihan sa nangyayari at nararamdaman ko. Bakit ba ganito si Will? Madami akong gustong tanungin sa kanya, papakalmahin ko lang muna sya.

Love Miracle <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon